cinderELLA 13

1.5K 66 1
                                    

Chapter 13

"Mahal din kita,mio amore." Ngumiti siya saakin at niyakap ako ng sobrang higpit na parang nagsasabi na hindi na niya ko pakakawalan pa.

"Ano ang ibig sabihin ng mio amore?." Naglalakad na kami ngayon sa hallway habang magkahawak kamay,kanina ko pa kasi tinatanong sa sarili ko kung ano ang meaning nun.

"Bakit mo naman natanong?." Tumingin ako sakanya at hindi siya nakatingin saakin,May nakaguhit na ngiti sa mga labi niya,Ang saya-saya mo yata anuh?

Kanina pa siya ngiti ng ngiti,nakakairita,tapos lahat ng madaanan naming estudyante ay binabati niya,para siyang tanga.

"Masama na ba magtanong ngayon?." Napatingin siya saakin kaya agad kong iniwas ang paningin ko,humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ini-Swing niya ito sa ere.

Para siyang bata na binilhan ng lollipop ng mommy niya,at ano ang gusto niyang palabasin na ako ang mommy niya?.

"Hindi naman,Bakit gusto mong malaman?." Tumingin ako sakanya at siya naman ang umiwas, nagtatanong ng maayos ayaw sumagot,letse to.

"Bakit bawal ba?Sagutin mo na lang kasi ang dami mo pang sinasabi diyan!." Bumusangot siya na akala mo naman ay aping-api siya,tsk.

"Galit ka ba?Lagi ka nalang galit saakin tapos pagdating kay Blaze ay ang bait bait mo tapos pumayag ka pa na umupo sa hita niya." Nagrolled eyes ako atsaka ko siya hinarap saakin,ibang klaseng topak talaga ang sumapi sa katawan ng lalaking ito.

"Kung sino ka mang espirito ng topak na sumapi sa katawan ni Shawn ay lumayas ka." Panggagaya ko pa sa mga albularyo habang ginugulo ang buhok ni Shawn,lahat ng mga dumadaan ay napapatingin sa amin at ngumingiti.

Anong nginingiti- ngiti niyo diyan?Hampasin ko kayo eh.

"Naman eh,Duon ka nga kay Blaze mo tutal mas mahal mo naman yun kesa saakin hindi ba?." Sabi niya habang nakakunot noo, napabuntong hininga ako tapos kinurot yung ilong niya, sobrang taas naman ,nahiya tuloy ang ilong ko.

"Yan,Ikaw mismo ang gumagawa ng mga bagay na makakapagselos sa sarili mo,tinatanong ko lang naman kung ano ang ibig sabihin ng mio amore tapos napunta na kay blaze ang usapan." Nagpout siya,lalo siyang naging gwapo sa paningin ko, yung nguso niya pa may kasamang kunot ng noo.

"Eh bakit mo ba tinatanong?Para ano?Para ganuon rin ang itawag mo kay Blaze?." Pinamewangan ko siya tapos binatukan.

"Tangina,Blaze ka ng Blaze,ikaw yata ang may gusto kay blaze eh!." Pagkasabi ko nuon ay tinalikuran ko siya pagkatapos ay nagpaumunang maglakad, Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa bewang ko,nagkaroon ng fireworks ang tiyan ko,napagpaparty-party na naman ang small intestine at large intestine ko,At yung puso ko hindi na naman mapigilan ang pagpintig ng sobrang bilis,nagkaroon ng mistulang aftershock ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang labi ni Shawn sa batok ko na nagbigay saakin ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.

"Mio Amore,Sorry." Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya,sinong mag-aakala na ang isang gang leader na si Shawn Ivan Perez ay nagsosorry saakin?Inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko kaya magkadikit na kami ng ulo. "Sorry na please,Sorry na." Bulong niya pa sa tenga ko,hindi na mabagal-bagal ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

Ano bang ginagawa mo sa sarili ko Mr.Perez?Bakit ako nagkakaganito?Kasalanan mo ito eh,Mayroon akong love disease na si Shawn lang ang tanging cure.

"Hindi ka pa nagsosorry,napatawad na kita. Pasalamat ka at mahal na mahal kita." Humigpit ang yakap niya sa bewang ko at naramdaman ko ang pagngisi niya.

Cinderella And The Four Gang Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon