Prologue

5.1K 129 5
                                    

Prologue

"H-hi S-Shawn." Hindi ko maalis ang tingin ko sa babae na yun na nilamon na yata ang lahat ng kahihiyan makalapit lang sa basagulerong boplaks na lalaking yun. "I-I B-bake this for you." Nauutal na siya pero nagawa niya paring maging matapang para lang pansinin siya ni Shawn na mukhang wala namang paki-alam sa mga sinasabi niya.

Saludo ako sa babaeng yun kahit na nakakainis ang ginawa niya, napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita kong kinuha ni Shawn ang cake na binigay ng babae at walang ano-anong sinampal niya iyon sa mukha ng babae.

Hindi ako makagalaw,halos lahat ay nakatingin lang sa kanilang dalawa,kung anong susunod nilang gagawin,kung ano ang susunod na mangyayari,ngayon ay nabalot na ng kahihiyan ang babaeng yun,hindi ko inaasahan nang bigla siyang kabigin ni Shawn at Napaupo siya sa lakas ng pagkakatulak sakanya.

"Hindi nag-aaksaya sa isang katulad mo ang guwapong tulad ko, kaya kung gusto mo ako,mangarap ka nalang."

Isinuot niya ang headphone niya at inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa sabay pacool na umalis,Lalapit sana ako sa babae para tulungan siya ang kaso ay tumakbo na ito paalis.

Nakakainis talaga ang basagulerong boplaks na'yun,araw-araw nalang may pinapahiya siyang babae,kapag kami nagkabanggaan hinding hindi ko siya aatrasan, makikita niya kung anong kayang gawin ng isang maliit na tulad ko.

Mabuti nalang at nakapasa ako sa scholarship at nakapag-aral ako sa prestigous na eskwelahan na ito, Pero kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko nalang na mag-aral sa maliit na eskwelahan kesa araw-araw kang makakita ng babaeng pinapahiya at wala man lang nagmagandang loob na tumulong.

Pasalamat ang lalaking yun at perez siya kung hindi hahampasin ko siya ng cake hanggang sa mabawian siya ng buhay haha joke. Perez kasi ang nagbigay ng scholarship saakin,nakita niya kasi ako na nagtatrabaho sa isang cake shop,tinanong niya ako kung gusto ko raw ba ipagpatuloy ang pag-aaral ko,aba siyempre hindi ko na tinanggihan ang alok niya na mag-apply ng scholarship sakanya.

Kaya lang may isa siyang kondisyon na hindi pa niya sinasabi saakin hanggang ngayon,nakakaawa nga ang matanda nayun eh,matanda na pero mag-isa lang sa buhay.

Sobrang yaman nga hindi naman niya madadala ang kayamanan niya sa kabilang buhay.

"Student's proceed to your first class,Classes are starting immediately."

Narinig ko sa isang speaker yan, nataranta ako kaya inayos ko ang lahat ng gamit ko at isinukbit ang bag ko sa balikat, Dali-dali akong umakyat sa first floor,paakyat na ako sa 2nd floor nang may makabanggaan ako sa intersection ng 1st Floor.

Nagtama yung noo ko at yung noo niya, kaagad akong tumayo para makita ang itsura niya.

"Paharang-harang kasi eh!" Reklamo ko pa, napatingin siya saakin habang nakakunot ang noo, pamilyar siya saakin pero hindi ko matandaan kung nagkita naba kami o hindi pa, inilahad ko ang kamay ko para matulungan siyang tumayo pero kinabig niya ito at mag-isang tumayo. "Ang suplado mo ah! ikaw na nga ang tinutulungan ikaw pa may ganang magalit!"

Nagsasalita pa ako ng bigla siyang tumalikod pero bago siya umalis may sinabi siya saakin. "Wag kang umasta na parang kilala mo na ako, umalis ka na bago pa mag-init ang ulo ko at mapatulan kita." Abah loko to ah?

Magsasalita pa sana ako ng bigla-bigla siyang umalis, Nagsalita na naman ang speaker kaya tumakbo na ako papuntang 2nd Floor kung nasaan ang classroom ko.

"Ako si Shella Catalina Andres,wag niyo na akong kaibiganin,hindi ko kailangan ng kaibigan,thank you!"

Yun ang naging introduksiyon ko,nagulat ang teacher namin pero hindi ako nag-aksaya ng oras para harapin siya,may isang lalaking tumawa sa likod,pinagtawanan niya ang intro ko,nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Cinderella And The Four Gang Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon