Chapter 2
Habang naglalakad ako sa hallway kasama si kimmy ay pinagtitinginan kami, hindi ko alam kung nagagandahan ba sila kay kimmy o saakin lang talaga sila nakatingin?
Pero bakit naman? bakit naman sila titingin saakin?
May dumi ba sa mukha ko o parang dumi ba ang mukha ko? Wag masyadomg illusyonada shella, Si kimmy ang tinititigan nila dahil kapansin-pansin naman talaga ang ganda ng babaeng to.
"Ms.cinderELLA, Hindi mo naman sinabi saakin na sikat ka pala dito sa Falcon, yiiee may bessy akong popular." Sabi ni kimmy habang patuloy kaming naglalakad papunta sa 2nd Floor kung saan ang classroom ko,mabuti nalang at pinayagan si kimmy na maging kaklase ko.
"Anong ako? ikaw kaya ang tinititigan nila ang ganda mo kasi eh pahingi nga." Tumawa siya, yung girly na tawa tapos binatukan pa ako, masyadong nambabatok ang babaeng to eh.
"Anong ako? Ikaw! Ako ba si Ella hindi naman diba?kaya ikaw!" Hindi ko na lang siya pinansin pati ang mg estudyanteng nakatingin nga saamin,bumilis ang lakad ko papunta sa classroom at napahinto ako ng makita ko kung anong nakasulat sa blackboard na pinagkukumpulan ng mga estudyante.
Nagbigay kasi sila ng space ng makita nila akong papasok kaya naman nabasa ko kung anong nakasulat sa black board,biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakasulat.
'WELCOME TO HELL, MS.ANDRES.'
waaahhh!! kinuha ko kaagad ang eraser at binura yung nakasulat, pagharap ko sa mga kaklase ko mga nakayukot na papel ang bumulaga saakin, lahat sila halos pinagbabato ako ng papel, mabuti naman at niyukot na papel lang ang binato,pero nakakahiya parin.
Lalo na at nakatingin si Ms.Snow White, hindi na yata siya nakatiis kaya nilapitan niya ako at tinago sa likod niya.
"Stupid Brat! How dare you?!." Pero hindi nila pinansin si Kimmy, patuloy lang silang nambabato ng papel kaya pati si Kimmy ay natatamaan.
Hinila ko siya palabas ng classroom pero kahit sa labas ay pinaulanan kami ng mga papel, para kaming naglalakad sa isang red carpet habang pinapaulanan ng confetti, papel na confetti.
"What the hell was that? Lalaban ako kapag sinaktan ka nila." Nagtago kami sa likod ng school at naupo ako sa damu para makapagpahinga, Grabeng kamalasan naman ang nangyari saamin ngayong araw, kasalanan tu ng lintek na Blaze Perez na'yun eh.
"huwag ka nang sumali sa gulo ko, kimmy. Ayaw kong pati ikaw ay madamay." Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako ng seryoso.
"Parte sa pagiging magkaibigan ang pagtutulungan at pagdadamayan kaya kung aawayin ka nila, awayin narin nila ako." Seryosong sambit niya,ano bang klaseng utak meron tong si snow white? "Wag ka ng umangal dahil kahit anong gawin mong pagpipigil saakin hindi mo ako mapipigilan,kung sasaktan ka nila, saktan rin nila ako dahil kahit ilang milyong tao pa ang tumayo para labanan ka, ako ang iisang taong tatayo para lumaban kasama ka." Naiiyak na ako sa sinasabi niya,masyado talagang cheesy ang babaeng to.
Masyadong inosente sa mga bagay bagay,panuorin ko kaya tu ng porn hehe joke lang.
"Pero ms.snow white, masasaktan ka."
"Masaktan man ako atleast natulungan kita hindi ba?"
"P-pero."
"Sabay natin silang lalabanan. Ang pagkakaibigan ay nagiging malakas at nagiging matapang kung nagdadamayan at nagtutulungan kayo sa isa't isa, FIGHTING!." Itinaas niya pa ang kanang kamao niya at inilahad saakin ang kaliwang kamay niya para tulungan akong makatayo.
"Tama ka,Ms.Snow White. Masaya ako dahil naging kaibigan kita." Tumango siya at ngumiti.
Sabay naming nilisan ang likod ng school at pumunta ako sa canteen kung saan ko nakita ang pinag-ugatan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Cinderella And The Four Gang Leader
Novela JuvenilShella Catalina Andres is a nobody that emerged out of no-where! She doesn't have any good and likable characteristics but then she fall in the love trap with the famous Gang Leader, Shawn Ivan Perez. Will they both find each other in the end of the...