I K A L A B I N G A P A T

264 18 2
                                    

2 years ago..

"Sinasaktan mo lang si Jihoon! Wala kang kwenta!" Sigaw ni Seungcheol. "Hyung, hindi naman ako nagsimula-" Sinuntok siya ng malakas ni Seungcheol.

Nag-aaway kase sila ngayon at nasa open field kahit sikat na sikat ang araw.

Nalaman kase ni Seungcheol na hinalikan ni Soonyoung si Ju Ri. Kalat na kalat nga dahil sa makatak na babaeng yun.

Nagsipag-tipon ang mga tao para tignan silang dalawa.

"Hyung, ayoko ng away." Sabi ni Soonyoung at tumulo ang dugo sa labi niya. Hinawakan ni Seungcheol ang kuwelyo ng polo ni Soonyoung at sinuntok.

Hindi nanlaban si Soonyoung kase alam niyang deserve niya 'to. Sinaktan niya si Jihoon at nakasama ni Jihoon si Seungcheol at hindi siya.

"SEUNGCHEOL HYUNG! SOONYOUNG! TUMIGIL NGA KAYO!" Sigaw ni Jihoon.

||

Kumakain sa canteen si Soonyoung, Seokmin, Minghao, Seungkwan at Wonwoo. Oo, nakapasok na si Wonwoo sa eskwelahan nila.

Magka-schedule naman silang magkakatropa kase half day lang lahat ngayon, may seminar kase yung mga teachers.

Hindi naman nila kasabay si Jihoon kase may practice siya sa glee club.

"BWAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa nina Seokmin at Minghao. Nabuhusan kase ng ketchup si Kwan dahil nabuksan niya ng mali yung ketchup. Sa kanya nakatutok yung bote.

"Soonyoung! Soonyoung! Soonyoung!" Rinig nilang sigaw. Napa-laki naman ng mata si Minghao at Wonwoo.

"Si Ju Ri at Jihoon nag-aaway sa may covered court! May dugo na si Jihoon!" Sigaw ni Jun.

Agad-agad namang napatayo si Soonyoung at pumunta sa covered court saka sumunod sa kaniya ang mga kaibigan niya.

||

"AYOKO NGA SABI NG AWAY!" Sigaw ni Jihoon.

Agad namang nakarating sina Soonyoung.

Si Ju Ri nakatayo at magulo ang buhok na halatang sinabunutan at si Jihoon nasa semento at dumudugo ang labi.

"TAMA NA YAN!" Sigaw ni Soonyoung at.. Seungcheol. Nakita din kase ni Seungcheol.

Pareho nilang nilapitan si Jihoon.

"Ayos ka lang?"

"Jihoon, okay ka lang?"

Magkaiba nilang tanong.

"ABA NAMAN! Ang galing! Palakpakan natin! Ang landi mo Lee Jihoon! May Seungcheol ka na pala at kinukuha mo pa tong si Soonyoung! Halata namang gusto ka ni Seungcheol!"

||

Kakalabas lang ng apat sa office ng principal. Na-suspend si Ju Ri at nagamot na ang sugat ni Jihoon sa labi.

Naglalakad ngayon sila papunta sa main gate.. gusto kase nilang ihatid si Jihoon.

Si Jihoon sa gitna habang nasa left si Soonyoung, nasa right si Seungcheol.

"NAKAKALERKY KAYO MGA FAFA!" Saad ni Seungkwan. Ay oo nga pala kasama sila. Sila Seungkwan, Seokmin, Jun, Minghao, Wonwoo, Jeonghan at yung bagong kaibigan ni Seokmin daw si Joshua.

"Oo nga! Pweding akin na lang yung isa?" Pabirong tanong ni Minghao.

Tahimik lang si Soonyoung na ikinabago ni Jihoon. Nasanay kase siya sa madaldal na Soonyoung. Eto namang si Seungcheol, dada ng dada.

May isa naman na palihim na nasasaktan.

"It's going to be okay.." Bulong sa kanya ni Joshua.

||

"Ingat kayong lahat." Paalam ni Jihoon sa kanila. Pumasok na siya sa bahay nila.

"Oh, ba't bad trip ka kuya?" Tanong ni Jihyun. Umupo si Jihoon sa sopa. Lumapit sa kanya si Jihyun habang dala-dala ang ginawa niyang iced coffee.

"Oh, ginawan kita."

"Thanks."

"Eh napano ka nga, kuya?"

"Si.. Soonyoung kase... tahimik siya... at-"

"Teka sandali, narinig ko si Kuya Seungcheol kanina kasama niyo siya?"

"Hmm."

"Yun naman pala."

"Ano?"

"Syempre! Nagseselos!"

"Eh bakit? Alam naman niyang mas gusto ko siya."

"TEKA! WAIT! KUYA?!?! SERYOSO?!?!?! HOMAYGAZ!"

"Shit." Bulong ni Jihoon. Napadulas kase dila niya.

"GUSTO MO NA SI KUYA SOONYOUNG?!?!"

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon