Chapter 20: Breaking the Wall

34 1 0
                                    

Kiera



After kong makababa mula sa rooftop ng old main building, naabutan ko si Sine na nakatayo sa tabi ng drinking fountain.

"Sinundan mo ulit ako para makipag-usap. Tama ba ako?"

Since pareho kaming wala sa headquarters o sa club room, hindi na ako nagtaka kung bakit mas lalong naging malamig ang pakikitungo sa akin ni Sine.

Hindi ako natatakot sa pwede niyang gawin sa akin. Kung ipahiya man niya ako gaya ng ginagawa niya sa lahat ng transferees, hindi nito kayang takutin ang isang tulad ko.

"Stop accussing me for being guilty on how you lost M.A. Mahirap bang paniwalaan ang mga sinabi ko noon? Mukha ba akong nagsisinungaling na wala akong natatandaang nakausap ko si M.A. dito sa Z.U.?"

Dahil hindi ko na kinaya ang dinadala kong sama ng loob, kusang umagos ang mga luha na kanina pang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

Madali kong pinunasan ang nabasa kong mukha dahil ayokong magpakita kay Sine na mahina ako.

I could fight against him if he keeps pushing me to swallow his false accussations.

I could break the wall separating us because of this stupid misunderstandings.

Hindi ko na dapat hayaang madamay na naman ako sa isang gulo na hindi ko pinasok.

Hindi ko dapat hayaang lumabas ang aking sarili na isang talunan gaya na lang ng dati kong buhay sa nakaraan ko.

I fiercely looked on Sine straight to his eyes. As if I injected fear deep down on his nerve, I saw he moved a little.

"May proweba ka ba na isang transferee ang may dahilan kung bakit nawala si M.A.?"

Biglang kumuyom ang kamay niya na nagpapakitang kinokontrol ang sarili para wala siyang masaktan.

"Meron. Hindi mo alam ang buong kwento."

"Minsan ay akala mong mapagkakatiwalaan ang isang tao dahil matagal na kayong magkakilala. Pero hindi mo ba naisip na mas delikado ka sa isang paligid na itinuturing mong ligtas?"

Mas lumapit ako kay Sine para sabihin sa kanya ang huli kong gustong ipunto.

"Ilang beses na rin akong sinaktan at iniwan. Lahat ng bagay ay lumilipas. Lahat ng bagay ay nagbabago. Marami nga minsan ang nawawala kesa sa bumabalik. Alam mo bang hindi mo na dapat hinihintay pa ang isang bagay na minsan kang iniwan?"

"Ibahin mo ako sa lahat ng karanasan mo. Babalik si M.A.!"

"Tutal hindi na rin naman tayo nagkakaintindihan, mauubos lang ang oras ko sa pagtibag ng pader na nasa pagitan nating dalawa. Kung patuloy mong pinaniniwalaan ang sarili mo, hindi ko alam kung hanggang kailan ka tatagal sa teorya mong 'yan. Sinasabi ko sa'yo Sine, mali 'yang pinapaniwalaan mo."

Bago ko siya iwan, nagbitiw pa ulit ako ng ilang mga salita para sa kanya.

"You are so childish, Shin!"



Sine



She even have guts to tell me that I was a childish person.

Umalis na ang kaninang kumakausap sa akin at hinayaan ko lang siyang mawala sa paningin ko.

Hindi niya alam ang sinasabi niya. Wala siya ni isang porsyento na ideya tungkol sa pagkawala ni M.A..

Kanina ko pa gustong magwala dahil mas lalong sumasama ang loob ko kapag nakikita ko siya.

Bago ko pa sipain ang isang paso na nasa harapan ko, nakita kong may papalapit sa akin.

"Tama nga naman siya. Hindi ka masasabihang isip-bata kung palagi mo na lang kinakampihan ang sarili mo sa mga maling akala."

Agad kong hinila sa kwelyo si Fierce nang makalapit siya sa akin.

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon