CHAPTER :10

6 0 0
                                    

GODRIC'S POV

  Pagkatapos naming kumain, napagdesisyunan na naming bumalik sa silid kung saan tinuturo ang mga bagay-bagay na hindi ko maintindihan.

  Lumabas kami sa silid kung saan kami kumain, marami pa rin ang mga estudyanteng kumakain pero hindi na kasing-rami ng kanina.

  Nauuna sa'kin sa paglalakad ang dalawa ko'ng kasama na walang sawa sa pagbabangayan tungkol sa pagbili ng pagkain namin kanina, samantalang ako ay nasa isang dipa ang layo sa likuran nila.

  Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan kami ng mga babae sa tuwing napapadaan kami sa harap nila, napansin ko na ito magmula ng pagpadating namin ni Max sa paaralang ito.

  Laging may kasamang ngiti ang mga titig ng mga babaeng ito kaya matitiyak ko'ng walang silang balak sa amin.

  Nakita ko ang magkaibigang babae na tila nagtutulakan sa tabi ng puno kung saan kami mapapadaan mamaya maya. Tila bulateng naasinan ang galawan ng isa habang ang kasama niya ay pinipigilan siya. Parang may sinasabi ang pumipigil na babae kaya pinagana ko ang talas ng aking pandinig.

  Kaya kong marinig ang mga tunog kahit nasa malayo pa itong lugar kung nanaisin ko.

" Uy! Ano ba, umayos ka nga! " Base sa pagkakasabi niya, mukhang siya palang nakikita ko'ng matino tinong babae magmula nung lumabas kami sa silid kainan.

" Di mo ba nakikita????? May mga anghel na papalapit sakin!!! Yieeeeee!!!! " Grabe, ang sakit sa tainga ng boses niya.

" Tumigil ka nga!.. para kang baliw!... Porket cute lang si Bebe Nev ko,,, gaganyan ka na..." Mukhang nagkamali ako sa aking akala sapagkat kasabay ng pagsambit ng huling linya niya ang pagdungaw ng kaniyang ngiti.

" Kita mo nga 'tong babaeng 'to... Osige sa'yo na si Bebe Nev mo... Basta't akin si Max!!! Yieeeee!!!"

" Uy tignan mo oh.... May kasama silang isa pang cute sa likod.... At parang..... Nakatingin siya sa.... Akin..?? " Napaiwas ako ng tingin.

" Ambisyosang 'to... Pero infairness cute siya..." At tinigil ko na ang pakikinig.

  Habang naglalakad kami ,tumitingin-tingin ako sa paligid upang makita ang mga ginagawa ng ibang mga istudyante.

  Paglingon ko sa kaliwa ko, may isang babaeng estudyanteng nakaupo sa ilalim ng poste ng ilaw. Nakayuko siya sa kaniyang mga tuhod habang umiiyak, nakakalat din ang mga gamit niya at medyo magulo ang buhok niya.

  Pinagtitinginan siya ng mga kapwa estudyante niya sa tuwing napapadaan ang mga ito sa daang iyon pero wala man lang ni-isang lumapit sa kaniya.

  Magtatanong sana ako sa mga binatang kasama ko pero may kalayuan na sila sa akin kaya nagmadali na'kong naglakad papalapit sa kanila upang hindi ako mawala.

  Sa tingin ko hindi nila napansin ang estudyanteng iyon kaya hindi ko na sila tinanong.

Mabilis lumipas ang oras, sa tingin ko ganitong oras umuuwi ang mga estudyante. Sinabihan ako ni Max na maghintay muna dito sa isang mukhang parke na lugar sa loob parin ng eskuwelahan dahil mag pupunta daw siya sa isang m-meet.. meeting ,yun yata ang sabi niya kanina.

Kanina kasama ko pa si Nev dito'ng naghihintay, nagbabasa lang siya ng libro. Pero umalis din siya, sabi niya kukuha daw siya ng libro doon sa pook aklatan.

Mag-iisang oras na magmula nung umalis si Max at magkakalahating oras na nung umalis si Nev.

Nagmasid masid muna ako habang nakaupo sa isang batong upuan na may disenyo ng kahoy, may malaking puno din sa likuran ko.

Nakita ko ang mga iilan ilan pang mga estudyanteng naglalakad papunta sa labasan. May mga iilan ilan ding naglalakad lakad na tila mo'y nasa parke sila.
 

Sinubukan ko'ng patalasin ang pandinig ko upang malaman kung may nagbago ba mula nung nagkaroon ako ng dugo ng isang shapeshifter. Umaabot pa sa 100 metro ang layo ng aking naririnig, malayo pa kung tutuusin pero malaki ang ibinawas neto kumpara sa dating ako.

Maya-maya ,may naramdaman ako'ng dalawang papalapit sa puwesto ko, sabay huminto. Nararamdaman ko'ng umupo ang isa sa batong upuan sa kabilang bahagi ng puno na nasa likuran ko, habang ang isa naman ay nakatayo.

  Pinatalas ko ulit ang pandinig ko upang makinig sa pinag uusapan nila.

" Oo na hihintayin kita dito, basta't bilisan mo lang upang maka uwi na'ko..." Sabi ng nakaupo. Base sa boses niya, isa siyang babae.

" Sige ate.." Sagot naman ng nakatayo. Sa tingin ko, mas bata ito kaysa sa naka upo at isa siyang lalaki.

Naramdaman ko ang paglayo ng batang lalaki. Wala naman ako'ng maramdaman na ginagawa ang babae.

Sa totoo lang, ang sarap sa tainga ng boses ng babaeng ito kumpara sa mga babaeng nakasalamuha ko kanina. Medyo mahinhin na may angas na masarap pakinggan.

" Ahm excuse me?..." Nagulat ako ng magsalita ang babaeng naka upo lang kanina doon sa kabilang bahagi at ngayo'y nasa gilid ko na. Nakakapagtaka... Bakit di ko man lang siya naramdaman?..

" Maluwag ang daanan..." Sagot ko.

" H-ha??..." Sagot niya.

" Hindi ba't nanghihingi ka ng pahintulot na dumaan?..." Base sa pagsusuri ko sa buong araw na nandito ako, ang salitang "excuse me" ay ginagamit sa paghingi ng pahintulot upang makadaan.

" I mean... Ugh, debale ... Alam mo ba kung ano'ng oras na???" Tanong niya.

" Pasensya... Wala ako'ng orasan na dala..." Sagot ko.

" Ayganon ba?? Sige sige salamat nalang..." Sabi niya.

Tumingin siya sa malayo na para ba'ng may iniisip, ngayon ko pa lamang napagmasdan ang kaniyang itsura, disente siyang tignan kahit na may sumbrelong baliktad ang suot.

Napansin ko lang, bakit ang iikli ng mga suot na pang-ibaba ang mga babae ngayon? Ibang iba sa mga babae dati.

Bumalik na ang babae sa kina uupuan niya kanina.

Di nagtagal, nakita ko na sina Nev at Max na papalapit na dito. Hindi ko na kailangang itanong pa kay Nev kung bakit siya natagalan dahil sa mga dala netong mga libro.



 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The VamppsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon