CHAPTER 2 : The Painful Decision

6 0 0
                                    

GODRIC'S POV

" Ahmm... Godric, pumasok muna kayo sa loob.... May pag uusapan lang muna kami ni Samuel...." Nagtataka ako'ng tumingin sa kaniya subalit seryoso ang kaniyang pagmumukha kaya napilitan na ako'ng sumunod sa kaniyang inuutos.

Ano kaya pag uusapan nila na di dapat naming malaman?? Binuksan ko ang pintuan namin at pumasok kaming dalawa sa loob. Nilingon ko ang binata at parang may hinahanap siya.

" Wala ba'ng ibang labasan dito??..." Pagtatanong niya sa'kin.

" Bakit mo naitanong??..." Nagtatakang pagtatanong ko.

" Ayaw mo ba'ng marinig ang pinag-uusapan nila??..." Nais ko nga na malaman kung ano ang pinag-uusapan nila at kung bakit hindi nila ito ipaparinig sa'min.

" Tara sumunod ka..." Dinala ko siya sa kusina at lumabas sa pintuan sa likod ng bahay namin.

Dahan dahan kaming naglakad papa-ikot sa aming bahay. Huminto kami sa gilid ng bahay kung saan di kami makikita at maayos na lugar upang mapakinggan ang pinag uusapan nila.

" HINDI !! Hinding- hindi ako papayag sa iminumungkahi mo, wala ka ngang kasiguraduhan na gagana ang mga pinagsasabi mo !!..." Pagalit na sambit ni papa kay Samuel. Ano ba ang pinag- uusapan nila??!!

" Pero kapag gumana ito, may kakayahan na siyang tapusin ang kaniyang lolo..." Mahinahon na sagot ni Samuel. Tapusin ang kaniyang lolo?? Ako ba ang tinutukoy niya??!!

" Eh pano kapag hindi gumana ito?!!? Isipin mo nga, papayag ba ako'ng may masamang mangyari sa aking anak- anakan?... Sagot ni papa. Ako nga!! ako nga tinutukoy nila pero ano?? ano yung tinutukoy nilang paraan na maaaring ikamatay ko??

" Hindi naman tayo sigurado na hindi gagana ito.... Maaari niya'ng makuha ang kakayahan mo!! Isipin mo... kakayahan niya bilang isang bampira at kakayahan mo bilang isang shapeshifter.... Malaki ang pag-asa na mapatay niya ni Salazar!! Ayaw mo ba 'yon!??..." Pangungumbinsi ni Samuel kay papa. Ibig niya bang sabihin....

" Alam ko naman na mas gugustuhin niya na maging malakas upang mapatay ang bampirang pumatay sa mga mahal niya sa buhay subalit maaari niyang ikamatay ang pag- inom niya ng dugo ko..... Hindi katulad ng tao ang dugo namin, hindi nga kulay pula ang dugo namin..... Kaya mas gugustuhin nalang namin na magtago kaysa harapin si Salazar ...." Bakit kailangan ko'ng inumin ang dugo ni Papa??

" Victor... Alam mo naman diba ang pinaniniwalaan na propesiya ni Salazar??... Malay mo si Godric na nga ang tinutukoy sa propesiya.... Hindi ka ba nagtataka kung bakit siya patuloy na hinahabol ni Salazar??... Propesiya?? Ano'ng propesiya??

" Ah basta, hindi parin tayo nakakasigurado na gagana ang teyorya mo... Kapag napatunayan mo ng hindi ikakapahamak ni Godric iyan at tsaka pa lamang ako papayag sa inaalok mo...." Maaari ko ba talagang matalo si Salazar kapag sinunod namin ang suhestiyon ni Samuel??...

" Ikaw ang bahala pero kukuhanan parin kita ng dugo upang mapag-aralan..." Kagaya ng sinabi ni Samuel, kinuhaan nga niya ng dugo si papa at inilagay sa isang kulay puting lalagyan. Hinawakan ako sa balikat ng binata at sinabi niyang kailangan na naming pumasok sa loob.

Pumunta kami sa aking kwarto. "Maaari ba talagang mangyari ang iniisip ng tatay mo??...." Pagtatanong ko sa binata.

"Hindi ko alam pero kung si dad ang nagsabi, malamang ay gumana iyon... Hindi siya nagsasalita kung alam naman niyang imposible mangyari at nakakasigurado ako na pinag-aralan niya 'yon..." Sang-ayon ako sa sinabi ng binata.

" Kung gayon ay tulungan mo 'kong kuhain ang dugo ni papa sa daddy mo... Kung iyon lang talaga ang paraan upang maipaghiganti ko ang aking mga magulang ay mas mabuting gawin ko na...."

  Pumayag siya sa aking sinabi at pinlano naming mabuti kung paano kukuhanin ang dugo kay Samuel. Maaari daw na inilagay ni Samuel ang "cooler" sa kanilang bagahe na naroon sa kanilang sasakyan hindi kalayuan sa bahay namin.

Nung nakita namin mula sa bintana na pumasok na sa bahay sina papa ay tsaka kami lumabas sa bintana. Mabilis naming tinahak ang sasakyan nila at kinuha ang cooler. Mabilis din kaming bumalik sa'king kuwarto ng walang nakakapansin.

Ngayon parehas kaming nakatingin sa cooler, hindi ko alam kung paano buksan ang bagay na iyan kaya ang binata ang nagbukas. Nagulat ako sa kulay ng dugo ni papa, tama sila, hindi nga kulay pula at sa halip ay kulay berde ang kulay ng dugo ni papa at hindi kaaya-aya ang kulay berde sa mga bampira.

" Sigurado ka ba sa gagawin mo?? Hindi tayo sigurado sa maaaring mangyari sayo..." Pagpapaalala ng binata. Wala na ako'ng pake sa maaaring mangyari sa'kin kung ito nalang ang tanging paraan para mawakasan ko ang buhay ni Salazar....

Sa halip na sagutin siya ay kinuha ko na ang dugo ni papa mula sa cooler at ininom ang ito. Hindi masarap ang dugo ni papa at masasabi ko'ng mas ayos nang uminom ng dugo ng hayop kaysa sa uminom ng dugo ng shapeshifter.

"Ano? Ano kamusta??...." Pagtatanong ng binata.

" Wala, wala namang kakai-...." Umhhp.... Ansakit!!.. Di ko man lang natapos ang aking sinasabi ng maramdaman ko ang matinding pananakit ng tiyan ko. "WHAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!" Hindi ko napigilang sumigaw sa sobrang sakit. Nararamdaman ko ang pag-ikot ng dugo ko mula sa ugat hanggang sa puso ko.

Lumapit sa'kin yung binata ngunit itinulak ko siya papalayo. Tinignan ko ang mga kamay at braso ko at nakita ko ang nagngangalit na ugat ko. Hindi ko mapigilang magwala dahil sa sobrang sakit. Unti- unti na'kong nahihilo at pakiramdam ko, umiikot na ang aking paningin. Naramdaman ko ang pagpasok nina papa sa kwarto ko pero tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Nakita ko pang tumakbo papalapit sakin si papa bago ako hinimatay.

Kakaiba ang pakiramdam dahil kahit natutulog ako, hindi ako tinitigilan ng sakit. Alam ko'ng natutulog ako ngunit kahit gusto ko'ng magising, hindi makaya ng katawan at utak na magising ako.

Pakiramdam ko nasa isang tubig ako na unti-unting lumulubog, habang palalim ng palalim, lalo'ng dumidilim hanggang sa wala na akong makita'ng liwanag. Lumilingon ako sa lahat ng sulok ngunit wala ako'ng makita kundi kadiliman. Hanggang sa marinig ko ang tinig ni ina.

Anak.......Anak........Godric tulungan mo ako..... Ganyan ang naririnig ko. Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang tinig ni ina ngunit hindi ko makita. Hanggang sa makita ko ang isang maliit na liwanag sa kawalan. Tinakbo ko ang direksiyon kung saan nanggagaling ang liwanag. Ang kaninang pakiramdam ko na nasa tubig ko, napalitan ng ibang pakiramdam. Pakiramdam ko, sobrang bigat ng katawan ko. Kahit pilitin ko'ng tumakbo ng mabilis, hindi ko magawa.

Unti unting lumalaki ang liwanag at naaaninag ko sina ina at ama sa loob ng liwanag na iyon. Malapit na ako'ng makarating sa liwanag ng unti-unting dumidilim ang kaninang liwanag na nakikita ko. Tuluyang nabalot ng kadiliman ang liwanag at lumabas ang tumatawang mukha ni Salazar.

Napatulala ako ng makita ko kung pano niya pinatay ang aking mga magulang. Nakapagtataka lang dahil naaalala ko ang mga bagay na hindi ko naman nakita. Pagkatapos niyang patayin ang aking mga magulang ay tumingin siya sa'kin. Nakapangingilabot ang mga tingin niya na animo'y isang kulisap lamang ako na kailangan niyang gawin. Tumakbo ako ng tumakbo ngunit patuloy pa rin ang paglapit niya sakin.

Godric..... Godric...... Sumama ka sa'kin upang masunod na ang propesiya..... Paulit ulit niyang sinasabi habang hinahabol ako.

The VamppsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon