I K A L I M A

350 19 0
                                    

2 years ago..

"Ju Ri. Tsk." At pinagsisipa ni Jihoon ang mga nadadaanan niyang bato habang naglalakad pauwi.

Mag-isa nalang siya dahil nagpahatid si Ju Ri kay Soonyoung. Napilitan lang si Soonyoung dahil nakita niya ang mga magulang ni Ju Ri na kumakaway.

Hindi alam ni Jihoon bakit sobrang bad trip niya.

Ka-uwi niya. Binato niya kaagad ang bag sa sopa at humiga. Nagtinginan naman ang nanay, tatay at nakababatang kapatid na
b

abaeng si Jihyun.

Nagtawanan sila ng bahagya. Nakahiga kase ngayon si Jihoon sa mahabang sopa habang yung pamilya niya'y nakaupo din sa iba't ibang sopa.

"Oh, Kuya. Di ka ata hinatid ni Kwon~nie mo?" Asar ni Jihyun sa kanya. "Shut up." At tinabunan ang mukha niya gamit ang unan.

"Hindi nga." Sabi ng tatay niya. "Bakit, anak? Anong nangyari?" Tanong ng nanay niya.

"Wala po." Sagot naman ni Jihoon. Nakarinig naman sila ng katok sa gate nila.

"Mukhang may babawi kay Kuya ah?" Biro ulit ni Jihyun. Napatayo si Jihoon at nagkipag-unahan pa sa nanay niya sa pag bukas ng pinto.

Pagbukas ng pinto, nakita niya sa Seokmin, Seungkwan, Minghao at si.. Soonyoung na may dalang plastic na naglalaman ng pagkain.

"Hyung nangangawit na kami ditey!" Sigaw ni Seungkwan. Dali-dali namang binuksan ni Jihoon ang gate at pinapasok sila. Hindi na rin maitago ni Jihoon ang ngiti sa labi niya.

"Pasok kayo!" Bati ng Tatay ni Jihoon sa kanila. Na-unang pumasok sina Minghao habang naiwan sa tapat ng gate sina Jihoon.

"Hayaan natin silang mag-moment." Anya ng kanyang nanay at sinamaan naman siya ng tingin ni Jihoon.

"Ujibabes," Tawag ni Soonyoung sa kanya. Hindi kase nakatingin ng diretso si Jihoon sa kanya.

Tinaas ni Jihoon ang kilay niya na para bang sinasabi "Ano?"

"Babawi ako sa'yo~"

||

"Ayos naman si Mr.Lee. Sobrang lakas lang talaga ng impact ng bola kaya nawalan siya ng malay. Sa ngayon, lagyan lang ng ice pack ang bukol niya sa kanyang ulo." Paliwanag ng Doctor nila sa clinic.

"Salamat po, Doc." Sabi ni Soonyoung. Nasa clinic sila ngayon at buti naabutan nila kase malapit na silang mag-sara. 7PM kase isasara ang eskwelahan.

May malay na rin si Jihoon at nakabusangot siya ngayon habang nilalagay ang ice pack sa ulo niya.

Na-kyu-kyutan naman si Soonyoung sa nakikita niya

"Ngi-ngiti mo diyan? Kita na ngang masakit tapos.." Pagsusungit ni Jihoon. "Ang cute mo kaseeee~" Tska niya pinisil pisil ang pisngi ni Jihoon.

"Gago! Wag mokong hawakan! Baka gusto mo ikaw ang malagyan ng bukol?!"

Natawa naman si Soonyoung. Sanay na kase siya kay Jihoon. Kahit gaano ito ka-brutal at ka-sungit sa kanya, mahal na mahal parin niya ito.

"Hyung! Ayos ka lang?" Bigla namang sumulpot ang tatlong magkakaibigan.
"Mukha ba akong ayos lang, Seok?" Pagsusungit ulit ni Jihoon. Lumapit ang tatlo.

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon