GODRIC'S POV
Madali ako'ng nakatulog pagkapasok ko sa aking kwarto, siguro dahil kagagaling ko lang at kailangan pa ng katawan ko ng pahinga. Magmula nung bumalik ako sa tunay na anyo kanina ay bigla nalang ako nakaramdam ng pagod.
Nagising ulit ako sa mga huni ng mga ibon mula sa bintana ko. Ang sarap sa pakiramdam ng magising mula sa mumunting tinig ng mga ibon. Wala na ako'ng maramdamang masama sa katawan ko. Pakiramdam ko, nagbalik na sa dati ang lakas ko.
Ngunit may naramdaman ako'ng kakaibang pagkauhaw. Nauuhaw ako pero hindi dugo ang gusto ko'ng inumin. Nakakita ako sa lamesa ng isang pitsel na tubig. Ininom ko ang lahat ng tubig na laman non.
" Ginagamitan ng baso yan..." Biglang nagsalita ang binata mula sa pintuan. Paano niya nagawang pumasok ng hindi ko nararamdaman?? " Kung gusto mo'ng magpanggap na tao...... Kailangan mo'ng gamitan ng baso yan kapag iinom ka..." Ngingiti-ngiting sambit niya.
" Alam ko'ng ginagamitan ng baso yan..... Masyado lang ako'ng nauuhaw....." Walang ganang sambit ko. Inilapag ko ang lalagyanan ng tubig sa lamesa.
" Teka lang.... Diba dugo ang nagsisilbing tubig at pagkain ng bampira??..." Seryosong tanong niya. Naglakad siya at umupo sa kama ko.
" Tama ka..... Dugo lang ang iniinom namin at kinakain pero mula kahapon,... Naghahanap ang katawan ko ng iba.... " Tumayo ako at lumapit sa bintana upang makita ang mga ibon.
" Osya sya.... Maligo ka na at mag almusal na sa baba......" Habilin niya bago lumabas ng kwarto ko.
Naligo nga ako pero bahagyang nalamigan ang katawan ko sa tubig. Ngayon lang ako nakaramdam ng lamig sa aking buong buhay. Parang ngayon tuloy, hindi ko na lubusang kilala ang katawan ko.
Pagkatapos ko'ng maligo ay naghanap ako ng damit sa aparador na nasa loob ng kwarto ko. Sakto'ng-sakto ang mga damit sakin. Kakaiba na ang mga damit ng mga tao ngayon. Masyado ng makulay at mas komportable na sa katawan.
Bago ako lumabas ng kwarto ay ginaya ko muna ulit ang litratong ibinigay sakin ni Samuel. Wala ako'ng nararamdaman kapag nagpapalit ako ng itsura kaya hindi ko alam kung nagagawa ko ba. Tumingin ako sa salamin para malaman kung nagawa ko nga.
Ganito'ng-ganito rin ang naging itsura ko katulad ng kahapon. Bumaba na ako dahil parang may kung ano nanaman sa tiyan ko. Pumunta ako kung saan kumakain ang mga Brent. Nandoon ang binata at ang kaniyang ina pero wala si Samuel.
"Ooooh buti nagpalit anyo kana....... Kabilin-bilinan sakin ni Dad yan eh bago siya umalis....." Sabi ng binata.
" Bakit? Saan nagpunta si Samuel??...." Pagtatanong ko bago ako umupo sa harap niya.
" Naghahunt sila....." Napatingin ako sa kaniya. "Oh bakit parang nagulat ka? Haha.." Natatawa pero seryoso niyang sambit.
" Akala ko tumigil na sa pagiging hunter si Samuel magmula nung nagkapamilya na siya...... Ang akala ko pinag aaralan nalang niya ang mga halimaw....." Binigyan ako ng pagkain ng asawa ni Samuel.
" Hindi sa tumigil siya..... Paminsan minsan nalang siya naghahunt dahil sa amin kaya nagustuhan na niyang pag aralan at maggawa ng eksperimento sa laboratory niya....."
Wala ako'ng hilig sa pakikipagkuwentuhan kaya kumain nalang ako. Pagkatapos ay inanyayahan ako ng binata sa labas.
Sikat ang araw ngayon pero hindi ako naaapektuhan ng araw. Kung normal na bampira ako ay malamang manghina ako at bahagyang masunog ang balat.
BINABASA MO ANG
The Vampps
Roman pour AdolescentsSi Christevan Godric Vampps ay apo ng isang malakas na bampira. Ngunit ang bampirang iyon ay pinatay lahat ng malalapit sa apo niya kasama ang mga magulang nito. Upang maging malakas, tinulungan siya ng isang kaibigan upang maging half vampire and h...
