Darren's POV
Ngayon yung sinasabi ni Drake na dance practice. Alam ko namang marunong mag cottilion si Trish kaya naman magpapractice ako ngayon dahil kasama ito sa plano ko.
Malalaman nyo ung plano ko sa mismong birthday namin.
Medyo madali ko rin naman syang natutunan dahil sanay naman akong sumayaw pero nag aadjust pa ako kasi hindi ko hilig ung ganitong klase ng sayaw.
Pagkatapos ko turuan ay nagpasalamat naman ako at inabot yung bayad.
"Drake, tara sa Star City." Sabi ko at tumango naman si Drake. Gaya dati kami nanaman ang magkasabwat.
Nagdrive lang si Drake at ako naman ay naghahanap sa online shop ng magandang dress.
"Drake, ano kayang mga type ng babae na dress? Tutal may kapatid ka baka naman alam mo." Sabi ko pero nakatingin lang sya sa daan habang nagdadrive.
"Piliin mo ung favorite color nya na dress tapos bilhan mo rin ng heels na pares don. Ang bilhin mong dress ay yung knee length dahil napansin ko na ganon kadalasan suot ni Trish." Sabi ni Drake at tumango lang ako.
May napili na akong dress, inorder ko na agad yun at saka na ung sapatos.
Pagkadating namin sa Star City ay kinausap ko ung manager.
"Mr. Manager, baka naman po pwedeng magset ng date and time na ipapasara toh. Ipaprivate kumbaga." Sabi ko.
"Bakit naman po, Sir Darren?" Tanong nya.
"I want to have a special party here. Kilala nyo po ba si Dianna Francisco?" Tanong ko sakanya.
"Ayh oo, fan noon ang dalawa kong anak. Pati ikaw idol nila." Sabi nya at napangiti naman ako. Nakabinet ako gawa ng buhok ko.
"Baka naman pwedeng iprivate ito. Magset po tayo ng agreement." Sabi ko at inabot sakanya yung agreement na ginawa ni Drake.
"May 24, 7:00pm?" Tanong nya na parang naniniguro.
"Yes po. Triple po ibabayad namin pumayag lang kayo." Sabi ko at napaisip naman sya. Kasabwat kasi namin ni Drake si Tita at pati na rin si Piolo na pinsan ni Trish at sinabi nila na sabihin ko daw yun para pumayag at sila daw bahala.
"Pero bakit?" Tanong neto.
"Birthday po kasi namin at... may ipagtatapat po ako sakanya." Sabi ko at sinabi ko sakanya yung plano at napangiti naman sya.
"Maeffort ka hijo, pero sabihin ko sainyo bukas ang desisyon ng may ari ha?" Sabi nya at nagpasalamat naman kami.
"Pakisabi po request yan ni Darren Lyndon Espanto at Isaac Drake Gonzalo para kay Dianna Francisco. Imbitahin namin si Kyline Alcantara, Bailey and Ylona, Andrea Brillantes, Cassy Legaspi, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at marami pa kaya kailangan nakaprivate." Pahabol ni Drake at natatawa kaming lumabas.
"Wala naman akong balak imbitahin mga artista eh." Sabi ko at natatawa naman si Drake na sumakay sa kotse.
"Edi imbitahin mo na rin. Sayang naman effort mo na ipaprivate ito para lang sa atin. Para malaman na din nila. Easy diba?" Sabi nya at natawa naman ako.
"Hindi yun ganun kadali kasi magiging issue ung panliligaw ko kung papayag si Dianna." Sabi ko at pinaandar na nya ung kotse.
"Showbiz life, hindi mo yan matatago at isa pa, malapit na rin pumasok sa showbiz si Dianna. Kita mo naman andami nyang fans agad. Kung ako sayo iimbitahin ko na rin ang mga DarrIannatics." Sabi nya at napaisip naman ako dahil tama sya.
Hindi pa ako nasanay sa mga issue issue sa showbiz. Wala ng privacy ang mga artista dahil lahat ata ng ginagawa namin may paparazzi na nakabuntot.
"Maigi na yung updated sila para hindi maligaw ung information baka kung ano pang fake news kumalat, diba?" Pangaral ni Drake at napatango nalang ako.
"Anong oras bukas?" Tanong ko dahil bukas na ung celebration at paniguradong andun kagad manager ko.
"Mga 5pm ata daw. Wala pa ngang nahahanap na host." Sabi ni Drake at dahil party naman namin yun..
"Edi tayo nalang maghost ng party. Tutal parang bonding na rin naman sa fans yun eh." Sabi ko at napangiti si Drake.
"Kahit kailan ambait mo. 215 Darrenatics at 100 Diannanatics ang pupunta. 65 Drakers (dreykers) and 90 kylinians. Pero ambagan talaga silang lahat para sa venue." Sabi ni Drake at naisip ko na nagsasayang ng pera ung mga fans para lang saming mga idols nila.
Si Drake ay sikat na dancer at actor. Kaya kasama ung mga yun fans nila dahil imbitado rin sila.
"So 400 mahigit pala lahat? Andami pala noh.." Sabi ko at parang nanghina pero ayos lang naman yun. The more the merrier.
"Oo, pero strikto ang mga president ng fanclubs dahil pag hindi nakacostume, kahit nakalista ay hindi talaga nila papapasukin." Sabi ni Drake at napatango lang.
"Dapat mga 3 nasa backstage na tayo para hindi tayo mahirapan." Sabi ko at tumango sya. Nakarating na kami sa bahay.
"Sige, salamat sa tulong, Drake. Bukas daanan mo nalang kami." Sabi ko at bumaba na. Pagpasok ko sa gate ay kumatok na ako sa pintuan.
"Hello!" Bati ni Trish na nagbukas ng pinto.
"Hi." Sabi ko at nginitian sya. Pumasok na ako at binaba gamit ko sa kwarto.
"3pm tayo dadaanan bukas ni Drake dito. Papuntahin mo nalang din si Kyline." Sabi ko.
"Andito na ako." Sabi ng isang boses ng babae mula sa kwarto ni Trish.
"Dito na sya tutulog para sa umaga mag aayusan na kami." Sabi ni Trish at tumango lang ako. Pumasok ako sa kwarto at pinlantsa yung susuotin ko bukas na white sleeveless hoodie na ipapanloob ko, plain blue shirt, blue shorts, at ung nilalagay sa ulo ni Finn.
Nakita ko ung dress ni Trish na pink. Long dress sya then may belt lang. Kita ung shape nya dun sa dress nya kaya kung pwede lang sana hindi ko ipasusuot sakanya yun.
Si Kyline naman ay Marceline at medyo boyish lang ung outfit. Nakasampay ung kanila.
K☆I☆N☆A☆B☆U☆K☆A☆S☆A☆N
Pagkagising ko ay naghilamos at nagtoothbrush muna ako. Pumunta ako sa kwarto ni Trish at kumatok. Sumigaw sya ng pasok kaya binuksan ko yun at nakitang may ayos na si Trish at inaayusan naman nya si Kyline.
Ang ganda ni Trish.
"Ang aga nyo naman mag ayos." Sabi ko at nilingon ako ni Trish.
"Anong maaga eh 10am na po kaya. Mag aayos pa kaming buhok." Sabi nya.
"Layas san goku!" Sigaw nya at bahagya akong natawa.
"Finn nga kasi san naman nanggaling yang San Goku mo?" Tanong ko dahil inaasar nya ako.
"Sa buhok mo! Ahhahahahahaha~" Sabi nya na kahit si Kyline na inaayusan ay natawa.
"Ayh ganon? Ayos lang yan. Ako parin si Finn at ikaw ang Princess Bubblegum ng buhay ko."
~~~~~~~~~~~~~~~♡~♡~♡~~~~~~~~~~~~~~~
Vote ☆ Comment ☆ Follow
![](https://img.wattpad.com/cover/149298655-288-k906104.jpg)
BINABASA MO ANG
Home (Darren Espanto Fanfiction)
Kısa Hikaye(Short story) What if the one that made you feel so much pain is your idol? Started: 05-23-18 Finished: 05-25-18 Edited: 04-16-20