CHAPTER 4 [ Itlog ]

230 6 0
                                    

MUMU's POV



Tinitingnan ko ang laman ng reff niya,puros dilata at mukhang lahat ay expired na.



"Ayun!" napatingin ako sa itlog na nasa pinakamataas na part ng ref.



Hindi ko abot ang itlog kaya kumuha ako ng upuan at ginawa kong patungan.



"Klaseng ref to oh.Ang taas mukhang ref ng higante.Eh, mangkukulam naman ang nakatira dito."ako sabay kuha ng dalawang itlog.



Bumaba na ako sa upuan at nilagay ko muna sa mesa ang dalawang itlog.




"Ewan ko nalang ang gagawin ko kapag ang dalawang itlog na yan ay expired na."Ako sabay kuha sa bowl at tinidor.Meron naman siya ditong mixer pero hindi ako marunong gumamit e.



Magtitinidor na nga lang ako,Pilipinong tao kaya ako. Ay mali! Dapat Pilipinong Multo ako. Yun oh!



"Teka meron bang expired na itlog?" ako sabay lagay ng bowl at tinidor sa mesa.




"Wala naman ata,?___? wala pa kasi akong nabalitaan na may namatay nang tao dahil sa pagkain ng expired na itlog" ako sabay kuha sa itlog at tinidor.



"Bakit kaya parang gumagalaw ang laman ng itlog? Baka siguro sa yolk na nasa loob ng itlog." ako tapos tinaas ko ang shoulders ko at binaba ko ulit.Yung tipong tinanong ka tapos alam mo ang sagot pero tinatamad ka lang magsalita.



"Biakin ko na lang nga to." bulong ko sa sarili ko.



Kinuha ko ang tinidor at ginamit ko itong pamalo sa itlog.



"Waaa!!!0,0"-me sigaw sabay bitaw sa tinidor.



Nagulat ako ng biglang tumakbo ang itlog. I mean, naging sisiw ang itlog.



"Huy ano ang nangyari?!"-galit niyang tanong sa akin.



"Wala naman (inhale),naging sisiw(exhale) lang naman ang itlog."ako na parang hinika sa sobrang gulat.



"Sus para yun lang!"Mr. Toro


Mumu in a Mission(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon