Yish’s POV
Kadarating lang namin sa bahay ni Steven and dumiretso agad ako sa sofa tapos nahiga
“Feel at home ka talaga ah?” Steven said
“Eh bakit ba? Gusto ko na nga mahiga..Pagod na pagod kaya ako. Ang hirap pala maghing trainee no?”
“Oo mahirap pero para sa’yo rin naman yung trainings na yun eh?”
“Wow ha? Matured ka na mag-isip”
“Kelan ba ko naging isip bata? Kung pagod ka matulog ka na muna sa kwarto”
“Hindi na. Hatid mo na ko sa bahay after 15 minutes. Magpapahinga lang ako sandali”
“Ayoko nga! Hindi kita ihahatid”
“Ang arte ah?! Eh di magtataxi na lang ako!”
“Ayoko rin! Di ako papayag. Gabi na oh?Baka pervert pa yung driver ng masakyan mong taxi”
“Eh di wag ka na mag-inarte jan! Hatid mo na ko please?”
“AYOKO”
“To naman ayaw papilit! Nagplease na nga ko at nagpacute eh? Ayaw mo ko magtaxi tapos ayaw mo rin ako ihatid. Ano gusto mo dito na ko matulog?” pabiro kong sinabi”
“YES!”
“Oyo y oy! Maka YES ka naman jan,. STEVEN JUNG hindi ako pwedeng matulog dito. May training ako bukas at tsaka baka bigla lumabas yung pervert side mo mahirap na!” pabiro ko na namang sinabi..
Para namang first time ko matutulog dito! Haha eh nung hindi pa kami natulog na ko dito eh?!
“Pervert pala ha?”
Napaupo ako sa sofa nung nakita ko yung mga mata ni Steven na mukhang may binabalak na masama tapos nagsmirk siya
“Oy! Anong binabalak mo?
“Ipapakita ko sayo ang pervert side ko”
Anak ng tokwang lalakeng to! Subukan niya! Ipapapulis ko siya T_T
“Steven Jung bumalik ka nga sa katinuan mo. Para kang sinasapian jan”
Lalo niyang inilapit mukha at katawan nia sakin..
“Oyy! Alam ko maganda ako lalo na sa malapitan, di mo na kailangang ilapit ng todo yang mukha mo sa mukha ko tsaka yang katawan mo ilayo layo mo sakin ha? Papaluin ka ni Lord sa ginagawa mo eh?”
“Crazy (laughs) Natakot ka kanina no? Wala akong gagawing masama sa’yo! Ayoko magalit si Lord sakin. Ihaharap kita sa kanya na walang nangyari satin no!”