cinderELLA 6

1.8K 77 6
                                    

Chapter 6

"Hi cinderELLA,Anong ginagawa mo diyan?." Nanlaki ang mga mata ko ng pagkaharap ko ay nakita ko si Blaze na nakangisi habang tinitingnan ako ng masama.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa gulat,para akong tumakbo ng 10 kilometro sa isang segundo. Inalis ko ang kamay ko sa door knob at hinarap siya.

"May titingnan lang ako,bakit?." Ngumisi siya at tiningnan ang kabuuan ko,mula paa ay sinuri niya ang bawat parte ng katawan ko hanggang sa mapadpad siya sa B-O-O-B-S ko tapos lalong lumaki ang ngisi niya.

"Flat screen." Tinakpan ko naman ang harapan ko tapos ay humagalpak siya ng tawa,mukha siyang ewan.

"Ang manyak mo!pakialam mo kung flat ako?hindi naman kita inaano diyan." Mas lalo siyang tumawa dahil sa sinabi ko,Nakaamba na ako ng suntok sakanya ng samaan niya ako ng tingin.

Ibinaba ko naman agad ang kamao ko at sumipol-sipol sa ere, naglalakad na ako papalayo sakanya habang pasipol-sipol pa ng bigla niya akong hilahin papunta sa kung saan.

"Saan mo ba ako dadalhin ah?Bitawan mo nga ako!." Tumigil naman siya at hinarap ako ng nakangisi,lumapit siya saakin at walang ano-anong binuhat ako na parang isang sakong bigas. "Hoy!Kingina mo blaze!Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!!." Pero hindi niya ako sinunod.

"Tumahimik ka nalang pwede?Ang ingay mo!." Sinunod ko naman ang sinabi niya at tumahimik nalang ako.

Nakarating kami sa isang napakalaking garden na pinapalibutan ng mga magaganda at mababangong halaman. Napakagandang pagmasdan ang mga rosas na nakatanim sa palibot ng isang maliit na fountain.

Ang gaganda ng mga bulaklak at napakapeaceful ng paligid,Ang sarap matulog sa lugar na ito.

"This is my grandmother's garden, ang ganda dito hindi ba?." Binitawan na niya ako at naupo kami sa may isang bench na kaharap ng maliit at eleganteng fountain,napanganga ako dahil sa ganda ng paligid.

"Yeah,Ang ganda dito para akong nasa fairytale." Napatingin ako sakanya at nahuli ko siyang titig na titig saakin,umiwas naman siya ng tingin at ginaya ang pasipol-sipol ko kanina.

"Itong garden na ito ay ginaya sa isang fairytale story,hindi ko nga lang alam kung ano." Tatango-tango naman ako dahil sa sinabi niya.

Sa lola niya pala ito,sabi ng lolo niya saakin ay matagal ng namaalam sa mundo ang kanyang asawa.

"Wow,Masarap sigurong matulog dito nuh?." Ngumiti naman siya at nung mapatingin siya sa akin ay agad siyang umiwas.

"Yeah,kaya nga ito ang favorite spot ko sa mansion eh." Tumayo ako at pinuntahan ko ang fountain, inilagay ko ang kamay ko sa tubig at dinama ang daloy nito.

"Favorite spot?." Tanong ko, tumayo rin siya at nilapitan ako.

"Hmm,kaming apat ay may kanya-kanyang paboritong lugar sa mansion na hindi pwedeng puntahan ng iba pwera na lang kapag nagpaalam sa may-ari,at ito ang favorite spot ko,hindi pwedeng pumunta ang tatlong pinsan ko na'yun dito kung hindi sila nagpaalam saakin. Ang favorite spot ni Zach ay ang music room na nasa 3rd Floor,Ang kay Heidez naman ay ang mini-bar na nasa 3rd Floor din at ang kay shawn ay ang Painting Hall,may tinatago kasi siya sa lugar na'yun kaya kahit na nagpapaalam kami sakanya ay hindi niya kami pinapayagan,I wonder kung ano yun." Andami talagang tinatago ng basagulerong boplaks na'yun.

"Bakit naman ito ang naging favorite spot mo?." Tiningnan niya ako atsaka ngumiti ng napakalapad,Chinito siya kaya sa tuwing ngingiti siya ay nawawala ang dalawang mata niya.

"Dito kasi ako nakakatulog ng mahimbing at sa tuwing nandito ako naiisip ko ang cinderella ng buhay ko." Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya,tumigil ako sa paglaro sa tubig at tumayo sa harap niya.

Cinderella And The Four Gang Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon