I K A L A B I N G L I M A

250 16 0
                                    

1 year ago..

"Hindi ko siya gusto okay?!" Naiiritang saad ni Jihoon. "Eh bakit parang nagseselos ka kay Jisoon? Yung kapartner ni Soonyoung hyung sa P.E.?!?!" Kinikilig na tanong ni Seungkwan sa kanya.

"Kwan. Magkaibigan lang kami. malabong magkakagusto ako sa kanya. Oo, wala akong jowa but I'll never like him. Di ako ganon noh."

Napatingin si Seungkwan sa kaliwa at nanlaki ang mata.

"Sino- shit." Nakita ni Jihoon na tumakbo papalayo si Soonyoung.

Narinig ni Soonyoung lahat ng iyon.

||

Tumatakbo si Seokmin papalapit kay Jihoon na kakapasok lang sa eskwelahan.

"HYUNG!" Sigaw ni Seokmin. Napataas ng kilay si Jihoon. "Oh? Wala ata sina-"

"Hindi na iyon importante, hyung! Tignan mo yung kinakalat ng mga alagad ni Ju Ri!"

Tumakbo silang pareho papunta sa bulletin board.

Lee Jihoon and Choi Seungcheol are dating?!

|| picture of jihoon and seungcheol hugging ||

As seen in the picture, a first year college engineering student, Choi Seungcheol and Grade 12 glee club president, Lee Jihoon are dating!

Can you believe it? What do you think Kwon Soonyoung, Lee Jihoon's desperate lover and Yoon Jeonghan, Choi Seungcheol's "best friend," will say?

Are you a shipper or a hater?

HERE ARE SOME MORE PICTURES:

Napanganga si Jihoon dahil sa nakikita ngayon. Andaming nagbubulungan ng makita si Jihoon na nakatingin sa malaking tarpaulin na linagay ng mga alagad ni Ju Ri doon.

"oh may gahd, bes. ang landi niya! pinaasa niya lang si fafa kwon!"

"oh my gosh! kawawa si soonyoung at jeonghan! ang landi naman nung jihoon."

"is this real?!"

Galit na galit si Jihoon pero nabigla siya ng pagkalingon niya sa kaliwa, nandun si Soonyoung nakatingin sa malayo at tumutulo ang luha niya.

Habang naglalakad papalapit sa kanya si Jihoon. Bigla naman siyang binuhusan ng mga polaroid picture ng mga alagad ni Ju Ri.

Nagsitawanan ang mga babaeng ito at pinulot ni Jihoon ang isang picture. Lumuhod siya.

Picture nilang dalawa ni Seungcheol na naghahalikan.

Kinuha niya ang iba at tinignan.

Picture nila ni Seungcheol na nagtatawanan.

Gustong gusto ng labanan ni jihoon ang mga babaeng ito pero tumayo siya para lapitan si Soonyoung pero umalis na si Soonyoung at may binitawan.

"Soonyoung!" Pagtawag niya sa naglalakad. Nakita namn niya ang binitawan ni Soonyoung kanina, isang polaroid picture na naghahalikan ulit sila ni Seungcheol.

"Soonyoung, please!" Hinabol ni Jihoon si Soonyoung at hinawakan ang kamay niya. Agad namang umiwas si Soonyoung at inalis ang kamay niya sa kamay ni Jihoon.

"Soonyoung? Naniniwala ka sa kagaguhang to?! Napakababaw mo-"

"Jihoon. Ano ba tayo para magselos ako diba?" Kalmadong sabi ni Soonyoung kahit na nangingilid na ang mga luha niya.

"Soonyoung! Wag ka namang magbulag-bulagan! Alam mo namang edite-"

"JIHOON, ANO BA TAYO?!" Sigaw ni Soonyoung. Napatingin ang mga estudyante sa kanila. Yung mga alagad ni Ju Ri, masayang nagvivideo.

"Jihoon. Hindi ako napapagod na umasa o manligaw sayo araw-araw. Hinding hindi. Pero sana kung wala na talagang pag-asa, wag mo ng patagalin pa. Kung ayaw moko, sabihin mo na. Hindi yung nagmumukha akong tanga na umaasa na magiging tayo. Kung meron ng kayo ni Hyung, sabihin mo-"

"Ganyan ba talaga iniisip mo?"

"Mer-"

"Ganyan ba talaga iniisip mo?!?!"

"Sige. Kung walang kayo, Jihoon, gusto mo ba ako?" Tanong ni Soonyoung.

Napatahimik si Jihoon.

Ngumiti si Soonyoung.

"Mahal na mahal kita, Jihoon. At alam kong alam mo at dama mo yun. Pero hahayaan kitang maging masaya kasama ang iba. Kase.. hindi mo naman ang gusto."

"Sino-"

Kinuha ni Soonyoung ang palad ni Jihoon at inilagay ang isang cassette tape sa palad niya.

Ngumiti siya.

"I will never stop loving you, Jihoon. Pero sana maging masaya ka na.." And he walked away.

He left Jihoon looking at the tape. And tears escaped Jihoon's eyes.

||

Tape:
"So ano? Gusto mo na ba si Soonyoung, Hoonie ko?" Tanong ni Seungcheol.

"Of course not! Ikaw lang Cheollie ko."

*kissing noises*

Tinanggal ni Jihoon ang earphones niya at kinuha ang cassette tape at hinagis ng sobrang lakas sa pader kaya nasira ito.

Humagulgol sa iyak si Jihoon.

Hindi kailanman nangyari iyon at hindi niya gusto si Seungcheol.

Hindi niya rin alam bakit hindi niya nasagot ang tanong ni Soonyoung kanina..hindi niya alam bakit hindi niya kayang sabihin ang totoo.

Jihoon, gusto mo ba ako?

Umupo si Jihoon sa sulok ng kwarto niya. Sinandal niya ang ulo niya sa pader at hinayaang tumulo ang mga kuha.

"Jihoon? Anak? Kakain na! Labas ka na diyan." Nag-aalalang pagtawag sa kaniya ng nanay niya.

Jihoon, gusto mo ba ako?

Oo, Soonyoung. Gusto na kita. Pero hindi ko kayang sabihin..kase natatakot ako.

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon