Chapter 44: Foolishness

48 2 0
                                    

Shen  
  
  
  
Hindi ko alam kung ano ang irereact nang mareceive ang text message ni Sine sa akin.

Matapos ang schedule ko sa internship, bumisita ako sa bahay nila Sine para makipag-usap sa kanya.

"Nee-san!"

May ngiting tagumpay sa mukha ni Sine nang salubungin niya ako sa kanilang bahay. Siya lang ang tao dito dahil nasa trabaho pa sila Tita Chelia at Tito Cose.

"Anong gusto mong merienda, Nee-san? Pero hindi ko nga lang alam kung mabibigay ko dahil nakalaan ang mga kakainin natin ngayon sa laman ng fridge."

"Sine, hindi na ako magtatagal dito. Huwag mo na akong pagmeriendahin."

"Ngayon lang tayo mag-uusap ng matagal pero tatanggihan mo ang alok ko?"

"Sine. Alam mo kung bakit ako pumunta dito."

Sa una, hindi ito nakinig sa sinabi ko dahil naghalungkat pa talaga siya ng pagkain sa ref. Matapos ang ilang minuto sa paghahanda ng pagkain, dito niya inopen yung dapat na pag-usapan.

"Kashungaan kasi ni Ghenea kaya nalaman kong may gusto sa akin si Kiera."

"At talagang proud ka pa d'yan sa nalaman mo? Hindi mo ba alam ang mangyayari sa pagitan niyong dalawa kapag nalaman ni Kiera 'to?"

"Awkward, ganon. Pero para sa akin, hindi."

"At bakit mo naman nasabi? May gusto ka rin ba kay Kiera?"

"Huwag mong baliktarin ang kwento. Wala akong sinasabi na iba bukod sa nalaman kong may gusto siya sa akin."

How come that he could still act so confident in this situtaion?

Nangako pa naman kaming mga babae na huwag ipapaalam sa boys ang nararamdaman ni Kiera. But the table has turned as Ghenea accidentally spoiled the secrets to them.

"Sine, umamin ka nga sa akin. May gusto ka kay Kiera 'no?"

"Ano bang sinasabi mo, Nee-san? Grabe ka mang-akusa."

"Edi may gusto ka nga sa kanya! Shocks! I can't believe it!"

Tinatawanan kasi ako ni Sine kaya inassume kong si Kiera ang gusto niyang babae ngayon. At the same time, si Kiera lang kasi ang pansin naming malapit kay Sine. Imposibleng makihalubilo ang pinsan ko sa iba dahil hindi ito ang kanyang ugali.

"Sine! Umayos ka! Umamin ka hangga't nandito pa ako!"

"Pffft! Pare-parehas kayo nila Fierce ng doubt. Ano namang masama kung si Kiera ang gusto ko ngayon?"

Jusko, umamin rin. Ang saya tuloy magpaparty ng hindi oras.

"Nababahala lang ako kay Kiera dahil si Ghenea ang may kasalanan kung bakit nalaman ko ang lahat."

"Walang problema, cous. Ako bahala sa'yo." pagchecheer up ko sa kanya. 
 
  
  
Next Day 
  
  
 
Kasama kong pumunta ng Z.U. si Sine dahil trip niyang sunduin ako sa bahay.

Pinipigilan ko siyang papuntahin ng bahay dahil baka makahalata si Papa na naipaalam ko na ang tungkol kay Tita Shira.

Habang naglalakad sa quadrangle, napansin kong lumingon si Sine sa aking direksyon. Nakita kasi namin si Kiera na papasok sa main building at mukhang di niya ata kami nakita kanina.

"Lakad. Puntahan mo na. Hindi ako hahadlang sa kasiyahan mo."

Hinabol niya si Kiera sa main building kaya naiwan akong nag-iisa sa gitna ng quadrangle.

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon