Chapter 11 [EDITED]

60 45 0
                                    

Trisha's POV

"I love you"

"I love you"

"I love you"

Hapon na ngayon mga bandang alasingko na.

Tila nawala ako sa ulirat nung marinig ko ung mga salitang hanggang sa may kumatok ng pinto. Pagbukas ko ay si Piolo.

"Hi Dianna, Lodi." Nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa noo. Hilig nyang gawin yon. Naupo kami sa sofa. Pinapunta ko muna si Darren sa kwarto nya dahil nga bawal malaman ng iba.

"Hi Diannaaaaaa!" Narinig kong sugod ng isang lalaki at niyakap ako. Napayakap lang din ako at humiwalay na sya.

"Eto yung regalo namin sayo." Inabot nung maingay na lalaki ung malaking regalo.

"Piolo, sino yan?" Takang tanong ko.

"Hahahahaa~ si Paolo yan. Limot mo na?" Tanong nya at napaisip naman ako.

Ahhh yung bunso nyang kapatid na kaedad ko.

"Ahhh... maingay ka parin." Tanging nasabi ko at napatawa naman si Paolo.

"Alam mo ba, fan mo ako, kinakapatid?!" Masiglang bati nya at pinakita ung drawing nya ng mukha ko. Awaaaaaaaaaaa!!! Ang ganda nung drawing T^T

"Ahh...hehe~ Thank you.." Tanging sabi ko at inabutan nya ako ng ballpen.

"Paautograph." Sabi nya at namula naman ako.

"Paolo, umayos ka nga." Sabi ni Piolo at binatukan ang kapatid.

Kinuha ko yung ballpen at gaya ng sabi nya ay pinirmahan ko yun. Binigay nya phone nya sa kuya nya at...

"Picturan mo kami bilis! Bilis!" Excited na sabi neto at tumabi sakin at inakbayan pa ako. Ngumiti ako pati na rin sya. Pagkakuha nya ng phone makalipas ang ilang minuto ay nagvibrate phone ko. Pagkacheck ko ay nakatag ako sa isang IG post. Pagtingin ko..

"Kinakapatid! Ganda talaga =)"

"Hoi Paolo sa pagkakaalala ko sayo! Nung hindi pa ako sikat lagi mo akong hinahamon ng drawing!" Sabi ko at kinaltukan sya.

"Hehe ganon talaga =P!" Aba't isip bata toh =.=

"Paolo, mauna ka na sa kotse." Sabi ni Piolo at lumabas na si Paolo.

"Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw tapos hindi pa ako makakapunta sa birthday mo." Sabi nya.

"Ayos lang. Alam ko namang busy ka eh. Goodluck, sana magustuhan ni Tito performance mo." Sabi ko at tinap shoulders nya.

(Start the video here)

"Goodluck sa debut mo, sana successful. Soar high. Basta kapag kailangan ng masasandalan, andito ako ha?" Sabi nya at niyakap ako at humiwalay din agad.

"Alis na kami." Sabi nya pagkatapos ay nagwave lang ako ng goodbye at umalis na sya.

Lumabas na si Darren sa kwarto nya.

"Matanong ko lang, diba mayaman kayo? Pero bakit hindi kayo kumukuhang kasambahay para hindi ka laging mag isa dito?" Tanong ni Darren at naupo sa tabi ko.

"Ayaw ni Mommy kasi sabi nya ay kaya ko naman daw ihandle sarili ko. Ayaw nyang maging dependent ako." Sabi ko.

"Kaya nga pwedeng pwede ka na asawahin eh." Namula naman ako sa sinabi nya.

"Ano?!" Gulat na tanong ko dahil nagiinit talaga pisngi ko.

"Sabi ko asawahin na kita." Aba't inulit pa ni Darren at mas malala pa don. Nakatingin pa sya sa mata ko at nakangiti.

Umirit ako at tumakbo sa kwarto ko. Napatalukbong ako ng kumot ko at narinig kong tumawa ng malakas si Darren mula sa labas. Narinig kong nilapat nya yung front door.

Bigla kong narinig ang pagtugtog ng piano. Tapos kumanta sya. Pamilyar na kanta. Sobrang pamilyar.

"Girl, you are my number one
You can never be undone
You are the only one
I wanna talk to, I wanna talk to"

You are the only one na kanta nya. Napangiti naman ako. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!

Tulong!!!!

"TULOOOONG!" Sigaw ko at narinig pag tigil ng piano at dali daling nagbukas ung pintuan ng kwarto ko. Nakaupo ako sa kama bakas sa mukha nya yung pag aalala.

"Ano nangyare bat ka sumigaw?" Tanong nya at ngumiti lang ako.

"Mahuhulog kasi puso ko baka walang sumalo, pakisalo naman oh!" Sabi ko at napangiti rin sya.

"Kahit hindi mo na sabihin, lagi akong nakaabang." Sabi nya at namula nanaman ako. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Sumunod sya sa akin at pumunta ako sa backdoor para umakyat papunta sa rooftop. Naupo kami sa kutson habang nakatingin sa labas.

Napansin kong nakangiti lang sya kaya di ko maiwasang mapangiti rin.

"Boy, you are my number one
You can never be undone
You are the only one
I wanna talk to, I wanna talk to"

Pagkanta ko at napangiti sya lalo.

"Let me make your dreams come true
Let me be the only one for you
Let's spend some time
Together just me and you..."

Pagkanta nya bigla at hinawakan kamay ko. Nagintertwine yung kamay namin at tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"Boy you're the only one that I love
You're love was sent from heaven up above.."

Napangiti lang ako habang nakatitig kami sa sunset. Tanaw kasi yun dito sa amin.

"Masaya ako kasi okay na tayo." Sabi nya.

"Kala mo ba ikaw lang masaya?" Tanong ko sakanya at nakita kong kusang nagform labi nya ng ngiting nakakatunaw.

"Anong gusto mo sa birthday mo?" Tanong nya at napaisip naman ako.

"Noon ang gusto ko lang ay makasama ka dahil nga die hard fan moko pero ngayon na kasama naman na kita hindi ko alam kung anong gusto ko." Sabi ko at nag iisip parin.

"Ano bang plano mo sa 24?" Tanong ulit nya.

"Wala, konting salo salo lang naman daw kasi sabi ko kay Mommy basta dito ka samin patuluyin, kahit wala ng celebration." Sabi ko.

"Ahh.. sige." Sabi nya na tila may pumasok sa isip nya.

"Ano naman naiisip mo?" Tanong ko.

"Ikaw." Sagot nya at namula naman ako.

"Mukha kang kamatis." Sabi nya at bumitaw sa pagkakaintertwined at pinisil pisngi ko.

"Ewan ko sayo! Ikaw ba anong gusto mo sa birthday mo?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Ikaw." Parang sasabog na ako sa sobrang kilig ngayon.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! GANITO BA ANG MGA BANAT ALA ESPANTO?! WAAAAAAAAA!!!

"Ung totoo kasi! Ano plano mo sa birthday mo?" Tanong ko ulit.

"Punta tayo sa Star city." Sabi nya at napangiti naman ako.

"Sige game ako dyan!" Sabi ko at nawala ngiti ko nung mapansing nakatitig sya.

"Tinitingin mo?" Tanong ko pero kinikilig ako.

"Wala." Sabi nya at ngumiti.

"Ang ganda ng sunset noh?" Tanong ko habang nakatingin sa palubog na araw.

"Mas maganda ka." Sabi nya kaya kasing pula ng bedsheet ng kutsong ito ang pisngi ko.

















"You're so beautiful in my eyes.."

~~~~~~~~~~~~~~~♡~♡~♡~~~~~~~~~~~~~~~

Vote ☆ Comment ☆ Follow

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon