CHAPTER 9 : That Guy

3 0 0
                                    

MAX BRENT'S POV

Whahahahahahahahaahhaahaha!!... Kahit kailan talaga....... NAPAKASARAP asarin si Nev WHAHAHAHAHAHAHAAHAHA palibhasa pikon whahaahahahaha....

Napahinto ako sa pagtawa ng mapansing wala na sila dito sa loob. Pinunasan ko ang mga butil ng luha sa mata ko dulot ng labis na pagtawa. Napansin ko na naiwan ni Nev ang camera niya kaya ako na ang kumuha.

Sinarado ko ng ayos ang pintuan at tsaka kinandado. Walang pumupuntang istudyante dito dahil masyado itong tago at hinarangan namin ang mga daan papunta sa likod ng grandstand.

Isinabit ko sa leeg ko ang camera at tsaka hinanap sila. Alam ko naman kung saan ang tungo nila kaya doon na ako dumiretso.

Ang C.R  na yon ay nasa kabilang building pa, medyo may kalayuan sa building namin.

Narating ko na ang tapat ng building na iyon ngunit hindi ko pa rin makita sina Nev at si Godric. Hindi ako yung tipo na mahilig maghintay kaya pinasok ko na ang building.

At dahil sa may klase pa ngayon ang ibang mga estudyante, walang katao taong dumadaan sa building na ito. Wala kaming klase ngayon dahil naka leave ang teacher namin sa General Math.

Pinuntahan ko ang ladies room at katulad ng inaasahan, naka lock iyon dahil sa nangyari. Tinignan ko ang paligid para makita kung may tao o kaya CCTV sa paligid. Walang katao tao at CCTV akong nakita kaya kinuha ko na ang alambreng pinambubukas ko sa mga lock. Ayaw na ayaw ko'ng ginagamit ito dahil mas madaling sipain at sirain na lang ang pinto.

Nabuksan ko yun at sinarado din pagpasok ko. Ang nakakainis lang, masyado ng malinis ang lugar na ito. Malamang pinalinis na nila. Wala ako'ng maramdamang kakaiba sa lugar na ito. Normal lang ang temperatura at wala'ng kakaibang amoy katulad ng sulfur. Sa ngayon, masasabi ko'ng hindi ito kagagawan ng multo at malamang normal na suicide lang ang nangyari.

Medyo may kadiliman ang lugar kaya binuksan ko ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto pero walang nangyari. Kinuha ko ang flashlight ko at itinapat sa kisame. Puro basag ang mga bumbilyang nasa taas. Walang natirang matino. Nakakapagtaka.

Pinicturan ko ang mga bumbilya dahil iyon lang sa tingin ko ang magagamit namin sa pag iimbestiga dahil malinis na ang lugar.

Lumabas na ako ng ladies room at tsaka naglakad pabalik na sa hideout namin.

Nakita ko'ng hindi na naka padlock ang pintuan kaya malamang nandito ang dalawa. Pagpasok ko, nakita ko si Nev na nagkocomputer at si Godric na nanonood lang sa kaniya.

" Ang akala ko ba, mag iimbistiga kayo??...." Pagtatanong ko.

" Yun nga ang ginagawa namin....." Walang emosyong tugon ni Nev.

" Akala ko pupuntahan natin yung ladies room...." Sagot ko. Si Godric ay nakakatitig parin sa ginagawa ni Nev.

" May sinabi ba ako??..... Alam ko'ng nalinis na yon kaya para saan pa ang pagpunta?...." Nakatutok parin siya sa computer.

" Ay pambihira!.... Saan ka ba nagpunta?!!.." Kung alam ko lang, di na sana ako nagpunta.

" Nag C.R....." Wow!.....

" Sinundan ko siya at nakita ko'ng pumasok siya sa banyo kaya nagbanyo narin ako...." Sambit ni Godric. Kaya pala hindi ko sila makita.

" Ay basta!.... Ano na ba ang nalaman niyo tungkol don sa suicide case?..." Pagtatanong ko.

" Ayon sa mga dokumento ng pulis.... Ang bangkay ni Elisse Welbour ay dalawang araw ng patay nung nakita ito ng guard..... Hawak hawak niya ang kutsilyong pinangpatay niya sa sarili niya......" Pagsasalaysay niya.

The VamppsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon