Chapter 18
Mabuti naman at tumigil na sa kakaaway ang dalawang abnu, Natutulog si Kimmy sa mahabang sofa habang si Blaze naman ay nakaupo sa single sofa at tulog rin,9:30 am pa lang pero tulog na sila masyado yatang nag-alala ang dalawang yan at hindi na nakatulog ng maayos kagabi,pero sa kasu ni blaze ay lagi naman siyang natutulog.
Umalis si Shawn at Heidez para bumili ng pagkain,meron silang dalang mga prutas pero hindi naman namin makakain yan sa tanghalian at magugutom at magugutom parin naman kami.
Ang hospital daw na ito ay pagmamay-ari ng isang mainpluwensya at mayamang tao na hindi ko naman kilala kung sino,Akala ko nga ay pagmamay-ari ng mga perez 'to eh hindi pala.
"Bakit hindi karin matulog?." Lumapit si Zach saakin at hinila ang isang upuan na kanina lang ay inuupuan ni snow white papalapit sa kama ko.
"Mamaya na kapag bumalik na sila shawn." Napangiti siya ng makita niya akong ngumiti,Umiwas naman agad siya ng tingin at pinagtuunan na lang ng pansin si snow white at blaze.
"Mahal na mahal mo talaga siya anuh?Ngumiti kasi pati ang mga mata mo ng sabihin mo ang pangalan niya." Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
"Mahal na mahal ko nga siya na ayos lang na masaktan ako wag lang siya,tss." Lumingon siya saakin atsaka binigyan ako ng isang ngiti.
"Pinag-alala mo kami,alam mo ba iyun?Kahit iyang si Blaze, patulog-tulog lang yan pero nag-aalala yan sa iyo." Natawa ako ng may biglang unan na bumulusok papunta sa likod ni Zach na hinagis naman ni Blaze,Gising pala ang loko tss. Lumingon naman si Zach at hinagis kay Snow White ang unan akala niya yata si Snow White ang naghagis sakanya,Mabuti nalang at hindi nagising si Snow White. "Kainis talaga yang kaibigan mo anuh?Panira, pero hindi ako nagbibiro na nag-aalala si blaze sa'yo,Kagabi nga nung tumawag si Shawn na nawawala ka eh hindi pa siya nakakasuot ng pantalon ay nagmadali na siyang pumasok sa kotse at pinaharurot iyun hahaha." Todo tawa pang sabi ni Zach,napatingin ako kay Blaze at Nakatakip na ang unan sa mukha niya ngayon.
Lumingon siya at ng makita niya akong nakatingin sakanya ay namula ang dalawang pisngi niya at pati ang tenga niya namula, Tumayo siya papunta sa likod ni Zach at walang ano-anong sinakal ito gamit ang braso niya.
Natatawa na ako dahil sa kabaliwan nilang dalawa tangina. "Ikaw talaga,Payatot ka ang daldal mo!." Sabi ni Blaze habang sinasakal parin si Zach. "Totoo naman iyun ah!Bitawan mo ako!." Sagot naman sakanya ni Zach na bigla siyang kinagat sa braso.
Lumakas ang tawa ko dahil sa mukha ni Blaze ng makita niyang may marka ng ngipin ang braso niya. "Payatot ka talaga!!humanda ka saakin!." hihilahin na sana ni Blaze ang braso ni Zach pero hindi niya nagawa dahil umakyat si Zach sa kama at tumabi sa akin.
Napatingin naman kaming tatlo sa pintuan ng bigla itong bumukas at ang galit na mukha ni Shawn ang tumambad saamin,Nanlaki bigla ang mga mata naming tatlo,Tinulak ko si Zach pababa ng kama tumama siya kay Blaze kaya parehas sila ngayong nakahiga sa sahig habang nakadagan si Zach kay Blaze,nagtitigan pa sila bago sabay na sumigaw ng malakas.
Sinubukan kong magpigil ng tawa pero hindi ko nagawa,nakita ko ring tumawa si Heidez na dinaganan din si Zach at pilit na pinapahalik sa isa't isa si Zach at Blaze,ngayon ko lang sila nakitang ganyan.
"Yaaa!!Kadiri ka talaga heidez,Umalis ka diyan!Hoy payatot! Ang bigat niyong dalawa,Mga kadiri kayo!." Reklamo ni Blaze habang iniiwas pa ang mukha sa mukha ni Zach,lumapit naman si Shawn saakin at pinulupot ang braso niya sa bewang ko.
"Hoy heidez!Ang bigat mo!Umalis ka diyan." Reklamo naman ni Zach na pilit na tinutukod ang dalawang braso niya para hindi sila maghalikan ni Blaze.
"Wag niyo nga akong utusan tsk!." Sabi naman ni heidez na umalis na rin sa pagkakadagan kay Zach,tumayo silang tatlo habang sinasamaan ng tingin ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Cinderella And The Four Gang Leader
Novela JuvenilShella Catalina Andres is a nobody that emerged out of no-where! She doesn't have any good and likable characteristics but then she fall in the love trap with the famous Gang Leader, Shawn Ivan Perez. Will they both find each other in the end of the...