GODRIC'S POV
Idinilat ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang aking sarili. Masakit ang buong katawan ko at ang tanging naigagalaw ko lang ay ang aking braso. Teka... Nasaan ako??.... hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko naigagalaw masyado ang aking ulo kaya hindi ko malaman kung nasaan ako.
"Buti naman at nagising ka na.... kumusta pakiramdam mo??...." Dahan dahan ko'ng inilingon ang aking ulo sa aking gilid at nakita ko ang binata.
"N-nasaan ako??....." Medyo paos ko'ng sambit.
"Nandito ka sa bahay namin.... Grabe, akala ko hindi ka na magigising..... Halos kalahating taon ka 'ring tulog... Ano kamusta?..." Ibig-sabihin... napakahabang panahon ko 'ring tulog....
"Bakit nandito ako??.... Nasaan si papa??...." Pagtatanong ko.
" Teka! teka! lang aba... Sagutin mo muna tanong ko bago ko sagutin mga tanong mo.... Ano? Kamusta pakiramdam mo??.... Sagot niya.
" Masakit ang buong katawan ko at medyo nahihilo..... si papa nasaan?!!?..." Hindi talaga ako mapalagay. Tumayo siya at pumunta sa isang lamesa upang magsalin ng kung ano sa baso niya at ininom.
" Normal lang ang nararamdaman mo.... Alam mo ba'ng napaka-init ng katawan mo ngayon?..." Sagot niya.
" SI PAPA NASAAN SABI !!..." Pasigaw ko'ng sinabi sa kaniya.
" Hindi ko alam... Hindi namin alam kung nakaligtas siya...." Mahina niyang sagot.
" ANO!?? Nakaligtas mula saan?!!!?..." Hindi ko talaga alam kung ano ang kaniyang sinasabi.
" Mula sa lolo mo..." Ano?!!!........ "May nangyari noong gabi'ng ininom mo ang dugo ng papa mo...."
******** FLASHBACK *********
MAX BRENT'S POV
"WHAAAAAAAAAAAAA !!!!!....." Malakas na sigaw ni Godric.
Hindi ko alam ang aking gagawin nang makita ko ang paghihirap ni Godric. Lumalabas ang mga ugat niya sa buong katawan. Sinubukan ko siyang lapitan subalit itinulak niya ako papalayo. Pagewang-gewang na siya at isang tulak nalang ay tutumba na siya.
" ANONG NANGYAYARI DITO!??...." Pasigaw na tanong ni Victor. Madalian siyang pumunta kay Godric na ngayon ay nakahalandusay na sahig. Nakita ni Victor ang pinaglagyan ng dugo niya sa sahig na halos wala ng laman. " Nakinig ba kayo sa usapan namin kanina?!?..." Pagbaling niya sa'kin. Hindi ko magawang sumagot at sa halip ay tumingin ako kay dad. Seryoso niyang pinagmamasdan ang kalagayan ni Godric.
Binuhat ni Victor si Godric at inilagay sa kama nito. Lumapit si Dad kay Godric at tinignan kung buhay pa ito. "Buhay pa siya..." Sabi niya kay Victor. "Ngunit kailangan na natin siyang dalhin sa laboratory ko upang mapag aralan... Kung hindi, mamamatay siya....."
" Gawin mo ang gusto mo..." Pagkasabi niya 'non ay lumabas siya ng kwarto.
Binuhat ni Dad si Godric, ako naman ang nanguna upang ihanda ang sasakyan. Hindi pa ako nakakalabas ng bahay nang makaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko may ibang tao ang naririto. Hinanap ng mata ko si Victor ngunit hindi ko siya makita. Sa tingin ko naramdaman ni Dad ang naramdaman ko dahil napahinto siya sa pagbaba ng hagdan. Sinenyasan ko siya na bubuksan ko ang pinto. Isinuot ko ang face mask ko at dahan dahang binuksan ang pinto. Nagulat ako sa nakita ko. Napakaraming bampira ang nasa labas at pinalilibutan nila si Victor at si...... Salazar !??
Nagsitinginan sila sa'kin at sa isang senyas ni Salazar ay nagsisugod na sila papunta sa direksiyon ko. Sinarado ko ang pinto at sinigawan si Dad na dumaan sa likod. Nakalabas kami sa likod ngunit isa isa ng lumilitaw ang mga bampira. Inilabas ko ang aking kutsilyo at pinrotektahan ko sina dad sa mga sumusugod na bampira. Maswerte kami dahil malapit lang ang pick up namin. Nakasakay na sila Dad at ini-start na niya ang makina ng sasakyan. Sumakay ako sa likod para sa mga bampirang humahabol sa'min. Mabilis na pinaandar ni Dad ang sasakyan habang ako naman ay kinuha ang shotgun na nakalagay sa likod ng sasakyan. Hindi ko man napapatay ang mga bampira, naitataboy ko naman sila.
Habang papalayo na kami si lugar, tumingin ako sa bahay nina Godric upang makita si Victor ngunit nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko man makita ng maayos dahil palayo na kami ng palayo sa bahay, nakasisigurado naman ako na dalawang Salazar ang nakikita ko. Ibig-sabihin, isa sa dalawang Salazar na yan ay si Victor. Parehas lang sila na nakatayo at parang nag uusap hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo sa lugar.
Binabaril ko lahat ng sumusunod sa amin hanggang sa mawala na silang lahat. Nakapagtataka... bakit biglaan nalang silang tumigil sa paghabol sa'min.
******** END OF FLASHBACK *********
GODRIC'S POV
" Ibig mo'ng sabihin.... patay na si papa ??..... " Mahinang sambit ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
" Malaki ang tyansang patay na siya..." Mahina niya 'ring sagot. Bumagsak ang balikat ko sa aking narinig. "Pero malay mo.... Baka nakaligtas siya..... Baka gumana ang paggaya niya kay Salazar...." Gusto ko mang maniwala sa mga sinasabi niya pero napaka imposible nun mangyari. Napakalakas ni Salazar at imposibleng makatakas si papa sa mga kamay niya.
Tatayo sana ako kaso hindi ko magawa. Napapikit nalang ako sa sobrang galit na nadarama ko. Pati ba naman si papa??!!? Lahat ng mahal ko sa buhay, binawian niya ng buhay. Pinapangako ko sa'yo......Ako ang bampirang kikitil ng buhay mo.....
" Kung gusto mo siyang gantihan...... Kinakailangan mo munang magpagaling at palakasin ang taglay mo'ng kakayahan bago mo magawa ang pinaplano mo...." Biglang nagsalita si Samuel mula sa pintuan.
" Gumana ba ang iniisip mo'ng magiging alas ko upang matalo si Salazar??....." Pagtatanong ko sa kaniya.
" Malalaman pa lamang natin kapag tuluyan ka ng gumaling at kapag makakaya mo ng tumayo..." Sambit niya. " Sa ngayon... pagpahingahin mo muna ang katawan mo...... Sa tingin ko, aabutin ka pa ng isang buwan diyan sa higaan...." Hindi na ako sumagot at sa halip ay natulog na lang ako.
MAX BRENT'S POV
Lumabas na kami ng kwarto nang makita na naming natutulog na si Godric. Mabuti naman nagising na siya pagkatapos ng limang buwan. Buong akala ko talaga hindi na niya kakayanin pa'ng gumising. Nakita ko si Dad na pababa na ng hagdan. Malamang bumalik na naman siya sa kaniyang laboratory.
Inilabas ko ang aking cellphone at nagulat ako sa daming missed calls ko sa kaibigan ko. Idinial ko ang number niya.
kriiiinggggggggg************ kriiiinggggggggg************ kriiiinggggggggg
" Sa wakas naman tumawag ka na...... Ano?? Kamusta na yang bampira sa inyo??..." Pagtatanong niya.
" Pasensya naman..... Eto sa wakas gumising na siya..."
" Hay sa wakas... Naghanap talaga ako sa net pero wala akong nakitang pinaghalong bampira at shapeshifter.... Sa tingin mo gagana kaya yung iniisip ng Dad mo??...."
" Ewan.....Teka ikaw yung matalino sa ating dalawa..... kung hindi mo alam malamang hindi ko rin alam..."
" Osige bahala ka..... Basta pumasok ka na bukas..... Kakaumpisa lang ng school year may absent ka na...."
" Ok sige.... papasok nako bukas.... ge bye....."
" Ge ..."
************ END CALL***************
BINABASA MO ANG
The Vampps
Teen FictionSi Christevan Godric Vampps ay apo ng isang malakas na bampira. Ngunit ang bampirang iyon ay pinatay lahat ng malalapit sa apo niya kasama ang mga magulang nito. Upang maging malakas, tinulungan siya ng isang kaibigan upang maging half vampire and h...