GODRIC'S POV
~~~~~~~~~~~~~~~~ KINABUKASAN ~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising ako sa mga huni ng ibon mula sa nakabukas na binatana nito'ng kwarto. Mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon kaysa nung nakaraang nagising ako. Kaya ko ng tumayo at maglakad. Medyo nahirapan pa ako nung una sa paglalakad pero hindi nagtagal ay bumalik na sa dati ang paglalakad ko.
Biglang pumasok si Samuel sa kwarto ko, tila nagulat pa siya ng makitang gising at nakakapaglakad na ako. " Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbawi ng lakas mo..... Ang inaasahan ko ,sa isang buwan pa bago ka tuluyan makabawi...." Lumapit siya sa'kin at sinalat ang aking leeg. " Bumalik na sa dati ang lamig ng temperatura mo.... Sa tingin ko kakayanin mo ng kuhanan ng dugo..... Hindi ko magawang kuhanan ka ng dugo noong mga nakaraang buwan dahil maaari mo'ng ikamatay yon....."
Isinama niya ako sa isang kwarto, sa tingin ko ito yung lugar kung saan niya ginagawa ang mga pag -aaral niya. Pinaupo niya ako sa silya. May itinusok siya sa braso ko. Naalala ko yung gabi na kinuhaan niya rin ng dugo si papa pero may napansin ako'ng kakaiba. " Bakit napakarami ng dugo ang kinuha mo kay papa nung gabi bago mangyari ang lahat ng 'to ???....." Pagtatanong ko.
" Gagamitin ko sana ang iba sa mga eksperimento ko.... Sa unggoy ko sana balak na itesting paghaluin ang dugo ng bampira at shapeshifter...." Pagkatapos niya ako'ng kuhanan ng dugo, binigyan niya ako ng dugo ng usa. " Alam ko'ng nauuhaw ka na kaya pagtiyagaan mo na yang dugo ng usa.... Maghintay ka muna dito habang pinag aaralan ko ang dugo mo..."
Lumipas ang kalahating oras bago humarap sa'kin si Samuel. " Tuluyan ng naghalo ang dugo mo'ng bampira at dugo ng tatay mo'ng shapeshifter..."
" Ano ibig sabihin non?..." Pagtatanong ko sa kaniya.
" Hindi na kaparehas ng dugo ng bampira ang dugo pero hindi rin naman kaparehas ng isang shapeshifter..... Kung tama ang iniisip ko, magagawa mo na ang magagawa ng isang shapeshifter..." Nagulat ako sa aking narinig.
" Ibig mo'ng sabihin.... Kaya ko'ng manggaya ng anyo??...."
" Maaari...." Kinuha niya ang isang litrato mula sa kaniyang bulsa. " Ito'ng tao na ito ay isa sa mga kinahahangaang tao sa larangan ng pagkanta.... Subukan mo siyang gayahin....." Seryoso ba siya?? Hindi ko naman alam kung papano gagawin yon....
" Paano ko naman gagawin yon??...."
" Ewan.... Subukan mo'ng titigan at pagmasdan ang buong itsura niyan..... Baka automatic na gumana ang shapeshifter side mo..." Sagot niya.
Halatang di rin siya sigurado sa mga sinasabi niya pero sinubukan ko parin. Pinagmasdan ko ang mukha niya, mula sa nagtatalong itim at kayumanggi nitong buhok, kulay asul na mga mata, hanggang sa katatamtamang pula ng mga labi hanggang sa kulay ng balat ,lahat pinagmasdan ko. Pero wala ako'ng maramdamang kakaiba. Tumingin ako sa kaniya upang sabihin wala namang nangyayari pero nagulat ako sa gulat na gulat nitong titig sa'kin na akala mo'y nakakita ng kakaiba.
" Ang galing!!..." Ibinigay niya sakin ang salaming nasa lamesa. "Pagmasdan mo ang sarili mo..." Nagulat ako sa nakita ko sa salamin. Nagkaroon ng kulay ang buhok ko, naging asul ang mga mata ko at nagkaroon din ng kulay ang balat ko. " Hindi mo man nagaya ng tuluyan ang kaniyang itsura.... Magandang senyales naman na nagaya mo ang ilang katangian ng lalaking ito!....." Nakangiting sabi niya.
Tok~~Tok~~~Tok
"Dad nandiyan ka ba?? Nawawala sa kwarto si Godric.." Pagtawag ng binata kay Samuel mula sa labas ng kwartong ito. Binuksan ni Samuel ang pinto at kitang kita namin kung paano nagulat ang kaniyang anak nung makita niya ako.
BINABASA MO ANG
The Vampps
Teen FictionSi Christevan Godric Vampps ay apo ng isang malakas na bampira. Ngunit ang bampirang iyon ay pinatay lahat ng malalapit sa apo niya kasama ang mga magulang nito. Upang maging malakas, tinulungan siya ng isang kaibigan upang maging half vampire and h...
