cinderELLA 7

1.9K 79 26
                                    

Chapter 7

Naglakad kami papuntang kitchen,simula kanina hanggang ngayon ay hindi parin niya pinapakawalan ang kamay ko. Natutuwa ako na ewan,parang gusto kong huwag niyang bitawan ang kamay ko,landi.

Pinipigilan ko na lang ang pagngisi para hindi niya masyadong mahalata na kinikilig ako sa pinagagawa niya saakin,Ano ba shawn?Ano bang ginawa mo sa akin at ang puso ko ganito na lang kabilis kapag nandiyan ka?.

"Mio Amore,Makapaghihintay ka ba kahit ilang minuto lang?Gusto kitang ipagluto." Nagliwanag ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya,Ako?Ako na simpleng babae lang gustong ipagluto ni Shawn Ivan Perez na tinitingala at hinahangaan sa falcon?!. "Mio Amore,Ayos ka lang ba?,Bakit hindi ka sumasagot?." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

Sinusuri niya ang buong mukha ko habang kunot na kunot pa ang nuo niya,narinig ko na naman ang hindi ko maintindihan na salita na'yun mula sakanya.

"A-Ayos lang ako." Agad kong iniwas ang tingin ko dahil nagkakarera na naman sa loob ko ang puso ko,Bakit ba hindi ko matagalan ang pagtitig ko sa mga mata niya?Bakit may nararamdaman akong kakaiba sa tuwing magkasama kami? laging nagpipiyesta ang small intestine at large intestine ko kapag magkahawak ang kamay namin at ang puso ko hindi na ma-slow down sa pagtibok.

"May lagnat ka ba?." Hinaplos niya ang nuo ko at ang leeg ko na nagbigay na naman saakin ng bolta-boltaheng kuryente dahilan para lahat ng balahibo ko sa katawan ay magsitaasan,hinawakan ko naman ang pisngi ko dahil alam kong sa mga ganitong oras ay pulang-pula na ito.

"W-Wala,A-Ayos lang ako huwag kang mag-alala." Tumayo naman siya ng maayos atsaka nanlumo ang puso ko dahil binitawan niya ang kamay ko at inilagay sa bulsa niya ang kamay niya.

Mas gusto mo bang ilagay ang kamay mo sa bulsa mo kesa sa hawakan ang kamay ko?Pwes huwag mo na ulit akong iho-holding hands,tsk.

"Paano ako hindi mag-aalala?Ang pula-pula ng mukha mo para kang inaapoy ng lagnat." Nanlaki namin ang mga mata ko dahil sa sinabi niya,tinakpan ko ng dalawang kamay ang mukha ko para hindi na niya makita,nakakahiya.

"Ganito talaga ang mukha ko,kapag kinikilig." Binulong ko lang yung huli,wala akong lakas ng loob para sabihin yun sakanya baka sabihan pa niya ako ng 'Ang gwapong tulad ko hindi nag-aaksaya ng panahon para sa isang panget na tulad mo,Kaya kung gusto mo ako mangarap ka na lang.' Naks,Nasaulo ko pa ah. Yun ang sinabi niya sa isang babaeng pinahiya niya sa karamihan nung lunes,tsk.

"Tss,Baka namumula yan dahil kinikilig ka kay blaze!Magsama kayong dalawa!." Bigla niya akong sinigawan tapos tinalikuran niya ako buti nalang nahawakan ko ang isa niyang kamay kaya nahabol ko siya.

Ano bang pinagsasabi niya?Anong kinikilig ako kay blaze eh ni isang kuting wala akong naramdaman nung sinayaw ako nun,teka. Haha kinikilig ako kapag iniisip ko na nagseselos si Shawn kay Blaze yiiee,assumera.

"N-Nagseselos ka ba kay Blaze?." Tanong ko ng mapagtanto ko ang isang bagay,napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako ng nakakunot noo.

"Bakit naman ako magseselos kay Blaze?." Dinideny mo pa ah, binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at tinulak siya ng mahina sa braso,natigilan naman siya at seryoso akong tiningnan.

"Huwag kang mag-alala,hindi ko aagawin sa'yo si Blaze!Sa'yong sa'yo na siya!." Bumuntong hininga muna siya bago ako hinarap.

"Wala akong pakialam kay Blaze!Isaksak mo siya sa baga mo!." Tinalikuran niya ako at naglakad siya papalayo pero hindi pa siya nakakalayo ng sigawan ko siya.

"Sus!dinideny mo pa!Bakla!." Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin atsaka siya umalis at nawala sa paningin ko.

"Hi,cinderELLA." Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si Zach na may hawak ng guitara,magwiwave na sana ako sakanya ng may biglang humila sa akin palayo,pagkatingin ko si Shawn pala!.

Cinderella And The Four Gang Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon