Steven’s POV
Pinapunta ko si Derick at Yhel sa bahay para may makausap ako
“Oh? Bat mo ko pinatawag ulit? Malinaw na ba sayo yung sinabi ko kanina?” – Derick
“Oo. Gusto ko si Yish”
“Sa wakas Steven inamin mo rin!” – Yhel
“ehh malay ko ba? Ngayon lang naman nangyari sakin to.”
“Dahil sa mga sinabi ko sayo kaya mo narealize no? Ang galig ko talaga” – Derick
“Hindi dahil sa sinabi mo no! Pero nung nakita ko na nakikipagtawanan si Yish kasama kayo nakaramdam ako ng selos”
“Selosong bata! Pati ako pinagselosan mo! Pero may dapat ka namang ipagselos, hindi moa lam interesado ako kay Yish” – Derick
“Sapak gusto mo?”
“Pero seryoso ako sa sinasabi ko Steven. Kung di mo siya kayang protektahan ako ang gagawa nun!”
“Tama na nga yan! Baka magkapikunan pa kayo. Diba nagpunta ka kila Yish? Anong nangyari?” – Yhel
“Gusto niya na wag na kaming magkita”
“Ano ba iniisip ng babaeng yun? Sabi ko sakanya wag niyang intindihin mga sinabi ni Jayna eh”
“Naiintindihan ko naman siya eh. Ayoko na kainisan siya ng mga fans kaya pumayag ako”
“So that’s your way of protecting her? Mag-isip ka nga Steven!”- Derick
“Ano bang gusto mong gawin ko ha?”
“Bakit di yang sarili mo tanungin mo? Mapoprotektahan mo siya pag aarte kayong hindi magkakilala? Matutuwa k aba sa desisyon mong yun? Bui pa nga si JB nagawang sabihin in Public na magkaibigan sila kahit kelan lang sila nagkakilala. Ikaw naman itatanggi mo yun?”
Naglakad palabas ng bahay si Derick
“Steven isipin mong mabuti yung sinabi ni Derick sayo” Yhel said tapos lumabas na rin siya ng bahay. Sinundan ata niya si Derick eh
Derick’s POV
“Hoyy Derick!” Yhel shouted
“Oh? Bat iniwan mo si Steven dun?”
“Gusto ko siya bigyan ng time makapag-isip bago siya bumalik sa Korea. Ang galing ng mga sinabi mo ha? Nag-iisip ka rin pala”
“Grabe ka naman! Anong tingin mo sakin walang utak?”