NARRATOR'S POV
Isa ang mga bampira sa mga nagtago at palihim na umaatake sa mga tao upang hindi mapansin ng mga hunters. Kumaunti ang bilang ng mga bampira nung nag umpisa na silang hunting-in ng mga tao kaya kinailangan nilang magtago.
Isa ang nest ( nest ang tawag sa grupo ng mga bampira, kadalasan walo hanggang sampung miyembro ang bumubuo sa isang nest) ng "Vampps" sa nagtago sa pamumuno ni Lucius Morfin Vampps. Si Lucius ay isa sa mga unang nalahian ng Alpha Vampire, ibigsabihin isa sya sa pinaka malakas na uri ng bampira na tinuruan ng Alpha Vampire.
Ngunit nagawa siyang patayin ng isang hunter nung inililikas nya ang kaniyang nest. Dahil napatay ang nest leader, pinalitan siya ng kaniyang pinakamamahal na anak na si Morfius Salazar Vampps. Si Salazar ay isang "pure blood" vampire, ibig sabihin hindi sya nakagat o nalahian lang ng isang bampira, genetic ang pagiging bampira nya dahil sa kanyang mga magulang.
Higit na mas mahigpit si Salazar kaysa sa kaniyang ama. Naituro din sa kaniya ang lahat ng kaalaman ng kaniyang ama sa pakikipaglaban at sa pamumuno. Malaki ang galit ni Salazar sa mga Hunters dahil sa ginawa nito sa kaniyang ama't ina.
Dinala nya ang kaniyang nest sa isang baryo malayo sa bayan upang hindi masundan ng mga hunters. Pinatay nila ang kalahati ng mga tao sa barrio upang maibsan ang kanilang uhaw. At ang kalahati naman ay ginawa nyang bampira. Sinakop nila ang buong baryo upang maging tirahan nila.
Sa paniniwala ni Salazar, kapag mas marami siyang miyembro, mas malakas sila. Nagkaroon sya ng isang anak na lalaki sa isa sa mga babaeng ka-miyembro niya. Ayaw nya na magkaroon ng asawa dahil sa tingin nya ,pabigat lamang ito. Itinuro nya sa anak nya ang lahat lahat ng itinuro sa kaniya ng kaniyang ama. Laki ang tuwa niya dahil mabilis natututo ang kaniyang anak.
Hanggang sa umabot na sa wastong gulang ang anak niya. Kailangan ng mapatunayan ng kaniyang anak na karapat dapat siyang maging susunod na leader ng kanilang malaking nest. Pinadala niya ang kaniyang anak kasama ang iba pang kaidaran ng kaniyang anak sa isang misyon. Kailangan nilang masakop ang maliit na baryo dun sa tabi ng bundok.
Ang bilang nila ay pitong bampira kaya nagdadalawang isip si Thyro Vampps sa maaaring mangyari sa kanila. Di nya alam kung bakit siya kinakabahan dahil itinuro naman sa kaniya ng kaniyang ama ang lahat ng dapat niyang gawin.
Nag usap usap sila at napagdesisyunang kailangan may magpanggap na tao sa kanila at tignan kung gaano karaming tao naroroon o kung may makakapansing bampira sila. Napagdesisyunan di'ng si Thyro ang magpapanggap na tao. Kahit sa kaloob-looban ni Thyro ay ayaw niyang mauna dahil baka may kung ano'ng pumatay sa kaniya sa baryo na'yon pero kailangan nyang gawin upang hindi mapahiya sa kaniyang ama.
Binigyan siya ng isang gabi ng kaniyang mga kasama upang mapag aralan ang buong lugar at kailangan nyang bumalik bago mag umaga. Pumasok si Thyro sa baryo at nagpanggap siya'ng isang manlalakbay na napadaan lamang. Di nya inaasahan na kakaunti lang pala ang taong naninirahan sa lugar na'yon. Nasa lima hanggang pitong pamilya lamang ang naninirahan doon.
Sinalubong siya ng isang babae na nagngangalang Penelope Evans at tinanong siya kung ano'ng pakay niya sa baryo nila. Sinabi ni Thyro na Isa syang dayo na naligaw lamang ng daan papuntang bayan. Naniwala naman ang babae kaya pinatuloy nya ito sa kanilang baryo at pinakilala sa kanya lahat ng naninirahan doon.
Sinabi ni Thyro na mapanganib na para sa kanya na maglakbay kapag gabi kaya tinanong nya ang mga matatandang taga roon kung maaari siyang mag-stay kahit isang gabi man lang. Pumayag naman ang matatanda kaya pinakita nila ang kanilang tradisyon sa kanilang bisita. Halatang nasisiyahan si Thyro kasama ang mga taong ito lalong lalo na sa babaeng si Penelope.
Ngunit naramdaman nya ang tingin ng isang tao mula sa isang kubo. Kakaiba ang pakiramdam nya kaya nilapitan nya ang kubo ngunit di nya inaasahan na lalabas ang isang lalaki at tinatawag siya nito gamit ang kamay. Sumunod sya dito at dinala siya nito sa mapunong lugar di masyadong kalayuan sa baryo.
Nagulat siya ng biglang dinakma ng lalaki ang kaniyang leeg at isinandal sa isang puno, sadyang napakabilis ng lalaking ito kumpara sa normal na tao. Tinanong siya nito kung anong nais nya sa lugar nila. Hindi sya nakasagot kaya lalo pang hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kaniyang leeg. Inamin nyang isa syang bampira pero sinabi nyang wala siyang balak na masama.
Binitiwan sya ng lalaki at inamin ng lalaki na isa siyang shapeshifter na nagtatago lang din sa baryo na ito. Pero muli nyang sinakal ang leeg ni Thyro at binantaan nya na kung may isa man lang sa tao dito sa baryo ang mamatay dahil sa kanya, hindi siya magdadalawang isip na patayin siya.
Bumalik sila sa baryo at itinuloy ang kasiyahan. Nakalimutan ni Thyro ang dapat niyang gawin dahil sa sayang nadarama kasama ang babaeng si Penelope. Nakatulog siya. Kinabukasan nya pa lamang naalala ang misyon nya, pero ayaw nyang patayin ang mga naninirahan sa baryo kaya i kinuwento nya ang lahat lahat sa mga matatandang naninirahan doon. Handa siya sa kung anmang maging resulta ng kaniyang ginawa bastat mailigtas lamang ang mga taong ito sa kapahamakan
Pero nagulat siya nung sinabi ng mga matatanda na alam nilang bampira siya, at sinabing hunters sila pero sila daw ang mga hunters na hindi nagha-hunt pero marunong lumaban. Ninais nilang malaman ang ugali ng isang halimaw bago nila hatulan kaya hindi nila pinatay si Thyro. Sinabi din nilang alam nila na may iba pang bampira na nandoon sa gubat.
Pinili ni Thyro na tulungan ang mga tao roon kesa sa kauri niya bampira. Dumating ang gabi at naghahanda na sila para sa pag atake ng mga bampira. Naisip nila na itago nalang si Thyro kaysa sa tulungan silang patayin ang mga kauri niya.
Pinagnatago siya sa isang basement ng isang kubo at sinamahan siya ni Penelope dahil sa utos ng matatanda. Hindi sila nagsasalita o gumagawa ng ingay at pinakikinggan lamang kung tapos na ang pakikipag laban ng mga tao laban sa kauri niya. Lumabas sila nung tumahimik na ang paligid. Nakangiti ang matatanda nung makitang lumabas sila. Ngunit nagtaka siya nung makita na limang bangkay lamang ng bampira ang nandoon.
Mas lalong nagulat siya nung sumigaw si Penelope at nakitang may bampira na pasugod sa babae. Mabilis na kinuha ni Thyro ang matulis na kahoy sa lapag at sinaksak ang kapwa niya bampira. Magsasalita pa sana ang bampira ngunit binaril na siya ng lalaking nakausap ni Thyro kagabi.
Pagkatapos ng nangyari, hindi na bumalik si Thyro sa kaniyang ama at sa halip ay nanirahan nalang siya kasama ang mga taga baryo at ang babaeng si Penelope. Binalaan niya ang mga taga baryo na malaki ang posibilidad na sumugod ang kaniyang ama dito sa baryo kaya pinili ng matatanda na lumipat ng tirahan, malayo sa lugar na iyon.
Ikinasal sina Thyro at Penelope base sa tradisyon ng kanilang baryo ngunit ilang linggo bago sila ikasal ay ginawa ng bampira ni Thyro si Penelope. Nagsama sila ng tahimik at nagkaroon ng isang anak na pinangalanan na Christevan Godric Vampps. Hindi sila umiinom ng dugo ng tao at sa halip ay dugo ng hayop ang kanilang iniinom. Hindi ganon kasarap katulad ng sa tao pero kakayanin nilang mabuhay gamit ang dugo ng hayop.
Itinuro ni Penelope ang kaugalian ng mga tao at ang kahalagahan ng buhay sa kaniyang anak. Samantalang si Thyro naman ay tinuruan ang kaniyang sa pakikipaglaban para sa sitwasyong hindi maiiwasan.
Nagkaroon ng malaking pagsasalo ang mga taga baryo dahil sa pagdating ng iba nilang kamag anak at mga kaibigan ng mga ito. Pinamumunuan na ng bagong henerasyon ang kanilang baryo dahil namatay na lahat ang dating matatanda na namumuno sa kanila. Alam ng mga bibisita sa kanila na mayroong pamilya ng bampira na naninirahan doon at alam din nilang hindi ito pumapatay ng tao.
≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥ AUTHOR'S NOTE ≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤
Hey haha wag sana kayong mainip sa pagbasa ng history ng pamilya Vampps, mahalaga kasing maikuwento na ang nakaraan nila sa una palang para hindi magflashback flashback pa kapag nasa main story na tayo. Don't worry, malapit na tayo sa main story ^-^
≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥≥ AUTHOR'S NOTE ≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤≤

BINABASA MO ANG
The Vampps
Teen FictionSi Christevan Godric Vampps ay apo ng isang malakas na bampira. Ngunit ang bampirang iyon ay pinatay lahat ng malalapit sa apo niya kasama ang mga magulang nito. Upang maging malakas, tinulungan siya ng isang kaibigan upang maging half vampire and h...