CHAPTER 8 : First Day

9 1 0
                                        

GODRIC'S POV

PAMBIHIRA, ang aga ako'ng ginising ni Maxwell. Kahit ayaw ko ay bumangon na ako at naligo. Pagkarating ko sa banyo ay ginaya ko na ang itsura sa litratong idinikit ko sa salamin ng banyo.

Pagkatapos ko'ng naligo ay nakita ko ang pares ng damit na naka hanger sa pinaka hawakan ng aparador ko. Nagmadali na ako'ng nagbihis dahil sa sigaw nilasa baba na sinasabing bilisan ko na.

Pagkababa ko ay kumain na kami sa lugar kung saan kami kumakain.

" Excited ka na ba Godric??...." Magiliw na salubong sakin ng asawa ni Samuel.

" Hindi ako nakakaramdam ng ganiyang mga bagay...." Walang emosyong sambit ko.

" Ay ganon ba haha...... " Umupo ako sa upuan kung saan lagi akong umuupo. Kanina ko pa napansin na wala ang binata dito pero wala akong ganang itanong sa kanila.

" Oh nandito ka na pala....." Pagpasok ng binata mula sa labas. " Tapos ka na ba kumain??..."

" Kakaumpisa ko palang...." Walang gana kong sambit.

" Osige..... May isang oras pa naman bago tayo ma-late....."

Binilisan ko lang ang aking pagkain dahil nararamdaman ko ang pagmamadali ng binata. Sumakay kami sa isang sasakyan nila. Hindi na bago sakin ang bagay na ito dahil lagi akong nakakakita ng ganito kapag pumupunta si Samuel sa bahay namin dati.

Nakaupo ako sa upuan katabi ng binata na siyang nagpapaandar ng sasakyan na ito.

" Tandaan mo..... Wag na wag mo'ng gagamitin ang mga kakayahan mo bilang bampira o shapeshifter sa school...." Paalala niya.

" Oo..."

" Malapit na tayo....."

Huminto kami sa lugar kung saan marami ding sasakyan na nakahinto. Nakita ko na lumabas ang binata sa sasakyan kaya sinubukan ko'ng buksan ang pintuan pero hindi ko mabuksan. Gagamitan ko na sana ng pwersa mabuti nalang binuksan ng binata ang pintuan mula sa labas.

" Wag ka'ng lalayo sakin at baka maligaw ka dito..." Tama siya. Napakalaki ng lugar na ito at hindi imposibleng maligaw ako rito. " Kuhain mo ang ID mo diyan sa bulsa ng bag mo...."

" Anong ID??...."

" Eto oh...." Hinawakan niya ang bagay na nakasakbit sa leeg niya.

Binuksan ko ang bulsa ng bag ko at kinuha nga ang "ID" at sinuot ko ito. Papasok na sana kami sa isang gate ng may humawak sa balikat ko.

" ID..." Sabi ng isang lalaki sa tabi ko. "Ipakita mo ang ID mo..." pinakita ko ang "ID" ko at pinapasok na ako nito.

" Pagpasensyahan mo na yon...... Yun ang guard..... Siya ang nagbabantay sa mga papasok dito...." Tango lamang ang isinagot ko sa kaniya.

Nakita ko ang mga kabataang naglalakad. Malamang sila ang mga normal na estudyante na sinasabi ng binata.

" Mayroon pa naman tayo'ng kalahating oras bago ma-late kaya ililibot muna kita dito....."

Naglakad lakad kami sa buong eskwelahan. Pinakita niya sakin ang "library" kung saan pwede magbasa ng mga libro. Ang "canteen" kung saan makakabili ng pagkain, tinuruan niya rin ako kung paano bumili ng pagkain dito. Pinakita niya rin ang "gym", "laboratory", "dean's office", at ang "oval".

The VamppsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon