I K A A P A T

324 20 2
                                    

2 years ago..

"Dapat kase ako." Saad ni Soonyoung habang sinusubo ang kutsarang punong puno ng ice  cream. Bumili kase silang dalawa ng tig isang solo pack na ice cream ng selecta. Parehong cookies and cream.

Nasa park sila at nakaupo sa sanga ng isang malaking puno dito. Si soonyoung nakahiga sa isang sanga, habang si Jihoon nakaupo't tinitignan si Soonyoung.

"Dapat.. ikaw?" Tanong ni Jihoon sa kanya. "Oo. Para ma-tulungan daw siya nina Minghao na papuntahan ka sa covered court. Since naman daw shiniship tayo nina Minghao ng sobra-sobra, mahihirapan daw si seungcheol hyung na papuntahin ka doon.. kaya.."

"Ah, kaya sinabi ni Seungcheol kina Seungkwan na ikaw.. Ikaw ang magtatapat?" Sabi ni Jihoon na finally, nakuha din niya.

"Yeah." At sumubo na naman ng isang punong kutsara ng ice cream.

"Akala ko rin kase.." Mahinang bulong ni Jihoon. Habang nakatingin sa paa niyang siniswing niya.

"Ano yun?" Tanong ni Soonyoung. Hindi kase niya masyadong narinig.

"Ah sabi ko, ganun pala." Palusot ni Jihoon.

Ang totoo niyan, akala ni Jihoon si Soonyoung talaga. Kase sina Seokmin, Seungkwan at Minghao ay matalik na kaibigan ni Soonyoung at solid #SoonHoon shippers daw.

Kaya niya naisip na si soonyoung ang magtatapat kase ayun nga, ang tatlo ang lumapit sa kanya.

Pero hindi pala.

Si Seungcheol pala.

"Ayos lang yan.. soons." Sabi ko. Nagtinginan lang kami ng diretso sa mata. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Soonyoung sa akin ng..

"Omg?! Is that you?! Soonyoung OPPA!" Sigaw ng isang babae galing sa baba. Napatingin kaming pareho.

"Oh, Ju Ri!"

||

"Ano na naman ba? Tantanan mo nga ako." Inis na saad ni Jihoon. "Hmm. Pikon agad, liit?" Pang-asar ni Ju Ri sa kanya. Nakatayo parin siya sa harapan ni Jihoon at dahil mas matangkad siya kay Jihoon feeling niya eh sobrang makapangyarihan niya na na natalo na niya sina Amihan, Pirena at iba pa sa Encantadia. Char.

"Don't you dare call me, liit." Seryosong sabi ni Jihoon. Nakakamatay na ata ang tingin ni Jihoon kay Ju Ri. He's dead serious.

Si Ju Ri kase.. ang may gusto kay Soonyoung. Trying hard bitch at mapilit. Gagawin ang lahat para kay Soonyoung.

"Bakit? Anong gagawin mo, Liit?" Emphasizing the word, "liit."

"Sinabi ng-" "Layuan mo siya, Ju Ri."

Naputol ang sinasabi ni Jihoon ng mabalin ang atensyon nila sa nagsalita.

"OPPA!" Sigaw ni Ju Ri. Papalapit si Soonyoung sa dalawa. Oo, si Soonyoung. 10 minutes na lang at mag-sta-start na game nila kaya naka-jersey na siya pero nakita niya ang dalawa.

Kumapit sa braso ni Soonyoung si Ju Ri.

"Sinasaktan niya ako, Oppa! huhu!" She fake cried. Pilit na tinatanggal ni Soonyoung ang pagkakapit niya sa kanya ng hindi siya nasasaktan.

"Ano ba, Ju Ri?! Bitawan mo nga ako!" Naiinis na saad ni Soonyoung. Binitawan siya ni Ju Ri at akmang yayakapin pero nilapit ni Soonyoung si Jihoon.

"Ayos ka lang?" Tanong niya kay Jihoon. Feeling ni Jihoon ay nagiging kamatis na siya at dinaig pa ang kulay ng jollibee.

"O-oo." Sagot niya. "Leave him alone, Ju Ri. Umuwi ka na."

"CHE! BABALIKAN KITA, LEE." Saka na siya umalis.

Niyakap ni Soonyoung si Jihoon.

"May game kami.. uwi ka na-"

"Manunuod ako."

||

"GREEN SERPENTS! GREEN SERPENTS! GREEN SERPENTS!" Sigaw ng mga babae. Sakto naman at napasa ang bola kay Soonyoung.

"KWON SOONYOUNG! KWON SOONYOUNG!" Sigaw ng mga audience, pati na rin si Jihoon na nasa pinakataas.

Mabilis na tumakbo si Soonyoung at may bumablock sa kanya pero parang nahagip ng mga mata niya si Jihoon na nakatingin sa kanya.

Parang ginanahan ito't ishinoot.

Na siyang ikinapanalo nila.

||

"Nice game! Congrats!" Bati sa kanya ni Jihoon. Tapos na ang game at ekstong 6PM na. "Thanks, Ji. Thank you sa pagpunta." Saad ni Soonyoung.

Nginitian siya ni Jihoon at pinunasan ang pawis na tumutulo sa mukha niya.

"Magpalit ka na at basang-" Napatigil sa pagsasalita si Jihoon ng tumama sa kanya ang isang volleyball, ball. Practice kase ng volleyball boys.

Nabigla naman lahat ng natumba si Jihoon at nawalan ng malay. Ang katawan niya'y bumagsak sa malamig na semento.

"JIHOON!"

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon