NARRATOR'S POV
Ang bibisita sa baryo nila ay masasabing professional na hunters. Di nila kagaya ang mga taga baryo na papatay lamang ng halimaw kung kinakailangan. Nililibot talaga nila ang iba't ibang lugar upang humanap at pumatay ng halimaw. Ang grupo ng mga hunters na ito ay pinamumunuan ng pamilyang Brent.
Samantala, habang nagkakasiyahan ang mga tao sa baryo, hindi mapakali si Thyro dahil sa nararamdaman niyang panganib. Ilang araw na niyang nararamdaman ang presensya ng mga bampira na lumiligid sa lugar. Alam niyang mangyayari at mangyayari din na dadating ang panahon na mahahanap sila ng kaniyang ama. Matagal na niyang pinaghahandaan ang araw na makikipaglaban siya sa kaniyang ama para sa kaniyang pamilya.
Ang hindi niya alam, pinag handaan din ng kaniyang ama ang pagsalakay sa baryo. Mas lalo pa niyang pinarami at pinalakas ang kaniyang nest dahil alam niyang pinaliligiran ng mga hunters ang pamilya ng kaniyang anak. Ilang taon din bago niya malaman kung nasan naninirahan ang kaniyang anak. Matagal na dapat nilang sinalakay ang baryo ngunit nalaman niyang may pagsasalong gaganapin at magsisipunta ang mas marami pang hunters. Mas magandang paraan para makapaghiganti sa mga hunters.
Umihip ang malakas na hangin sa baryo. Naramdaman iyon ng lahat napatigil ang lahat sa pagsasaya. Isang malaking bilang ng mga bampira ang papasok sa kanilang baryo. Naghanda ang mga hunters at kinuha lahat ng sandata nila laban sa bampira. Ang lahat ng mga bata ay inilikas nila papuntang kagubatan upang makapagtago ngunit napapaligiran na din pala ng mga bampira ang kagubatan.
Naramdaman ni Thyro ang nagbabadyang panganib kaya pinapunta niya ang kaniyang mag ina sa isang basement sa ilalim ng kubo, isang sikretong lugar na siya mismo ang gumawa. Pinaki-usapan niya ang kaibigang shapeshifter upang huwag sa sumali sa labanan at sa halip ay samahan nalang ang kaniyang mag ina. Sinabi niya na may sikretong lagusan ang naroroon sa basement at sinabing umalis na kapag tumahimik na ang lugar upang masigurado na makaalis talaga sila ng ligtas.
Nung nasigurado na niyang walang makakakita sa sikretong taguan sa ilalim ng kubo nila, lumabas na siya upang tulungan ang mga hunters. Ngunit laking gulat niya sa dami ng bampira. Nilagpasan niya ang mga bampira na iyon at hinarap ang kaniyang ama. Nakipag titigan siya sa kaniyang ama at nakita kung paano nagbago ang imosyon ng kaniyang ama. Magsasalita pa lamang siya ng bigla siyang sinugod ng kaniyang ama at sinaksak sa dibdib gamit ang kanang kamay ng kaniyang ama. Wala siyang nakita sa sobrang bilis ng kaniyang ama.
Hinugot ni Salazar ang kaniyang kanang kamay at itinapon ang puso ng kaniyang anak. Bumagsak sa sahig ang walang buhay na katawan ni Thyro.
Samantala, sobra ang kabang nararamdaman ni Penelope para sa kaniyang asawa. Alam niyang maaaring mamatay ang kaniyang asawa kapag hinarap nito ang sariling ama. Para maibsan ang kabang nadarama, niyakap niya ng mahigpit ang kaniyang anak. Maya- maya may narinig silang yabag ng tumatakbong lalaki at tunog ng sinaradong pinto. Sinilip nila sa butas ng sahig kung sino ang pumasok. Isang duguang hunter. Mabilis na binuksan ni Penelope ang lihim na pintuan upang makuha ang lalaki. Pipigilan pa sana siya ng shapeshifter ngunit huli na ang lahat ,mabuti nalang walang nangyaring masama sa kaniyang ginawa.
Masyadong malubha ang tinamong mga sugat ng hunter na tinulungan nila, ni hindi na nga nito makakayang magsalita. Hinubad ng shapeshifter ang kaniyang damit at sinira upang humaba. Itinali naman ni Penelope ang sirang damit sa sugat ng hunter upang mabawasan ang pagdurugo ng mga sugat ng hunter.
Napansin nila na tumahimik na kaya sinunod nila ang inutos ni Thyro sa kanila. Nung nakalabas sila ng lagusang ginawa ni Thyro, napansin nilang malayo na ito sa kanilang baryo. Narinig nila ang ingay ng mga bata mula sa di kalayuan. Isang nayon ang naghihintay pala pagkalabas ng lagusan. Nagpalipas sila ng ilang araw doon hanggang sa gumaling ang kasama nilang hunter.
Pagkalipas ng isang linggo, napagpasyahan nilang lisanin ang lugar upang hindi na madamay ang mga taong naroroon kung sakaling matagpuan sila ng mga bampira. Kinuwento ng hunter ang lahat lahat ng nangyari sa kaniyang mga kasama at ang nangyari sa kaniyang ama. Ang hunter pala na kasama nila ay anak ng namumuno sa mga hunter na bumisita sa kanila, isa siyang Brent.
Sinabi niya na halos lahat sa kaniyang kasamahan ay pinatay na ng mga bampira at sa tingin niya, siya na lamang ang natirang buhay. Kinuwento niya rin kung paano binawian ng buhay ni Salazar ang kaniyang anak. Hindi makapaniwala si Penelope sa kaniyang narinig. Ilang araw din siyang naging balisa at hindi makausap ng maayos kahit ng kaniyang anak. Ngunit dahil sa tulong ng hunter na si Alexander, natutunan niyang kalimutan ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan. Hindi nagtagal, naging mag asawa na silang dalawa.
Hindi pumayag si Alexander na maging bampira dahil gusto niyang mamatay bilang isang tao. Madalas bumabalik si Alexander sa bayan para puntahan ang kaniyang mga anak sa dati niyang asawa.
Isang araw, inutasan ni Penelope sa kaibigan niyang shapeshifter na ipasyal sa bayan ang kaniyang anak. Nagkataon din na umalis din si Alexander kaya naiwan mag isa si Penelope sa kanilang tirahan.
Pabalik na si Alexander ng marinig niyang sumigaw ng malakas ang kaniyang asawa mula sa kanilang tirahan kaya mabilisan siyang tumakbo upang malaman kung anong nangyari sa kaniyang asawa. Ngunit huli na siya dahil pagkarating niya sa pinto, humagis palabas ang kaniyang walang buhay na asawa. Tumingin siya sa loob at nakita niya ang taong pumatay sa dating asawa ng kaniyang asawa.
Walang ano ano'y sinugod siya nito at sinakal sa leeg. Tinanong siya nito kung nasaan ang kaniyang apo ngunit hindi niya sinabi. Hinayaan siyang mabuhay ni Salazar at binantaan na kung hindi niya dadalhin si Godric sa kaniya, uubusin niya ang lahat ng angkan ni Alexander. Hindi siya nakinig at sa halip ay sinugod niya ang baryo ni Salazar ng mag isa upang maipaghiganti ang kaniyang asawa. Walang kahirap hirap siyang pinatay si Salazar.
Dahil hindi dinala ni Alexander si Godric, pinapatay niya lahat ng taong kamag anak ni Alexander kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang dating asawa ngunit mayroong isang anak na lalaki ni Alexander ang nakatakas.
Samantala, pabalik na sina Godric nang makita nilang nasusunog na ang kanilang tirahan. Mabilis nilang tinahak ang pintuan nila subalit nagulat sila nang makita nila ang kaniyang ina na nakahandusay sa sahig. Mabilis siyang binuhat ng tagapag alaga niyang shapeshifter papalayo sa kanilang tirahan.
Magmula noon, tinuring na ni Godric na ama ang kasama niyang shapeshifter. Naggawa sila ng bahay si kabundukan na malayo sa lahat upang makapagtago sa lahat.
Isang araw, habang nanghuhuli sila ng hayop, nagulat sila ng makita ang isang binatang duguan sa ilalim ng puno. Dinala nila ito sa kanilang tirahan at ginamot. Mas lalo pa silang nagulat nang malamang isang Brent ang binata at anak siya ni Alexander. Sinabi nitong hinahanap niya ang mga bampirang pumatay sa kaniyang ina at para narin mahanap ang kaniyang ama. Nanirahan sa bahay nila ang binatang iyon at umalis rin pagkatapos ng isang buwan upang ipagpatuloy ang paghahanap.
≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥ AUTHOR'S NOTE ≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤
Yehey hahaha sorry kung mahaba ang prologue ko but narito na tayo. For the next page, chapter 1 na and congrats dahil nagawa mong tapusin ang history *^* IM HOPING NA SANA MAGUSTUHAN NIYO ANG KALOKOHAN KOOOOOOO!!! XDDDDD
≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥ AUTHOR'S NOTE ≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤
BINABASA MO ANG
The Vampps
Dla nastolatkówSi Christevan Godric Vampps ay apo ng isang malakas na bampira. Ngunit ang bampirang iyon ay pinatay lahat ng malalapit sa apo niya kasama ang mga magulang nito. Upang maging malakas, tinulungan siya ng isang kaibigan upang maging half vampire and h...
