I K A L A W A

440 24 1
                                    

2 years ago..

"Uy, Jihoon hyung! Dito dali!" Tawag kay Jihoon ni Seokmin. Nasa eskwelahan kase sila. Tapos na ang klase pero tinawag nila Minghao, Seokmin at Seungkwan si Jihoon. Blinind-fold nila ang naguguluhang binata. Naglalakad sila ngayon papunta sakanya.

"Eh, baliw ka rin, Seok! Naririnig ka lang ni hyung at hindi nakikita!" Saad ni Seungwan habang inaalalayan ang naka-blind fold na si jihoon kasama si Minghao.

"Aba, bes! May utak ka na rin sa wakas!" Pabirong sabi ni Minghao. "Syempre, maraming natutunan!" Nag-appear silang dalawa.

"Ano bang kagaguhan ito?!" Sabi ni Jihoon habang iniisip kung ano na namang pakana ang balak ng tatlong 'to. At napansin din niyang wala ang leader nila na nagsabi ng quack quack. Ay, sorry, na-carried away.

"Basta, hyung! Maglakad lang tayo."

Naglalakad parin sila papuntang covered court.

Samantala, sa covered court, nandun na siya, si Jeonghan, Joshua, at si Jun.

"Okay na ba ang mga balloons?" Tanong niya kay Joshua. Nag-thumbs up naman si Joshua bilang sagot. "Yung banner?" Tanong ulit niya pero kay Jeonghan naman. "Of course!" At winagay way ito ni Jeonghan sa kanya.

"Eh, Jun! Ano yung party popper?" Tanong niya. "Ayos na!"

"Okay. Paparating na ata sila. Places na po."

Papalapit ng papalapit sina Jihoon hanggang sa tinanggal na nila ang blind fold.

Sumalubong sa kanya ang Seungcheol na may dala-dalang bouquet ng red roses at mga pulang lobo sa background. May hawak ding banner si Jeonghan.

Naguluhan naman sina Seokmin. Pero wala paring tatalo sa nararamdaman ni Jihoon. He's confused af.

"Teka.. hindi ba dapat si.." Bulong ni Seungkwan kay Seokmin.

"Lee Jihoon, will you be mine?" Tanong ni Seungcheol habang papalapit ng papalapit kay jihoon.

Oo, crush siya ni Jihoon.

Pero parang na-disappoint siya.

Parang iba ang taong inaasahan niya. Parang may hinahanap siya.

Pero merong isaㅡdalawa. Dalawang tao na malubhang nasasaktan ngayon.

Yung isa may hawak na banner.
Yung isa, nakatago. Nakatingin mula sa malayo at parang unti-unti gumuguho ang mundo. Ang sakit palang makita na hindi ikaw ang nasa pwesto.. ni Seungcheol Hyung niya.

Habang nag-rereview si Jihoon, hindi parin siya makapag-focus dahil sa tanong ni Soonyoung kanina.

"Ugh! Ano ka ba, Jihoon?! Nababaliw ka na ba?!" Sigaw niya sa sarili niya.

It's 2 AM at may test sila sa isang subject bukas kung saan siya nahihirapan.

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon