U N A

631 32 1
                                    

"Sige na kase, Ujibabes!" Pagpumilit sa akin ni Soonyoung na kumakapit ngayon sa braso ko habang naglalakad kami. "He! Tumigil ka nga!" Pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa braso ko pero wala eh.

Nandito kase kami sa may sidewalk at naglalakad pauwi.

At kung nagtataka ka kung sino siya, eh ito nga pala ang putangina sa buhay ko. Isa siyang orasan na naglalakad. Isa ring hamster na makulit. Siya si Kwon Soonyoung.

"Sige na naman, bebe." Pinipilit niya ako na sumabay siya sa akin sa pag-uwi. Tumigil ako sa paglalakad at tumigil rin siya. Hinarap ko siya at tumayo siya ng maayos. Ang hirap, nakatalanga kase ako eh.

Oo na, pandak ako.

Wag ka'yo.

"Kwon. Soonyoung. Una, hindi tayo parehong inuuwian. Nasa kabilang barangay ka pa at ako nandiyan lang sa may subdivision. Pangalawa, baka mag-alala si Tita Kwon kapag umuwi ka ng dis-oras, tignan mo mag-6 na! Anong oras ka pa makakauwi niyan? Pang-" Di ko na natuloy nung nagsalita siya.

"Ah, so ganun? Concerned ka sa akin? Baka ma-pano ako? Yieeee~" Pang-iinis niya. Naparolyo ako ng mata habang sinusundot niya yung tagiliran ko. "HOY, KWON! HINDI KITA-" Di na naman natuloy yung sinasabi ko dahil nagsalita na naman siya.

What is it with him cutting me off? -.-

"Namumula si Ujibabes! Namumula si Uji~ Namumula si Uji~" Pang-asar niya ulit. "Ikaw," Hinawakan ko ang pisngi niya kaya napatigil siya't tumingin sa akin ng diretso. "Hindi ka ba titigil?" Nilapit ko ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit siya at nilalapit ang nguso sa akin.

I smirked.

"AAAAAAAAHHHHHH MAMA!" Sigaw niya. I flicked his forehead as hard as I can. Napatawa ako.

"Ji naman eh." Sabi niya habang hinahaplos yung namumula niyang noo. " 'Wag kaseng assuming." Naglakad na ako't iniwan siya pero of course, being Soonyoung, sinundan niya ako.

"Kung 'yan lang rason mo para di kita sabayan sa pag-uwi. Pwes," Ilinabas niya ang cellphone niya sa bulsa niya. Habang naglalakad parang may tinatawagan siya.

"Hello?" Rinig kong sabi niya. "Hmm. Nay! Si Uji! Ayaw akong payagan na hatid siya sa bahay nila huhu. Baka daw magalit ka.." Sabi niya na binibigyan pa ng sound effects.

Nanlaki ang mata ko at hinampas hampas ang braso niya.

"HOY!" I whispered-screamed. "Nay, oh! Hinahampas ako ni Jihoon labs.." He faked cried. Ang pabebe talaga niya. Ni-loud speaker naman niya ang cellphone niya.

"Jihoon! Anak!" Rinig kong saad ni Tita sa kabilang linya. "MA NAMAN AKO SINASABIHAN NIYO HOY NI ISANG BESES WALA KAYONG SINABING ANAK!" Reklamo ni Soonyoung na siyang nagpatawa sa akin ng bahagya.

"SI JIHOON TINATAWAG KO, SOONYOUNG!" Sagot ni Tita. Ang cute talaga ng mag-nanay na ito..^_^

"Anyway, Jihoon my labs ng gwapo kong anak!" Oo, kilala na ako ni Tita. Pinakilala kase ako ni Soonyoung last year, nung nagsisimula pa lang siyang manligaw.

"Hello po, Tita!" Masayang bati ko. Naglalakad parin kami ni Soonyoung at hawak hawak niya ang phone habang tinututok niya sa akin. Iniwasan naman namin ang basa at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ayos na ayos lang na umuwing late si Soonyoung. Mahal na mahal ka talaga niyan! At naiintindihan ko yun," Tinignan ko naman si Soonyoung na nakangiting nakatingin sa dinadaanan niya.

"Hayaan mo ng ihatid ka niya, Jihoon. Baka patayin yan ng konsensiya niya." Dagdag ni Tita.

"Sige po, Tita." Sagot ko. Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ni Soonyoung. "Oh sige, magiingat kayo ah. SOONYOUNG, WAG KA MUNANG GUMAWA NG APO KO AH! SAKA NA PAG KUMASAL KAYO!"

"Tita naman eh!"

"Syempre, Ma!"

Sabay naming sabi ni Soonyoung. "Oh, sige. Bahala na kayo, ah?" -Tita.

"Opo."

Nagpaalam na si Soonyoung at ibinaba ang tawag. Naglalakad parin kami ngayon at nakikita ko na ang gate ng subdivision namin.

"Papayag rin naman pala si babes." Pabirong sabi ni Soonyoung. "Shatap."

Tumawid kami ng daan habang nagkwekwentuhan. Nang pumasok sa gate ng subdivision namin, naramdaman ko naman ang kamay niya na pa-simpleng hinahawakan ang palad ko.

Napatingin ako sa kamay namin. Pero siya, nakangiti at nakatingin ng diretso.

Unti-unti niya itong hinawakan...

Hinawakan ko na rin pabalik.

After 20 minutes, nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Unang sumalubong sa amin si Nanay na nagtatapon ng basura.

"Oh, Anak. Soonyoung. Nandito na pala kayo." Bati niya sa amin at nagmano si Soonyoung. "Pasok na kayo, nagluto ako."

"Ah, hindi na po, Ti-" "Ano ka ba, Soonyoung? Diba sabi ko sa'yo, Mama ayos lang!"

Aba naman ang nanay ko talaga.

"Ma!" Saway ko sa kanya. "Hindi na po, Mama. Baka hahanapin na po ako ni OTHER mama."

"Ah, ganun ba. Osige, pasok na ako ah. Salamat sa paghatid sa napakakulit kong anak ha? Ingat ka, Soonyoung."

Nagpaalam na si Mama at pumasok na sa bahay.

Hinarap ko si Soonyoung. Pareho kaming nay ngiti sa mga labi.

"Thanks, Soons."

"La yun. Para sa'yo."

"Ingat."

"May.. may tanong ako..."

"Hmm. Ano yun?"

"Mahal mo na rin ba ako?"

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon