Chapter 53- Letting You Go

2.1K 43 8
                                    

Derick’s POV

Last night ko dito sa Paris and bukas ng gabi flight ko na pabalik ng Pilipinas. Nag-eenjoy ako na kasama si Yhel. Ang sarap pala sa feeling na nakakasama mo lagi yung taong mahal mo. I can’t wait to marry her

“Derick pwede bang magkatabi tayong matulog ngayon”

“Ha?”

“Tabi tayo matulog! Baka kasi matagal tayong di magkita ulit eh kaya gusto kita makasama buong gabi”

“Kung yan gusto mo. Wag kang mag-alala madalas naman akong dadalaw sayo dito eh. Uwi ka na kasi sa Pinas”

“Malapit na. Malapit na kong umuwi dun”

Humiga si Yhel sa tabi ko. She seemed different ngayon. Parang hindi naman na kami magkikita ulit eh.

“Derick”

“Matulog ka na. Mamasyal pa tayo bukas bago ako umuwi diba?”

Bigla na lang niya kong hinalikan. I can feel in her kisses na sobrang mahal niya ko. I kissed her back then she started undressing herself

“Teka Yhel, anong ginagawa mo?”

“I want you Derick”

“Yhel hindi natin kailangang gawin to. Hindi pa tayo kasal”

Bigla siyang tumayo

“Pakasalan mo ko ngayon”

“Ano ba yang sinasabi mo?”

“Please Derick pakasalan mo ko ngayon”

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Yhel pero naluluha na siya habang sinasabi niya yan.

Hindi to yung usual na kasal. Kaming dalawa lang and we said our vows to each other

“Derick, I promise to love only you with all my heart for richer or for poorer, in sickness and in health. Till Death do us part.”

“Yhel I promise to love only you with all my heart for richer or for poorer, in sickness and in health. Till Death do us part.”

This night, may nangyari saming dalawa. Hindi ko alam bakit bigla na lang gustong gawin ni Yhel ang bagay na yun pero kahit anong mangyari magpapakasal kami sa totoong simbahan.

“good morning!” Yhel said

“Good morning!” I told her and kissed her on the forehead

“Sorry kung mejo nagging aggressive ako kagabi.”

Love is Only You (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon