cinderELLA 11

1.7K 72 6
                                    

Chapter 11


'Ang kung sino mang sumuway sa utos ng perez cousins ay makakatanggap ng walang hanggang pasakit,You don't want to be a Black Sheep right?So be kind to cinderELLA.'

YAN!Yan ang unang sumalubong saamin ni Snow White ng pumasok kami sa Falcon,Halos lahat ng sulok ng hallway ay may nakapaskil na ganyan ang nakalagay.

"Yaaa!Binuo ni cinderELLA ang F4 ng School natin,Binuo niyang muli ang Perez Cousins!So lucky." Narinig ko pang mahinang tili ng isang babaeng nadaanan namin sa hallway,Maayos na akong nakakalakad dahil nakapagpahinga ako ng isang araw.

"Good Morning cinderELLA."

"Magandang umaga cinderELLA."

"Hello,cinderELLA,goodmorning."

"Hellowxs cinderELLA qudmurning."

Bawat estudyante na dinadaanan namin ni Snow White ay napapahinto at binabati ako,hindi ako sanay na ganyan ang mga estudyante saakin,Mas gusto ko iyung tahimik lang silang nagmamasid,Yung hindi nila pinipilit ang sarili nila na ngumiti sa harap ko at bumati.

"Yiiee Sikat ka na talaga,cinderELLA." Kinurot niya pa ang tagiliran ko,binatukan ko nga siya para makabawi. "Makabatok naman ito,porque sikat ka na?at marami ng nakakakilala sayo?Huwag mo akong kalilimutan okey?."

Natahimik kaming dalawa ng biglang dumaan si Louise sa gilid namin,Basa ang uniform niya at hinahabol siya ng mga lalaking estudyante habang may dala-dalang basura,Tumigil siya sa harap namin at sinamaan ako ng tingin.

"Masaya ka na?Masaya ka na ba dahil nakikita mo akong nahihirapan?Ikaw pakialamera ka talaga eh,Lahat nalang inagaw mo saakin,Ngayon sabihin mo saakin na masaya ka na dahil nakikita mo akong nahihirapan at binubully ni Shawn!." Sinigawan niya ako,biglang kumuyom ang mga palad ko at gustong-gusto ko na siyang saktan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Ano bang pinagsasabi mo,louise?Hindi ko kailanman inagaw si Shawn sa'yo dahil unang-una hindi naman siya naging iyo!." Nagulat ako ng sampalin niya ako,sinampal din siya ni Snow White.

"Hoy!louise!Wala kang karapatan na saktan ulit si cinderELLA!." Humalakhak siya,humalakhak siya na parang nasisiraan na siya ng bait. Lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitaasan dahil sa halakhak niya na parang sinasapian na siya ng demonyo,Ano bang nangyayari kay louise?.

"Baka nakakalimutan mo,cinderELLA?. Si Shancai ay binubully ni Dao Ming Si atsaka siya nainlove dito,baka mamaya ako na pala ang part two ni Shancai at si Shawn ay si Dao ming si,Ingat-ingatan mo si Shawn dahil kukunin ko siya sa'yo." Humalakhak na naman siya ng tawa habang nakatingin saakin.

"Gumising ka nga sa katotohanan,louise!Hindi kailanman magugustuhan ni Shawn ang isang baliw na tulad mo!." Sasampalin niya sana si Snow White,mabuti nalang ay may kamay na humawak sa braso niya kaya hindi natuloy ang pagsampal na iyun.

"S-Shawn." Nanginginig na sambit ni louise habang gulat na gulat na nakatitig kay Shawn. "N-Nasasaktan ako."

Hindi maipinta ang mukha ni Shawn,Kahit na nakangisi ito ay kitang kita ko ang maitim na aura na nakabalot sa katawan niya, Kahit nakangisi ang mga labi niya,Ang mga mata niya nagsasabi kung gaano kalaki ang galit niya kay louise.

Maging ako ay biglang natakot kay Shawn dahil sa pinakita niyang aura,Bakit ba nag-iiba si Shawn kapag iba ang kaharap niya pero kapag saakin ay para siyang kuting.

"Wala ka na bang natitirang kahihiyan sa sarili mo,louise?Kahit na maging si Shancai ka pa ay wala akong pakealam dahil wala naman akong balak na maging si Dao ming si,Ang balak kong gawin ay maging prince charming ni cinderELLA." Binitawan ni Shawn ang braso niya at ibinaling ang tingin sa akin,nawala ang itim na aura na nakapalibot sakanya ng magtama ang paningin namin, biglang bumalik ang Shawn ko.

Cinderella And The Four Gang Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon