Chapter 3
Halos lahat ng tao ay naghihiyawan,Hindi na kami magkarinigan dahil sa lakas ng sigawan at tilian. Unang nagpakilala ang section 3-A na kinabibilangan ni Blaze Perez at mga kateam mates niyang hindi ko kilala,Ang 3-B naman ay kinabibilangan ni Heidez Sacariah perez at mga kateam niyang hindi ko kakilala,Ang 3-C naman ay kinabibilangan ng mga hindi ko kakilalang tao,Ang 3-D naman ay kinabibilangan ni Harlon Zachary Perez at ni Shawn Perez.
Nagulat nga ako ng makita ko si Shawn na kateam ni Zach,at bakit nga ba napadpad si Zach sa 3-D eh sabi ng lolo niya ay siya lang ang pursigidos mag-aral sa kanilang apat,At bakit kateam mates namin si Shawn eh hindi ko naman siya kaklase?.
"Nagulat ka ba na kateam natin si Shawn?." May nagsalita sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya, ngayon ko lang siya nakita at basi sa sinabi niya ay kaklase ko siya.
"Hindi naman,pero bakit nga ba kateam natin yang basagulerong boplaks na'yan?." Tumawa siya sa sinabi ko,pati si Snow White ay napatingin narin sa amin. "Bakit?."
"Wala,Si Shawn Ivan Perez ay kaklase naman talaga natin ang kasu ay hindi siya pumapasok at kung papasok man siya ay sa section 3-B siya pumupunta kung saan nanduon ang mga kaibigan niya at ang pinsan niya na si Heidez,Pero kapag may ganitong PE or other Activity ay sa Section 3-D parin siya kumakampi, nakakainis nga at hindi natin nakakasama si Shawn samantalang tayo naman talaga ang kaklase niya." Ngumiti pa siya saakin at ganuon rin kay kimmy.
"Ako nga pala si Louise Vida." Inabot niya saakin ang kamay niya na kinuha ko naman at nakipagshake hands.
"Shella Andres." Ngumiti ako at ganuon rin siya,tumingin naman siya kay kimmy at inabotan din ng kamay.
"Kimmy Carlos." Nagngitian sila at napunta ang atensyon namin sa court ng magsimula na ang laban ng 3-A vs. 3-B.
"Goo Blaaaazzzeeee!!!!!."
"Goo Heeeiiidddeeezzz!!!."
"BLAZE KAYA MO'YAN!!."
"GO GO GO FIGHT FIGHT FIGHT HEIDEZ!!!."
"GO TEAM 3-A!!GO BLAZE PEREZ!!."
"GO TEAM 3-B!!GO HEIDEZ PEREZ!!."
Pinsan laban sa Pinsan, basagulero laban sa basagulero.
Gagong blaze laban sa supladong heidez.
hindi ko napanuod ang first half ng laro nila dahil busy ako sa kinkwento ni Louise.
"Si Blaize Grey Perez ay isang gang leader ang pangalan ng grupo niya ay Davies,Marami na silang nasaktan,napaiyak,nabully at pinaalis sa school na'to pero syempre hindi nila mapapantayan ang kasupladuhan ni Shawn Ivan Perez na isa ring gang leader ng grupong Phoenix,Marami na rin siyang nabully,nasaktan at napiyak pero ang bilang ng mga nabully, nasaktan at napaiyak niya ay hindi mapapantayan ng tatlo." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"S-Si Blaze at Shawn,Gang Leader!?." Tumango-tango pa siya at seryosong napatingin sa court kung saan naglalaban ang 3-A at 3-B,hindi nagkakalayo ang score nila.
3-A=13 points.
3-B=15 points.Nakuha ni Blaze ang bola at pinasa niya sa isa niyang kakampi na hindi ko naman kilala,pumwesto siya sa kilid ng court at ng makatyempo ay pinasa sakanya ang bola at hinagis ito sa ere.
Pasok.
Todo hiyawan ang nangyari ng maipasok niya ang 3 points nayun, nagfaflying kiss pa siya sa mga estudyante kaya naghiyawan ang mga ito,napadpad ang tingin niya saakin at binigyan din niya ako ng nakakadiring flying kiss,umiwas naman ako tapos ay humalakhak siya ng malakas.
BINABASA MO ANG
Cinderella And The Four Gang Leader
Teen FictionShella Catalina Andres is a nobody that emerged out of no-where! She doesn't have any good and likable characteristics but then she fall in the love trap with the famous Gang Leader, Shawn Ivan Perez. Will they both find each other in the end of the...