Chapter 15
Isinama ko si Snow white sa tintrabauhan kong Cake Shop dahil wala naman siyang ginagawa sa dorm at alam kong mababagot lang siya duon kakanuod ng porn.
Sinabi din kasi ng boss ko na kailangan niya ng isang employee dahil masyado ng marami ang bumibili dito at hindi ko raw kakayanin lalo na at saturday,Sunday ang duty ko.
"Marunong ka naman sigurong magbalot ng cake hindi ba?Hindi naman siguro puro nuod lang ng porn ang alam mong gawin diba?." Tumango-tango siya habang isinusuot ang apron namin, Akala ko pa naman kapag mayaman walang alam sa mga bagay-bagay, mabuti nalang at may alam siya kahit papaano.
"Magtiwala ka saakin,cinderELLA,Kaya ko yan. Fighting." Itinaas na naman niya ang kanang kamao niya,ginaya ko rin siya at sabay kaming sumigaw ng fighting.
Kalahating araw na kaming nakatunganga sa cake shop at wala man lang ni isang bumili,nakakainis. Akala ko pa naman kapag andito si Snow White ay maraming bibili dahil aakalain nilang kasing ganda ng nagtitinda ang mga cake.
"Wala ba talagang bibili?Mas mabuti ngang nanuod nalang ako ng porn sa dorm kesa sa tumunganga dito,tsk." Reklamo pa niya saakin,binatukan ko nga.
"Kaya walang bumibili eh,dapat smile ka lang,smile!." Pagbibigay ko ng pag-asa sakanya,nababagot na ako kingina.
"Mommy!!Tumatawag si Daddy!!." Sigaw ni Snow White at ibinigay saakin ang phone ko,bigla akong napangiti ng walang dahilan ng marinig ko ang boses niya.
[Mio Amore,Nasaan ka?.]
"Nasa Fantazia kasama ka."
[Pinagpapantasyahan mo na naman mga tinapay ko ano?.]
"Hindi Ah!Bakit ko naman pagpapantasyahan yang mga tinapay mo?."
[Nasaan ka nga,pupuntahan kita.]
"P-pupuntahan mo ako?Yiee namimiss mo na ako anu?."
[Kailan ba kita hindi namiss?.Nasaan ka nga?.]
"Nasa Fantazia Cake Shop,Nababagot na nga kami ni Snow White dito dahil wala namang bumibili."
[Dudumugin yan kapag pumunta ako.]
"Baka ikaw ang dumugin at hindi ang mga cake,landi mo talaga eh nuh?."
[Tss,Sayo nga lang ako lalandi,Papunta na ako diyan,tiamo.]
[Tiamo.]
Napatingin ako kay snow white dahil hila-hila niya yung apron na suot ko tapos nginingisihan ako na alam ko namang may ibang kahulugan.
"Ang haba ng hair mo,cinderELLA,Yiee." Umupo ako sa tabi niya atsaka ko siya niyakap,bakit ba pinapakilig ako ng basagulerong boplaks na'yun?Tss.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng bumukas ang pintuan ng cake shop at iniluwa nuon ang pinakagwapong lalaki sa tanang buhay ko,Napatayo ako at agad na nginitian siya.
"Hi." Bati ko sakanya,sunod-sunod namang pumasok sa cake shop ang mga pinsan niya,nginitian ko sila at ng makarating kay Blaze ang paningin ko ay hindi ako nakagalaw.
Siya na mismo ang ngumiti saakin pagkatapos ay umiwas ako ng tingin,Ang awkward naman ng nararamdaman ko na'to.
Hindi ko matingnan ng diretso si Blaze dahil wala pa akong lakas ng loob para harapin siya,kahit na magkaharap na kami ngayon.
"Operation:Sell All Cakes." Sigaw pa ni Zach at kinindatan ako, binatukan naman siya ni Shawn dahil nakita niya yung ginawa ni Zach.
"Payatot ka!Makakatikim ka saakin." Banta niya pa,lumabas si Zach para magtawag ng mga bibili,Si Shawn at Blaze ang nasa counter habang si Heidez ay nakaupo sa gilid kasama namin.
BINABASA MO ANG
Cinderella And The Four Gang Leader
Teen FictionShella Catalina Andres is a nobody that emerged out of no-where! She doesn't have any good and likable characteristics but then she fall in the love trap with the famous Gang Leader, Shawn Ivan Perez. Will they both find each other in the end of the...