Chapter 26

13.3K 444 9
                                    

Russel Rayos Del Sol

Outfit? Check.

Confidence? Check.

Gwapong-gwapo sa sarili? Check na check.

Maaga pa ngayon, bandang 10 o'clock pero ito ako, bihis na bihis na. Balak kong puntahan ngayon si Esmee sa kanila at dito na siya mag-lunch para mameet na niya si Mom and Dad, and even Dahlia. Nang mag-usap kami kagabi, grabe, ro'n ko napagtanto na tanga ako. May babae pa palang kagaya niya, na gusto makita ang magulong part ng pamilya ko. And damn, I'm so fucking lucky to be loved by that woman! I fucking love her so much!

I immediately left the room and went to the garden, they were all there playing majong. That Mom influenced my siblings, and so did Dad. I'm the only one who doesn't want to play majong. I prefer playing mobile games on my phone or laptop.

“Aalis ako, Mom, Dad.”

Napatingin sila sa'kin, hindi pa sila bati pero dahil kahinaan ni Mom ang majong, 'yon ang ginawang paraan ni Dad para kahit papa'no mawala ang inis na nararamdaman ni Mom sa kanya.

“Sa'n punta mo?”

“Sa bahay ni Esmee, dadalhin ko siya rito, don't worry.”

Ngumiti si Mom, lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

“Buti naman!”

“Sige, Mom. Alis na ako.” tumingin ako kay Dad, tumango 'to sa'kin.

“Mag-iingat, okay?”

“I will.”

Ginulo ko ang buhok ng dalawa kong kapatid bago tuluyang umalis na ro'n. Lulan na ako sa sasakyan, on the way na papunta sa bahay nina Esmee.

My phone rang and I saw Clay's name on the screen.

Hindi ko 'yon sinagot, nagfocus na lang muna ako sa pagmamaneho. Mamaya, may mangyari pang aksidente, mapatay agad ako.

Nag ring muli ang phone, and again, I didn't answer it. I'm gonna call him later. And I don't care if it's just an urgent, or something. Basta nagmamaneho ako ngayon, tapos.

Pag dating sa bahay nina Esmee ay bumusina na ako, lumabas ang isang katulong. Binaba ko ang bintana at ngumiti sa kanya.

“Ay, Sir! Kayo pala! Wait po!”

Binuksan niya ang malaking gate kaya nakapasok na agad ang kotse ko.

“Thank you.”

When I got out of the car, I went straight to their house. I didn't text or call Esmee. Surprise ba. Nikolai was the first one to see me, he's eating chocolate while Esmee was next to him, nakatalikod at nag ne-nailcutter ng kuko. I grinned and signaled to Nikolai not to be noisy.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Esmee at nang lumingon siya ay agad ko siyang niyakap.

“Ah, I'm home.” madrama kong wika.

“Ba't ang aga mo rito?”

“Na miss kita.”

Umalis na si Nikolai sa pwesto niya, para siguro bigyan kami na moment na dalawa.

“Are you serious?”

I leaned my head on her shoulder and watched her finish what she was doing. “I'm serious, I'm always serious when it comes to you."

“Eh, bakit nga ang aga mo?”

“Do'n ka maglunch sa bahay, ipapakilala kita kay Mom and Dad, though, kilala ka naman na nila.”

Rings & BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon