CHAPTER 1 : The Encounter

11 0 0
                                        

GODRIC'S POV

  Mahabang panahon na'rin ang lumipas mula nung mangyari ang mga malalagim na pangyayaring naranasan namin. Sa dinarami- raming pangyayari nung bata pa ako, ngayon ko pa lamang isa isang naiintindihan ang lahat, na lahat ng nangyari ay kasalanan ng Lolo ko. Una niyang pinatay ang tatay ko tapos sinunod naman ang nanay ko at pati ang pangalawa kong tatay ,pinatay niya rin. Hindi pa siya nakuntento, pinapatay niya pa ang lahat lahat ng angkan ng pangalawang tatay ko. Si Philip, oo nga pala ,mabuti may nakaligtas sa kanila. Hmmmmm kamusta na kaya 'yon. Nagawa niya kayang mahanap ang hinahanap niya.

  Sa ngayon, nandito ako sa isang puno at pinagmamasdan ang pugad ng mga ibon. Nakakatuwang pagmasdan ang tatlong kapipisang sisiw ng ibon habang pinapakain sila ng kanilang inang ibon. Bigla kong naalala si ina. Di ko kakalimutan ang lahat lahat ng itinuro mo sakin.

  Pinagmamasdan ko parin ang mga ibon nang maramdaman at marinig ko ang mga yapak ng paa mula sa mga tuyong dahon sa di kalayuan. May kalayuan sa bahay namin ang lugar na ito kaya imposibleng anak ni Alex Brent ito.

  Magmula nung araw na natagpuan namin sa kagubatan si Samuel, anak ni Alexander, at magmula na malaman niya na ako ang anak ng napangasawa ng tatay niya, isang beses sa isang taon, dumadalaw siya dito at kinakamusta kami.

  Dahan dahan akong lumapit sa lugar kung saan ko narinig ang mga yapak upang malaman kung ano o sino ang pinagmumulan ng mga yapak. Nagulat ako ng makita ang isang binata na naglalakad at parang naliligaw. Nakasuot siya ng isang uri ng damit na isinusuot ng mga tao kapag malamig ngunit sa kaniya ay walang manggas. Itim na itim ang suot niya mula ulo hanggang paa. Base sa pagsusuri ko sa binatang ito, masasabi ko na isa siyang tao.

  Ngunit nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa lugar kung saan ako nagtatago. Inilabas niya ang isang kutsilyo mula sa kaniyang baywang at isinuot ang isang tela na sa tingin ko ,ginagamit ito ng mga tao upang ipangtakip sa mukha.

  May kakaibang tindig ang binatang ito at nagulat ako sa bilis ng binatang ito nang mabilisan siyang pumunta sa kinaroroonan ko. Hindi siya kasing bilis ng mga bampira pero mabilis na siya kung ikukumpara mo sa isang tao kaya napilitan akong umalis sa aking pinagtataguan. Nagkaharap kami at apat na dipa ang layo ko sa kaniya. Walang bahid ng takot ang kaniyang tindig habang nakatitig siya sakin at nag aabang sa susunod ko'ng gagawin.

"Sino ka at ano'ng ginagawa mo dit-..." Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi ng mabilis siyang tumakbo upang sugurin ako. Nakailag ako mula sa kutsilyong hawak niya ngunit hindi ko nakita ang kaliwang kamay niya na pasuntok na sa tiyan ko. Nasaktan ako sa tiyan mula sa suntok na galing sa kaniya. May kung anong matigas sa hand gloves na suot niya.

Muli niya akong sinugod at inatake ng inatake. Tumatama sakin ang ilang atake dahil nababawasan ang mga reflexes ko dahil sa liwanag ng araw. Maswerte nalang ako dahil nasa gubat kami at nababawasan ng mga puno ang sinag ng araw na tumatama sa'min. Base sa mga galaw niya, ginagamit niya talaga ng mahusay ang sinag ng araw laban sakin.

Bandang huli, nahuli niya rin ako at nakasakal sakin ang braso niyang may hawak na kutsilyo. "Ito lang ba ang kaya mo? Kutsilyo lang hawak ko pero natalo parin kita." Walang bahid ng pagyayabang niyang sinabi ang mga linya na yon.

  Ano ba ang mga sinasabi nito? Base sa mga sinabi niya, wala siyang balak na patayin ako dahil kung may balak siya, kanina niya pa ginawa.

" Max! Bitawan mo na siya." Pamilyar ang sakin ang boses na iyon. Binatawan ako ng binata at nakita ko si Samuel kasama ang shapeshifter na tinatawag ko nang papa. Kanina pa ba sila nanonood?? Bakit hindi ko sila naramdaman?

"Gusto pa sana makita kung ano ang gagawin niya para makawala..." Sagot ng binata na tinawag ni Samuel na Max. Hinubad nito ang ang suot niya sa mukha at humarap sakin. "Hi! Ako si Max Brent at anak ako ni Samuel Brent, kumusta?..." Nag-iba ang tono ng kaniyang pananalita, ang kaninang walang emosyon niyang pagkatao, sa isang iglap naging masiyahin siya.

  Imbes na sagutin siya, humarap ako sa lugar nina papa at binigyan sila ng nagtataka ko'ng tingin. Tumawa sila kaya lalo ako'ng nagtaka. "Bumalik na tayo sa bahay, doon ko na sasagutin lahat ng mga katanungan mo.." Sabi ni papa.

  Habang pabalik na kami papunta sa bahay, hindi ko maiwasang mag-isip. Sino ba ang binatang ito??  Ngayon ko lang napansin na magkahawig ang binata at si Samuel. Anak ba ni Samuel 'to???....

  Sa dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Sinindihan namin ni papa ang lahat ng sulo upang lumiwanag. Napagdesisyunan namin na sa labas nalang kami magkuwentuhan. Malapit ng dumilim kaya naggawa na si Samuel ng apoy. Ngayon, lahat kami ay nakapalibot sa apoy.

"Godric..."  pagtawag sakin ni Samuel kaya napatingin ako sa kaniya. "Ito'ng kasama ko ay si Max, anak ko"  Tama ang hinala ko. "Pagpasensyahan mo na ang hindi magandang pagbungad niya sa'yo kanina, pero kasama sa pagsasanay niya ang paglaban sa'yo...." Pagsasanay?? Kung gayon, pasado siya -_-

" Magaling ang anak mo Sam, nagawa niya akong talunin..." Pamumuri ko sa anak niya. " Alam niya kung papaano gagamitin ang kahinaan ng kalaban upang manalo siya, mahusay mo siyang naturuan..."

" Hindi siya huhusay ng ganyan kung ako ang magtuturo sa kaniya..." Natatawa niyang sabi. Hindi siya ang nagturo?? "Ang totoo niyan, ayaw ko nga sana na sumunod siya sa aking yapak kaya itinago ko sa kaniya ang pagiging hunter ko subalit nalaman niya rin..." Kung sino man ang nagturo sa binatang ito ,malamang isang mahusay na hunter iyon




The VamppsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon