Chapter 19
Lumipas ang maraming araw at linggo,Hindi ko man masasabi na naging masaya ang lahat ng araw na yan sa buhay ko pero iyun ang naging pinakespesyal dahil nakasama ko sa mga araw nayan si Shawn.
DAY 35
JULY 06 2018
FRIDAY
Maaga akong nagising dahil nakasanayan ko na,lagi kasi kaming sinusundo ni Shawn pagpasok na pagpasok sa school at siya rin mismo ang sumusundo saamin pagkauwi."Snow White,Gising na." Inaalog-alog ko siya para magising siya pero hindi siya bumabangon, Matigas talaga ang ulo nito lalo na kapag napapanaginipan niya si Harlein,Ayaw niyang ginigising ko siya dahil nasisira ko raw lagi ang maganda niyang fantazia. "Gising na Snow White,Mamaya nandito na yun si Shawn eh."
Pagpupumilit ko pa,hinila niya ang unan niya at tinabon sa tenga niya, tumalikod pa siya saakin. "Snow white naman eh,Hindi ka pa ba nagsasawa?Gabi-gabi mong nakakasama sa fantazia mo si Harlein kaya please naman bumangon ka na." Wala rin siyang nagawa,bumangon siya at kinuha sa side table ang cellphone niya at hinarap sa mukha ko.
"Nakikita mo ba yan?cinderELLA?." Inis na tanong pa niya saakin, inilayo ko ang cellphone sa mukha ko at tiningnan ito ng mabuti.
"Oo naman,Kitang-kita ko na picture ni Harlein na nakahubad ang wallpaper mo,oh tapos?." Pinamewangan ko siya,pakamot-kamot naman siya sa ulo niya ng bigla na namang ilapit sa mukha ko ang cellphone niya na isang tulak nalang ay mahahalikan ko na ito.
"Hindi iyun,May nakikita ka pa bang iba?." Inilayo ko ulit sa mukha ko yung cellphone niya at tinitigan ito, wala naman akong nakikitang kakaiba pwera nalang sa mga tinapay ni Harlein.
Saan niya ba nakukuha ang mga litrato na yan?kuhanan ko rin kaya si Shawn ng mapagpantasyahan ko rin.
"Ah ang sinabi mo ba ay ang mga tinapay ni Harlein?." Nakangisi pang sabi ko,bumuntong hininga siya bago muling inilapit ang cellphone niya sa mukha ko at dahil nalakasan niya yung paglapit, tumama ang cellphone niya sa ilong ko,biglang nagcrack pa ang ilong ko dahil sa ginawa niya. "Ano ka ba,Snow White. Sabihin mo na lang kasi kung ano ang gusto mong iparating,maiintindihan naman kita eh. Hindi yung sinasaktan mo pa ako."
"Ay,Sorry naman ano?Gusto ko lang naman makita mo na 3:11 pa lang at hindi aswang si Shawn para sunduin tayo ng ganuon kaaga." Binatukan niya pa ako,Nainis ako kaya bintukan ko rin siya.
Sa bawat araw kasi na nakakasama ko si Shawn,nagiging masaya ako ng walang dahilan. Sa bawat araw na nakakasama ko siya,walang araw na hindi naging espesyal saakin. Sa bawat araw na nakakasama ko siya laging nagkakaroon ng dahilan ang mga labi ko para ngumiti. Isang ngiti na hindi mabubura ng ano man,Pero madali lang palitan ng isang hikbi ang ngiti ko kapag si Shawn mismo ang nakapagpanakit ng damdamin ko.
Subukan lang talaga niyang saktan ko,makakatikim siya saakin. Baka nakakalimutan niya na nahuli ko siyang nakikipag-usap sa isang babae kahapon sa school,letseng babaeng yun,naku! Kapag nakita ko talaga ulit iyun hindi ako magdadalawang isip na ipakain sakanya ang mga ngiti niya ng nakikipag-usap siya kay shawn.
Hindi mapapantayan ng ano mang kasiyahan ang kasiyahang nararamdaman ko kapag kasama ko ang lalaking yun,Ang mio amore kong hindi lang basta gwapo,macho pa.
Sa tuwing ihahatid niya kami sa school ay sisiguraduhin niyang maayos kaming dalawa ni Snow White,Hanggang sa classroom ay hinahatid niya kami kahit sa pag-upo ko ay nakaalalay siya,minsan kikiligin ako pero minsan din maiinis ako dahil akala niya ata saakin,disabled person.
BINABASA MO ANG
Cinderella And The Four Gang Leader
Teen FictionShella Catalina Andres is a nobody that emerged out of no-where! She doesn't have any good and likable characteristics but then she fall in the love trap with the famous Gang Leader, Shawn Ivan Perez. Will they both find each other in the end of the...