★ W A K A S ★

351 24 5
                                    

1 year ago..

"Eh gusto mo na pala siya, Hyung!" Masayang saad ni Seokmin sa sinabi ni Jihoon.

"Hindi.. hindi ko pa siya gusto, Seok..." Pagpapaliwanag ni Jihoon. Nadulas kase si Jihoon. Nadulas ang dila I mean.

Nasabi kase niyang nagugustuhan na niya si Soonyoung. Buti nalang at wala si Soonyoung ㅡ

"So anong pinag-uusapan niyo diyan na HINDI PA gusto?" Tanong ni Soonyoung na kakarating lang dahil kakabili ng mineral water sa canteen.

Silang tatlo lang ang magka-schedule.

"A-ah... a-ano.." Nauutal na saad ni Jihoon. Hindi niya alam anong idadahilan.

"Hindi gusto ni Hyung na maging Student Council president. Kaya ayan, nag-object siya nung na-nominate siya kahapon. Sinasabi ko lang kay Hyung na, it's his choice. Choice na niya. Kase kailangan sa mga gagawin, dapat hindi labag sa puso mo." Pagdadahilan ni Seokmin. Napa-ahh si Soonyoung at tinabihan si Jihoon.

Tinignan ni Jihoon si Seokmin na malawak ang ngiti sa dalawa ngayon.

Kinuha ni Jihoon ang cellphone niya habang busy na nagkwekwentuhan si Soonyoung at Seokmin

Lee Kabs
Active 1 hour ago..

Thank you so much, Seok! Hindi talaga ako makapagisip ng maidadahilan. How can I pay you back for this? Just tell me. Basta wag pera haha. Pero salamat talaga seoks!

Tumunog ang cellphone ni Seokmin at kinuha ito. Tinago na ni Jihoon ang kanya.

Nang mabasa ni Seokmin, tinignan niya si jihoon at ngumiti.

Lee Kabs
Active Now

La yun, hyung! ( ˘ ³˘)♥
Gusto ko kase kapag nagtapat ka na, readyyyyy ka na! Kaya ayan. Magtapaaat ka na hyuuuung! Hihintayin ko yan! Sikretong malupet natin to ahhh hihi

||

1 year ago..

"ANO BA?!" Naiiritang sigaw ni Jihoon.

Basang-basa siya at si Soonyoung dahil nasa gitna sila ng daan at malakas na malakas ang ulan. Namatay kase ang lola ni Jihoon, bumagsak siya sa Chemistry, natalo sa singing contest dahil ayun hindi naiwasang umiyak at nagsabay sabay ng malas sa buhay niya. Kaya naisipang uminom ni Jihoon, hanggang sa ayan sinundan siya ni Soonyoung.

"Uji, iiuwi na kita! Lasing na lasing ka na at-" Lumapit si Soonyoung pero tinulak siya ni Jihoon.

"WAG KANG LALAPIT! IIWAN MO RIN AKO! IIWAN MO RIN AKO KAGAYA NG LAHAT NG TAO SA BUHAY KO! MGA WALANG KWENTA!" Lasing na sigaw ni Jihoon.

Masakit ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Jihoon pero iniisip nalang ni Soonyoung na lasing lang siya.

"Ji, hindi kita iiwan! Kahit anong mangyare-" Tinulak ulit siya ni Jihoon at napaupo sa basang basang semento.

Malakas na malakas parin ang ulan at madilim dahil gabi na.

"ANO BA?! WAG KA NGANG UMARTE! LOLOKOHIN MO LANG AKO! HUWAG MO NA RING ITANONG SA AKIN KUNG GUSTO KITA KASE DI KO RIN NAMAN SASABIHIN SAYO!"

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon