Chapter 4 [EDITED]

77 46 0
                                    

Trisha's POV

"Isaac." Tanging nasabi ko. Dahil isa sya sa ginamit na picture ng kaibigan ni tol... si Tol ang first love ko. Callsign namin iyon.

"Kilala mo ako? It doesn't matter. Bakit ka naiyak sa sidewalk?" Sabi nya at pinunasan ang dugo sa sugat ko.

"Wala ka na don." Sabi ko sakanya at akmang tatayo kaso hindi kaya ng kanang paa ko.

"Attitude problem, pakiayos. Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa galit." Sabi nya at binuhat ako ng pambagong kasal at inupo sa bench sa tabi ng puno sa park. Tinanggal ko ung salamin at mask ko para makahinga akong ayos.

"Thank you. Pwede mo na akong iwan." Sabi ko at tinawanan nya ako.

"Iwanan? Eh baka makita nalang kitang nagapang pauwi?" Tatawa tawang sabi nya at nabuisit ako.

"Wala ka namang sasabihing maganda kaya pwede? Iwan mo na ako." Sabi ko at tinanggal sapatos ko.

"Gawa ba ni Darren?" Tanong nya kaya natigilan ako, "Sabi ko sayo, kahit paulit ulit mong sabihing poser ako, wala akong pakialam."

"Drake?" Tanong ko at napatawa sya ng mahina.

"Kilala mo parin pala ako. Isaac Drake Gonzalo is my real name." Sabi nya at ginulo buhok ko.

"Meet me where the sun meets the sea. Sino naman makakalimot sa line na yon? Hahahahah~ pumunta ako sa Pier nung sunset pero wala naman akong nakita na pagmumukha mo." Sabi ko at napapangiti sa mga memorya kaso naalala ko nanaman ung kanina kaya nawala agad ung ngiti ko.

"Nandon ako, binabantayan kita non." Sabi nya kaya napatingin ako sakanya na nakatingin naman sa langit.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi kahit paulit ulit kitang sinungitan, paulit ulit mo rin naman pinaramdam sakin na kahit alam mong nagsisinungaling kami ay handa kang magtiwala. Tanga mo kasi." Sabi nya at napangisi. Binatukan ko sya at nakakunot noo ko.

"Bakit?!" Gulat na tanong nya.

"Gago ka. Tanga ako. Kaya mas malala ka. Makaimik ka kala mo ako na pinakatanga." Sabi ko.

"Ang hina mo naman eh. Pinaglihi ka ba sa pagong?" Tanong nya at humindi naman ako.

"Eh bakit hindi mo naintindihan ung sinabi ko?!" Inis na sabi nya.

"Kasi wala ako sa mood." Tanging sagot ko at sumandal sa puno at inunat paa ko.

"Ganon? Pag wala sa mood nagiging bobo?" At dahil sa sinabi nya ay napamulat nanaman ako pero muling pumikit.

"Ewan ko sayo. Lumayas ka na nga binubuisit mo lang ako." Sabi ko at narinig ko namang bumulong sya.

"I like you, okay?!" Sabi nya at wala naman akong pakialam. Like lang pala eh.

"I angry you." Sabi ko. Hehe facebook reaction hahahaha~

"Ewan ko sayo. Mauna na ako. Nandito na sundo mo. Pre, ayusin mo yan, natanga na ng sobra." Sabi nya pero wala talaga akong pakialam.

"Trish." Pagkarinig ko nun ay napabalikwas ako at akmang tatayo kaso wrong move dahil bumagsak lang ako sa damuhan.

"Kitams, natanga na. Alis na ako." Sabi ni Drake at tatawa tawang umalis. Buisit like ba yung tawag don?! Iniwan ako?! Pwes I dislike you Mr. Surot psh. Surot tawag ko sakanya noon.

Sinuot nya sa akin ung bonet nya. Binuhat ako ni Darren at nakabraces nanaman sya ngayon. Nilagyan nya ng jacket ung legs ko para hindi exposed. Naglakad sya hanggang sa makauwi kami.

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon