Chapter 15 [EDITED]

55 43 1
                                    

Darren's POV

Bihis na kami at may nakalagay din na bass guitar na red sa likod si Kyline na pagmamay ari naman ni Trish dahil kapag daw hindi un nilagay ni Kyline ay hindi sya magkukurona.

Nasa backstage na kami at naririnig na namin ang ingay.

"Drake! Ano yang suot mo?! Hahahahhahahahahahahahah~" Ngayon palang kasi nagbihis si Drake at sinalubong ni Trish ng ganyan at kahit ako ay napahagalpak dahil sa suot ni Drake.

"Isa itong kahihiyan!" Sabi ni Drake at namumula na.

Nakahospital gown kasi sya pero kulay royal blue yon at nakakorona sya. Tas. Nakashirt na blue sa loob at shorts na black.

"Ang cute moooo ahhahahahahahahah~!" Hagalpak nanaman ng tawa itong si Trish at kahit si Drake nadala sa tawa ni Trish.

"Ang cute cute mo! Mukha kang tanga hahahahaha~" Tawang tawa si Trish at dahil sa padali nyang yun ay humagalpak na kami ni Kyline ng tawa at yung ibang staff na kasama namin dito pati manager ko.

"Ang sama nyo sakin." Nakasimangot na sabi ni Drake.

"Magbihis ka nga nakakatanga suot mo eh." Sumeryoso na si Trish.

"Eh Ice King ako." Sabi nung isa.

"Tanggalin mo yan bilis." Sabi ni Trish at kinuha ung make up kit.

Inayos yon ni Trish at Kyline. At mas matino naman ang itsura ngayon ni Drake pero nakakatawa parin pero kumpara kanina okay naman.

Minake upan nalang nila si Drake at dahil maputi si Drake pinaputla lang nila at nilagyan ng eyeliner.

"Tara na, Drake." Aya ko sakanya dahil kami ang maghohost.

"Hindi ko ata kayang lumabas." Sabi ni Drake at natatawa akong hinila sya. Nagsigawan naman sila nung makita kami.

"Goodafternoon!" Sigaw ko at sigawan din naman sila. Andaming nakasimpleng costume.

"Ang una nating program for this event ay ang games. Lahat ay pwedeng sumali pero hindi naman kayo pipilitin. Unang laro natin ay Trip to Puso ni Darren! Ang mananalo ay makakayakap kay Darren pero dahil puso ni Darren ay kay Darren lang." Sabi ni Drake at nilingon ko sya.

"Binabasa ko lang." Bulong nya sakin.

"Lahat ng sasali ay magdala ng upuan sa open space." Sabi ni Drake at andaming nagpuntahan.

"Darren, sabi dito ay ikaw ang kakanta at ikaw bahalang tumigil." Sabi ni Drake at tumango lang ako. Pumunta ako sa backstage at hinila si Trish at nagsigawan naman lahat nung makitang hawak ko sa kamay si Trish.

Nag alis si Drake ng isang upuan at nilagay sa gilid. Pinaupo ko dun si Trish at nakatayo ako sa gilid nya.

"Halinghinan tayo sa pagkanta ha." Sabi ko kay Trish at inabutan ako ni Drake ng isang upuan.

"Sisimulan na natin ang game without any sample game, okay? Ready na ba kayo?!" Masiglang sigaw ni Drake at um-oo ang lahat. Andaming maglalaro pero syempre lamang parin ang nakaupo lang.

"Mula nung makilala ka
Lagi na lamang naiisip ka
Ang yong ganda'y naiiba
Lagi na lamang naiisip ka

Sana'y hindi panaginip
O di kaya'y kathang isip--"

Pinutol ko doon ung pagkanta ko at natawa naman kami ni Trish nung kagulo sila at may nagkakalong pa at nagtawanan din ung ibang nanunuod. Masaya kami, yes. Then para mas mabilis nagbawas naman ng 10 chairs agad every stop.

"Naakit mo ang puso ko
Ngayon ay umiibig sayo

In love na ako
In love na sayo
Sana'y malaman mo
Ang damdamin ko

Home (Darren Espanto Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon