MAX BRENT'S POV
Nasa hapag kainan pa rin kami at patuloy ang pagkukwento ni Mom kay Godric kung paano niya niluto ang mga ulam namin ngayon dahil halata kay Godric na nagugustuhan niya iyon.
Ikaw kaya ang hindi kumain sa buong buhay mo, malamang masarapan ka sa kung anumang ihahain sa iyo diba? XD
Pero wala ako'ng oras sa mga ganyan-ganyan ngayon dahil busy ang utak ko kung papaano ko mapapapayag si Dad na pag-aralin si Godric. Alam ko'ng hindi papayag si Dad dahil baka malagay lang sa panganib si Godric kapag nakipag salamuha siya sa mga tao.
Ano ba!!???.... Mag isip ka.... Mag isip ka!!!.... Kailangan ko talaga maipasok sa eskuwelahan namin si Godric kung nais kung magtagumpay ang aking plano.
" Max??... Bakit ang tahimik mo??...." Napalingon ako kay Dad nung bigla niya ako'ng tanungin.
" Ah hahaha.... Ala Dad may iniisip lang...." Kabadong sagot ko kay Dad.
Hayyyysstt.... Itanong mo na..... Itanong mo na!!!..... Kahit gusto ko nang magsalita, hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig ko. Ayaw ko'ng mapahiya at ayaw ko ding malaman niya ang binabalak ko. Matalino si Dad kayaaaaaa Pano ko uumpisahan???? Ah.... Basta......
" Ah—...." Magsasalita na sana ako kaso biglang nagsalita si Dad.
" Godric .... Gusto mo ba'ng makisalamuha sa mga tao ??...." Nagulat ako at alam ko'ng nagulat din silang lahat sa tinanong ni Dad.
" Bakit mo naitanong??...." Walang emosyong tanong ni Godric.
" Sa palagay ko.... Mas mahihirapan si Salazar na hanapin ka kung magpapanggap kang isang tao habang hindi pa sapat ang kakayahang taglay mo upang talunin siya....." Pagpapaliwanag ni Dad.
" Pero Hon,.... hindi pa natin lubos na nalalaman kung may limitation ang paggaya niya sa tao.... Paano kung bigla na lang bumalik ang itsura niya sa dati habang nasa publiko siya ha??....." May punto si Mom.
" Hindi naman natin siya hahayaang lumabas hangga't hindi pa natin sigurado ang kakayahang taglay niya...." Sagot ni Dad.
" Pero Dad.... kapag ba napatunayan na kaya niyang kontrolin kung gaano katagal niya gustong maging tao,...... Pwede ba'ng ipasok ko siya sa university namin??... " Mabuti naman nasabi ko ng maayos.
" Maganda ang iniisip mo kung nais talaga natin siya'ng makisalamuha sa mga tao......... Pero paano mo siya maipapasok sa eskuwelahan mo kung wala naman siyang dokumentong pantao??...." Seryosong tanong ni Dad.
" Ah tungkol sa bagay na yan..... May kilala ako na makakagawa niyan...." Pagmamalaki ko sa Dad ko.
" Oh ano Godric??.... Sang-ayon ka ba sa iniisip namin??....." Pagbaling ni Dad kay Godric.
" Sige papayag ako... " Wala pa ring emosyong tugon ni Godric. Pinagpatuloy na namin ang pagkain pagkatapos ay pinasunod kami ni Dad sa kaniyang lab. Susubukan naming painumin ng dugo ng hayop si Godric at titignan kung may mangyayari. Napansin ko lang na hindi pa siya nanghihingi ng dugo magmula kanina, epekto ba iyon ng dugo ng shapeshifter??
Sa tingin ko, kakayanin na niyang hindi uminom ng dugo kapag nagpapalit siya ng anyo. Hindi naman siya nanghina at nakakaya na niya ring kumain ng normal na pagkain ng tao. Malamang ay nakuha niya lang ang ilang kakayahan ng isang shapeshifter dahil sinalin lamang ang dugo sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Vampps
Novela JuvenilSi Christevan Godric Vampps ay apo ng isang malakas na bampira. Ngunit ang bampirang iyon ay pinatay lahat ng malalapit sa apo niya kasama ang mga magulang nito. Upang maging malakas, tinulungan siya ng isang kaibigan upang maging half vampire and h...