I K A L A B I N G A N I M

261 15 0
                                    

1 year ago..

"Alam mo ujibabes, kahit matagalan pa yang sagot mo hihintayin ko yan!" Masiglang sabi ni Soonyoung sa sumusulat ng essay na si Jihoon.

"Mahal na mahal kaya kita!"

"Busy ako, Soonyoung."

"Mahal mo rin ba ako, ujibabes?"

"..."

"Ha?"

"Huwag mo na ngang itanong sa akin."

||

"Anak! Buksan mo tong pinto!" Nag-aalalang sigaw ng tatay ni Soonyoung. Tatlong araw na siyang nasa loob ng kwarto niya. Wala pang kinakain magmula nung araw na yun.

Ansakit kase.

Sobrang sakit.

Mahal na mahal niya si Jihoon. Mahal na mahal. Binubuhos niya lahat para sa kanya. Pero, wala. May iba na pala siya.

Samantalang sa eskwelahan, nakaupo sa upuan si Jihoon na malapit sa bintana at nakatingin sa upuan ni Soonyoung na tatlong araw ng walang umuupo.
Wala pang tao sa classroom at si Jihoon palang ng biglang pumasok si Wonwoo.

Hindi nila kaklase si Wonwoo. Nasa ibang section siya para grade 12 din siya.

"Wala pa?" Tanong ni Wonwoo sa kanya at tumango si Jihoon. Umupo si Wonwoo sa harapan ni Jihoon

"Hindi mo siya gusto diba? Pero ba't lagi mo siyang hinihintay?" Tanong ni Wonwoo.

"Won-"

"Sabihin mo sakin ang totoo, gusto mo ba si Soonyoung?"

Is it time?

"Oo. Gusto ko siya.." Mahinang sagot ni Jihoon at tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. Ayaw kase niyang makita ni Wonwoo na umiiyak siya.

Ayaw na ayaw niyang umiiyak sa harapan ng isang tao.

Tatlong araw na siyang umiiyak tuwing gabi. Nagsisi bakit hindi niya naipaglaban ang nararamdaman niya kay Soonyoung. Na mas inuna pa ang takot.

"Sabi na nga ba. Alam kong natatakot ka lang mag mahal. Pero kilala ko yang si Soonyoung. At alam kong alam mong hindi niya magagawang saktan ka. Kase mahal na mahal ka niya, Jihoon."

"Pero.. sumuko na-"

"Sinong may sabing sumuko na siya?"

"Eh... wala.. na.. siya..."

Inilabas ni Wonwoo ang cellphone niya at ipinakita kay jihoon.

Naega Howsh 'ㅅ'
Active 2 hours ago..

Wonwooooooooo

Gising ka na?

Sorry ang aga kong nagtext

Pweding paki bantayan si Ujibabes para sa akin? May lagnat kase ako.

Thank you!

OI WAG MONG LULUBAYAN NG TINGIN YAN! TIGNAN MO KUNG KUMKAIN YAN!

yun lang hehe

lablab

ko si jihoon <3

Sent. 03:24 A.M, Wednesday.

wonuboi

musta si uji babes ko?

baka naman pinapabayaan niyo ah?!

DAPAT WALANG SUGAT, BUGBOG YAN! DAPAT WALA RING LUHA YAN!

GAGO SABIHIN NYO SAKIN KUNG SINO UMAAPI DIYAN!

i miss ujibabes ㅠㅠ

mahal na mahal ko si ujibabes ko

Sent. 02:34 A.M., Thursday.

Boiii

I lab ujibabes

Pakabantayan niyo yan! Baka di nyo makita sa liit niyan hehe

Pero kahit di nya ako mahal at sila na ni hyung, di parin ako naniniwala. ALAM KONG HINDI SILA PERO SANA NGA HINDI!!!

Soonhoon poreber kase </3 para sa akin.

i labyu ujibabesko

pero bantayan niyo ah? blinock niya kase ako sa fb hehe.

Sent. 03:25 A.M., Today.

"Bakit di siya pumapasok?" Umiiyak na tanong ni Jihoon. "May sakit siya. Binisita namin Kahapon. Ikaw ba naman na nasa loob lang ng kwarto ng tatlong araw. Walang tubig, pagkain o ligo. Hindi rin siya umaalis sa pwesto niya sa gilid ng kwarto niya. Nagpaulan din siya nung araw.. na alam mo na."

Mas humagulgol si Jihoon.

"Antanga ko, Wonwoo! Dapat pinaglaban ko nalang yung nararamdaman ko! Kesa sa nasasaktan ko siyang ganito! Ang tanga-tanga k-"

"Di mo naman kasalanan, hyung.." Sabi ni Seungkwan na nandoon pala sila sa pintuan. Sila ni Seokmin, Minghao at Seungkwan.

"Pero.. sana.. hays. Naiiyak ako, pakwan!" Sabi ni Minghao. "Yakapin ka nalang namin hyung!" At yinakap nina Seokmin at Seungkwan si Jihoon at iniwan si Minghao na umiiyak.

"Tangina ng dalawang to! Payakap na nga rin, Hyung!" Saad ni Minghao tska sumali sa yakap. Si Wonwoo nakangiting nakatingin sa kanila.

"Ipaglalaban ko na siya at aamin na ako. Aamin na akong mahal ko na rin siya."

~~~
A/N: Three more chaptersssss and epilogue naaa! <3

Huwag Mo Ng Itanong {soonhoon}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon