I K A L A B I N G D A L A W A

273 12 0
                                    

2 years ago..

"Soonyoung? Asan ka?" Sigaw ni Jihoon. Hinahanap kase niya si Soonyoung. Tumawag kase si Soonyoung na after class daw eh i-meet siya sa garden. Ngayon, nasa garden siya.

Bigla naman siyang nakarinig ng mga ingay dun sa may likod ng bush.

Pumunta si Jihoon sa kung saan nanggaling ang ingay.

At nakita niya si Soonyoung na kahalikan si Ju Ri.

"TANGINA JU RI! HINDI KITA GUSTO! MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SI JIHOON AT HINDI YUN MAGBABAGO!" Sigaw ni Soonyoung at itinulak si Ju Ri, tumayo si Soonyoung at nabigla ng nakita si Jihoon.

"Jihoon-" "Bye."

||

Gusto mo na rin ba si Soonyoung hyung?

Gusto mo na rin ba si Soonyoung hyung?

Gusto mo na rin ba si Soonyoung hyung?

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Jihoon ang tinanong ni Minghao kahapon.

Lunes na ngayon at may pasok sila. Hindi parin mapakali si Jihoon at hindi makapag-focus.

Lalo na't kaklase niya si Soonyoung at tuwing susulyap ito sa kanya eh nakatingin na pala sa kanya si Soonyoung ng nakataas ang kilay na parang nagtatanong "kung iniiwasan mo ba ako?"

Buti nalang at hindi nakatabi ni Jihoon si Soonyoung, kung hindi eh hindi talaga siya nakakapag-concentrate kahit wala siyang balak makinig sa teacher nila.

Late kase siya pumasok dahil na rin sa mali ang oras na inilagay sa alarm clock at katamaran niya. Inunahan siya. Ni Ju Ri.

=)

Wala na siyang pakealam sa teacher na nag-didiscuss ngayon.
Basta nakatingin lang siya sa paa niyang ginagalaw niya kasunod ang kantang nagpla-play sa utak niya.

Huwag Mo Ng Itanong Sa Akin

Di ko rin naman sasabihin.

Huwak mo ng itanong sa akin.

At di ko na iisipin.

Paborito niyang kanta ang kantang ito. Dahil para narin itong sagot niya sa tanong ng masa, este ng mga madlang peepz.

"And what is the fourth planet from the Sun, Mr.Lee?" biglang tanong ni Mr.Louis. Na-bigla si Jihoon kaya na-mind block.

Malakas na tumawa si Ju Ri. Tinignan siya ng lahat.

"Sir! Andaming pweding tawagin siya pa? Alam niyo namang alam lang niya kung paano mang-agaw at paano lumandi." Sabay sabi ni Ju Ri na siyang ikina-ooooh ng mga kaklase nila.

"Nagawa pang mang-agaw. Pinapaasa lang naman." Dagdag ni Ju Ri.

Namumula na ang kamay ni Jihoon dahil sa sobrang galit at sobrang higpit ng pagkakahawak sa ballpen niya.

Pumikit siya ng nagsalita pa si Ju Ri.

Wala bang balak tong teacher na 'to na patigilin ang bunganga ng higad na 'to?

"Biruin niyo, tatlong taon ng nangliligaw si Soonyoung tapos wala namang sagot! Puro "Huwag mo ng itanong sa akin," Ang paasa mo, liit!"

At dahil dun, sumabog si Jihoon.

Hinampas niya ng malakas ang desk niya at tumayo.

"Sir, kung wala rin naman pala kayong balak pigilan siya sa mga kasinungalingan niya, May I go out?" Naiinis na tanong ni Jihoon.

Ayaw kong pumatol sa tulad niya. Sayang ang laway at energy. Mas maganda naman ako sa kanya.

Tinignan niya si Soonyoung na tatayo para sundan si Jihoon ng magsalita ulit si Ju Ri.

"Aww. Talo na kase kaya nag-wa-walk out!" At napa-oo nga ang klase. "Ang kj mo, Lee."

"Hindi ka titigil?" Seryosong tanong ni Jihoon habang nakapikit at nakasara parin ang palad. Putlang putla na siya dahil sa galit.

"Bakit? Napipikon ka? Haha! Totoo naman pala!"

At ayun na, sasabog na sana si Jihoon pero syempre, konting buwan na lang ay gra-graduate na siya at ayaw niyang may dumi ang record niya.

Jihoon, kalma. Sayang beauty mo sa babaeng yan.

Binuksan ni Jihoon ang mata niya. He smiled bitterly. "Excuse me." At lumabas na siya.

||

"Ano ba naman kase 'yan, Jihoon?!" Pag-sermon sa kanya ng nakatatanda. Nasa clinic kase silang dalawa ni Jihoon.

Sinuntok kase ng pagkalakas-lakas ang pader kaya ayan, dumugo ang kamay.

"Seungcheol hyung, naiinis ako dun sa babaeng 'yun." Saad ni Jihoon na hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin.

"Tambayan mo na ata itong clinic, Jihoon ah? Mag-iingat ka! Sayang kase.. hindi tayo pareho ng schedule ng lunch at break... sana nababantayan kita." Nag-aalalang saad ni Seungcheol.

"Tsk. Ano ka ba, hyung? Ayos lang."

Kung nagtataka kayo bakit nandiyan si Seungcheol, sakto kase break nila at napapaihi siya. Sumakto siya sa banyo ng floor nina Jihoon kaya ayan, nakita niya si Jihoon na dumudugo ang kamay.

"Mag-iingat ka, Jihoon! Mamahalin pa kita!" At nag-pout si Seungcheol. "Hyung, 'wag kang mag-pout! Mukha kang bibe!" Natatawang saad ni Jihoon.

"Ayan! Napatawa na kita!" Masayang sabi ni Seungcheol. "Mas bagay mong nakangiti kesa sa nakabusangot!"

Ngumiti si Seungcheol.

Silence.

"J-jihoon.. hehe?" Pag-basag ni Seungcheol sa nakakabinging katahimikan.

"Oh?" Sagot ni Jihoon.

"Pweding payakap..?"

"Luh? Hyung? Ba-"

"Ji. Andito ka pala. Kasama si.. Seungcheol hyung." Sabi ni Soonyoung na kakapasok lang ng clinic.

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon