Chapter 12
Pinulot ko ang notebook na'yun at isa-isa kong binuksan ang mga pahina pero walang nakasulat hanggang sa mapadpad ako sa huling pahina,bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa ko.
'Mio Amore,Huwag ka ngang ngumiti sa harap ni Blaze, nagseselos ako.'
Bigla na namang nagparty party ang small intestine at large intestine ko dahil sa sobrang kilig,kingina nakakabakla naman ito,kinikilig ako kay Shawn eh simpleng sulat lang naman ito na masyadong nagpakabog sa dibdib ko,sumulat din ako sa pahina na yun at hinagis ko sa ulo niya,pagkatapos ay nag-iba ako ng tingin.
'Pa-mio amore,mio amore ka pang nalalaman eh nakikipaglandian ka nga diyan sa kaharap mo,pagdikitin ko kayo niyan eh.'
Maya-maya pa ay ibinalik niya saakin ang notebook,Walang nakasulat pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Shawn sa harap ko na nakangisi, lahat ng mga kaklase ko ay napatingin saamin,pati si ma'am ay biglang tumahimik habang tinitingnan kami ni Shawn.
"Don't be jealous,mio amore. Hindi ko siya gusto,Ikaw ang mahal ko."
Biglang nag-ayiiee yung mga kaklase ko at pati si ma'am ay nakiki-ayiie narin,naramdaman kung uminit ang magkabilang pisngi ko kaya iniwas ko ito ng tingin sakanya.
"Hindi ako nagseselos." Matapang na sagot ko sakanya, nginisihan niya ako.
"Kung ganuon ay hindi ka magseselos kapag hinalikan ko siya sa pisngi?." Tiningnan ko siya ng masama.
"Subukan mo!,Hahalikan ko rin si Blaze sa L-A-B-I." kumunot ang noo niya tapos biglang bumusangot.
"Mio amore naman eh!Walang ganyanan,mahal kita at ang gusto ko ay ako lang rin ang mahalin mo." Tumayo ako at niyakap siya.
"Mahal din kita,At ang gusto ko ay ako lang rin ang mahalin mo, kapag nalaman ko na nakipaglandian ka sa iba makakatikim ka saakin." Biglang humigpit ang yakap niya ng marinig niya ang sinabi ko.
"Mio Amore,Huwag mo na akong pagseselosin ulit okay?Ayaw ko na ngumingiti ka sa iba dahil nasasaktan ako,lalong lalo na sa unggoy na'yun." Si Blaze ang tinutukoy niya,hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang meaning ng mio amore na yan,tsk. Kayo ba alam niyo?Google niyo naman oh,Wala akong load eh.
Pero bigla akong natigilan ng biglang umalog-alog ang paligid, parang nagkaruon ng lindol,napaupo ako dahil mababagsakan na ako ng kisame,mabuti nalang at may mesa kaya hindi ako nadaganan,hindi gumagalaw ang mga kaklase ko pati si ma'am, nakatingin silang lahat saakin habang tumatawa.
Sinasabi ko na nga ba at niloloko lang ako ni Shawn eh,Susuntukin ko na siya ng biglang lumiwanag ang paligid.
"Hoy!cinderELLA,Gising!Hoy yoohoo cinderELLA gumising ka na." Kakamot-kamot ako sa ulo ko ng makita ko si kimmy na nakatayo sa harapan ko at inaalog ang balikat ko.
"Anong nangyari?." Kumunot ang noo niya at binatukan ako.
"Siyempre nakatulog ka,Kanina ka pa nga tulog eh. Simula ng pumasok tayo sa classroom ng lumabas si louise na nahiga ka sa mesa mo ay nakatulog ka na,Mukhang ang sarap-sarap pa nga ng tulog mo eh, hulaan ko may ginagawa kayong milagro ni Shawn sa panaginip mo anuh?." Binatukan ko rin siya,yung malakas talaga na pati utak niya ay maalog.
Ibig sabihin ay hindi totoo ang lahat?Na panaginip lang ang lahat ng iyun?Kingina parang mamatay matay na ako sa kilig tapos panaginip lang pala,Anak naman ng pusang si doraemon oh..
"S-Si Shawn?." Tanong ko,Baka mamaya ay niloloko lang ako ni Snow White,Ang ganda-ganda ng panaginip ko na yun eh.
Kung ganuon ba naman kaganda ang panaginip ko ay mas gugustuhin ko pang matulog na lang ako.
BINABASA MO ANG
Cinderella And The Four Gang Leader
TeenfikceShella Catalina Andres is a nobody that emerged out of no-where! She doesn't have any good and likable characteristics but then she fall in the love trap with the famous Gang Leader, Shawn Ivan Perez. Will they both find each other in the end of the...