I K A S I Y A M

305 21 6
                                    

1 year ago..

"Ji! Dun tayo sa may Ice Cream booth!" Masayang sabi ni Soonyoung sabay hila kay Jihoon.

Valentine's Day ngayon at may iba't ibang booth ang nandito sa may open field. Isa sa mga project ng student council.

May mga love booth, food booth at yan, ang ice cream booth.

Kakahila lang ni Soonyoung kay Jihoon kanina para samahan siya at maging partner niya tapos ngayon hinila na naman siya papunta sa isang booth.

"Isang plain Vanilla Ice Cream in a cup with sprinkles."

"Isang plain Vanilla Ice Cream in a cup with sprinkles."

Sabay nilang saad sa isang estudyanteng naka-assign sa booth na 'to.

"Okay."

After 5 minutes, dumating na ang inorder nila at nagbayad si Soonyoung.

"Ang cute niyo naman po! Dito po kayo at pipicturan namin kayo!" Masayang sabi ng isang student photographer para sa student paper.

"Ah- eh-" Hindi na naka-angal si Jihoon ng nagpopost-post na si Soonyoung.

"Ji, bilis na." Bulong ni Soonyoung.

Humarap si Jihoon kay Soonyoung, humarap din si Soonyoung sa kanya.

Dahil na-ubos na ni Soonyoung at Jihoon ang cup ng ice cream, kinuha ni Soonyoung ang kamay ni Jihoon at hinawakan ito.

Nilapit ni Soonyoung ang noo niya kay Jihoon at idinikit ito.

Sunod-sunod ang pag-pipicture ng photographer sa kanila. Pati na rin ang ilang estudyante.

"Ano 'to, Kwon?" Inis na bulong ni Jihoon na nakabusangot. "Happy Valentine's Day, Jihoon labs."

Namula si Jihoon at na-eksakto ito sa pagkuha ng picture.

Ang ganda nga eh.

Si Jihoon ay namumula habang nakadikit ang noo nila ni Soonyoung at nakatingin sa mga mata, pati na rin ang mga kamay na nakahawak sa isa't isang parang wala ng bukas.

Nabigla naman ang lahat at kumilig ng..

Hinalikan siya ni Soonyoung sa Pisngi.

And it was the perfect shot.

||

"Good Afternoon, Mga Sir! Welcome to Sky Ranch!" Masayang bati ng cashier.

Nasa Sky Ranch silang dalawa, ay wait, sumama pala sila.

Nasa Sky Ranch sina Minghao, Seokmin, Seungkwan, Junhui, Soonyoung at Jihoon.

"6 Ride All You Can tickets, please?" Sabi ni Soonyoung. "Aba, yayamanin!" Sita ni Seungkwan.

"Sagot ko na, guys." Pagmamalaki ni Soonyoung.

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon