Chapter 7 [EDITED]

56 45 1
                                    

Trisha's POV

"Wala ka pa bang balak umuwi? Nakakaasura na kasi yung mukha mo." Sabi ko kay Drake dahil kanina pa sya dito at gabi na.

"Oo na, aalis na ako." Sabi nya pero pinigilan ko sya.

"Anong aalis? Sabi ko umuwi. Dapat uuwi." Sabi ko at nilingon nya ako.

"Ayoko." Sabi nya at tuluyan ng lumabas.

Tumakbo ako palabas at nakita syang papalayo, "Ingat!"

Nag okay sign lang sya at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Pinunasan ko muna ang bookshelf ko at inayos ang mga libro doon. Inayos ko din yung sofa at nakita ko na may kwintas roon.

Tiningan ko at locket sya, binuksan ko ung locket at pagkakita ko ay picture ni Drake at sa kabila ay picture ng batang babae.

Tinago ko muna un sa drawer ng study table ko para pag hinanap nya ay alam ko kung san hahanapin. Pinagod ko lang talaga sarili ko kaya inaayos ko yung bahay. Nilock ko na yung pinto. Nagsalang ako ng movie at nanuod mag isa.

May tumatawag sa phone ko kaya sinagot ko yun kahit di tinitingan.

"Hello, Anak. Sa isang araw makakauwi na ako."

"Talaga, Ma? Ingat kayo! Pasalubong ah!"

"Oo nakabili na ako ng pasalubong at alam kong ikaw si girl pasalubong."

"Thank you hahahaha~"

"Nasan si Darren? Bat di ko ata naririnig ang boses dyan sa kabilang linya?"

"Umalis na po sya."

"Bakit naman daw?"

"Kasi po basta. Ewan ko rin. Mag isa nga ako ngayon eh."

"Ayh sya sige, don't forget to lock the doors and close the windows okay?"

"Opo, sige na Mommy, nanunuod pa ako."

"Sige goodnight, I love you."

"Love you too. "

Pagkatapos nun ay binaba ko na yung tawag. Atleast di masyadong matagal bago ako magkaron ulit ng kasama.

Nakakaiyak ung pinapanuod kong cd ni Mommy T^T

"I would rather have had one breath of her hair, one kiss of her mouth, one touch of her hand, than eternity without it. One."

Alaaaaaa T^T bakit kasi namatay yung babae after nung araw na yun? Sinacrifice nya ung forever para makasama sya then mawawala lang din pala ung mahal nya T^T

Then that hit me.

Kapag nagmahal ka, kahit saktan o iwan ka nya sa kahit anong rason, magiging thankful ka parin kasi kahit sa maikling panahon napangiti ka nya.

Sa kaso ko, I think tama si Ann. Gumagawa muna sya ng tama bago sya magpakilala para pag nangyare ung araw na ipaalam na nya sakin... kahit manlang ung pinagsamahan namin ngayon ang pahalagahan ko.

Siguro ang childish ko sa mata ng iba dahil sa kesyo nalaman ko na ung ex ko na poser ay ung idol ko na naging kaibigan ko ay magrereact na ako ng ganon.. pero who are those people to judge me when they don't even know  what I've been through?

Hindi ako galit, nasasaktan lang.

Tumawag si Ann at sinagot ko yun at pinatay ang DvD at TV.

Pinatay ko na ilaw at ung sa terrace lang iniwan kong bukas then pumunta na ako sa kwarto ko..

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon