Chapter 24: Hidden Meaning

38 2 0
                                    

Shen



"Ready na us?" tanong ni Coline sa lahat.

Tapos ko na silang tulungan sa pag-aayos kaya pwede na akong umalis sa Music Room.

"Guys, mamaya na lang sa back stage. Good luck!" I cheered to them.

Sabay-sabay silang ngumiti sa akin at binigyan ako ng isang matagumpay na aja style bago makaalis ng kwarto.

Battle of the Bands na mamaya. Sino kaya ang mananalo sa dalawang grupo?

"I think I need something sweet right now. Kailangan ko sigurong pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain. Plus para na rin sa celebration ng debut nila."

After some few walks, nakarating na ako sa cafeteria at kung sinuswerte nga naman (real talk ha), wala masyadong tao.

Hindi muna ako pumwesto sa tabi ng counter area dahil kailangan ko pang pumili ng gustong pagkain.

"Crepês na lang yung oorderin ko. Then for the drink, isang Matcha Shake para tunaw agad ang carbs. Hehe. So brilliant."

Lumapit na ako sa counter area at agad bumati sa akin yung helper.

"Good evening po."

"My usual order, Besh. Alam mo na 'yan."

"Sige po."

While waiting for my order, may napansin akong babae na nag-iisa sa isang table na medyo nasa sulok ng cafeteria.

"Ate Sherlyn, eto na po."

"Oh. Thankies." at inabot ko ang bayad sa kanya.

Bitbit ang mga pagkain, hindi ako nagdalawang-isip na lumapit sa nakita kong kilala ko.

"Pashare."sabi ko sa kanya.

Sa una ay nagulat ito dahil sa pagdating ko. Pero matapos ng ilang segundo, ngumiti siya sa akin na parang nang-aasar.

"Go ahead. I don't mind."

Pagkaupo, agad kong hinalungkat yung dalang paper bag at inabot sa kanya yung extra kong crepê.

"Take it as a payment after disturbing you."

"Meron pa ako oh." sabay turo niya sa may kagat na crepê.

"Nah. Just take it. I insist."

She rolled her eyes before accepting my offer.

"As usual."

Nanaig ang katahimikan sa paligid nang kami na lang ni Estelle ang natira dito sa cafeteria.

Habang kinakain ko ang inorder kong pagkain, panay ang lingon ko sa kanya. Busy kasi siya sa pagkatulala at hindi ko alam kung ano ang iniisip.

After I took a sip on my Matcha Shake, saka lang ako nagbalak ulit magsimula ng konbersasyon.

"Inayusan ko ang apat kanina para sa event mamaya. Manonood ka ba?"

Ilang segundo ang hinintay ko bago siya sumagot.

"I don't know. My curfew ako ngayon eh. I was been grounded by my parents last week. Nahuli kasi nila akong tumatambay sa mall at saktong nag cutting lang ako 'non."

Napailing ako dahil sa sinabi niya.

"Kailangan ka pa natuto mag cutting?"

"May valid reason naman ako that time kaya nasa mall ako. Natyempuhan lang nila Dad na umabsent ako at nakitang nag-iisa sa mall."

"Bakit kasi nagpapahuli kapag gagawa ng kalokohan?"

"Tch. Hindi siya kalokohan. May kailangan lang kasi talaga akong bilhin d'on."

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon