NARRATOR'S POV
Mas magandang umpisahan natin ang lahat sa simula, at kapag sinabing simula, sa simula ng lahat. Nung panahong ang God lang at ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Amara pa lamang ang nabubuhay. Sino ba si God? Sya lang naman ang makapangyarihang primordial being na lumikha ng universe at halos lahat ng bagay. Si Amara lamang ang may kakayahang lagpasan ang kapangyarihan ng God kasama ang Horseman Death.
Ang God at si Amara o ang Darkness ang nagsisilbing balanse sa buong universe, sa kadahilanang hindi kayang mabuhay ng dark kapag walang liwanag or vice versa. At kung mamatay ang isa ,hindi narin kayang mabuhay ng isa. Hindi kayang tiisin ni Amara ang hindi pagsira sa lahat ng ginagawa ng God kaya gumawa ang Diyos ng apat na Archangels. Kasama ang mga Archangels, nakipagdigma sya sa kanyang kapatid at sa di kalayuan, nagawa nyang ikulong si Amara kasama ang mark na pinagkatiwala nya sa kanyang pinakamahal at pinakamahalagang anghel, si Lucifer.
Subalit, pagkalipas ng mahabang panahon, pagkatapos likhain ng God ang buong universe, nag umpisa ng kainin ng mark si Lucifer at nag rebelde sya sa Diyos nang likhain ng Diyos ang mga tao.
Ngunit, pagkatapos likhain ng Diyos ang Archangels at bago nya likhain ang mga Angels, Heaven, Hell, at iba pang nilikha ng Diyos, may isa syang pagkakamaling nagawa. Lumikha sya ng iba pang primordial being, isang proto- monsters na tinatawag na Leviathans at isang makapangyarihang halimaw na babae na tatawagin nating "Eve".
Si Eve ay isang mysterious and powerful lady na kilala ngayon sa bansag na "Mother of All Monsters", kagaya ng Diyos, may kakayahan din syang lumikha. Siya ang lumikha ng halos lahat ng monsters sa mundong ibabaw. Inumpisahan nya ang lahat ng nilikha nya sa isang "Alpha". Pinaka una nyang nilikha ay ang "Alpha Vampire" at sinunod nya ang lahat ng iba pang halimaw.Dahil sa pagkakamali ng Diyos, nakaisip siya ng paraan kung paano maikukulong ang mga halimaw na kaniyang nilikha. Pagkatapos nyang likhain ang Heaven para sa mga anghel at Hell para sa mga anghel na tumalikod sa kaniya, nilikha nya ang purgatory upang ikulong doon ang mga Leviathans at si Eve.
Ang lahat ng ginawa ni Eve na halimaw ay pinalibot nya sa buong mundo at inutusang magparami. Ang Alpha Vampire na si Edgar ay hindi nag aksaya ng panahon. Mabilis syang nakapagparami. Ang lahat ng anak nya ay tinuruan nya kung paano makipaglaban at kung gaano kahalaga sa kanila ang dugo.
Lumipas ang ilang libong taon, mas napagyabong na ng mga tao ang kaalamang ibinigay sa kanila ng Diyos. Napagyabong na rin ng bampira ang kanilang lahi at ganon narin ang iba pang halimaw na nilikha ni Eve. Ngunit kasabay ng pagyabong ng karunungan ng tao, nagkaroon na sila ng talino na malaman na hindi lang sila ang nilikha ng Diyos, na may iba pang nilalang na naroon sa mundo.
Nagkaroon ng lakas ng loob ang tao na tugisin ang mga halimaw na ito upang mailigtas mula sa panganib ang kanilang sarili at pamilya. At mula sa mangilan-ngilan, dumami ang mga taong tumutugis sa mga halimaw kagaya ng vampires, werewolves, at shapeshifters. Ang mga ganitong tao na pumapatay ng mga halimaw ay tinatawag na "Monster Hunters" o "Hunters".
Sa pagrami ng mga hunters, ay siyang pag unti ng mga halimaw. Naging banta para sa mga halimaw ang mga aksiyong ginagawa ng mga tao sa kanila kaya marami sa mga halimaw ang nagtago. Dahil sa pag aakalang napatay na ng tao ang mga halimaw, unti - unting nabawasan ang mga taong nagha-hunt ng mga halimaw.
Kasabay sa pag-unti ng mga hunters ay siya namang pag unlad ng kaalaman ng tao. Dumami ang hindi naniniwala sa mga halimaw dahil sa pag unlad ng science. Ang hindi alam ng mga tao ay maraming halimaw ang palihim na pumapatay at nakikihalubilo sa mga tao kagaya ng mga halimaw na may kakayahang mag shapeshift sa anyong tao.
≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥ AUTHOR'S NOTE ≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤
Oooooooo hahaha kung may mababasa kayong ganito ( XD) sa author's notes ,hahaha hindi acronym yan ,Isa yang emoji nung panahon ng nanay ko hahaha XDDDD
*************************************************************************************
Di ko kailangan ng votes ,di ko ginawa ang story na to upang makakuha ng votes. Ang tanging hiling ko lang ay sana magustuhan nyo ang aking kabaliwan. That's all hahahaha
BINABASA MO ANG
The Vampps
Novela JuvenilSi Christevan Godric Vampps ay apo ng isang malakas na bampira. Ngunit ang bampirang iyon ay pinatay lahat ng malalapit sa apo niya kasama ang mga magulang nito. Upang maging malakas, tinulungan siya ng isang kaibigan upang maging half vampire and h...