Chapter 48: Imperfections

55 2 0
                                    

Ghenea  
  
  
  
After a month from our first day in second semester, madaling lumipas ang mga araw dahil ngayon ang paghahanda namin para sa Year End Party. 

"Hohoho~ Merry Christmas Minna!"

Ang tagal pa nang pasko para bumati.

"Sine! Hindi pa pasko. Mabuti pa siguro kung magsimula na tayo sa plano."

Binitawan ni Sine yung bitbit na garlands at nilapit ang inuupuang swivel chair sa tabi ng aking table.

"Ano bang magandang pakulo para sa year end party?" tanong niya habang nakapangalumbaba sa tapat ko.

"Aba, ba't ako ang tinatanong mo?  Ikaw ang magplano nga kasi."

"Nanghihingi lang ako ng suggestion. Di kita bigyan ng regalo d'yan eh."

"Edi huwag."

"Oi Fierce! Dito ka nga. Sungit ng future girlfriend mo. Di ko mareach ang katarayan."

Naihampas ko na kay Sine yung pencil case ko bago pa makalapit sa amin si Fierce.

"Ang sadista mo!"

"Tch."

"Hindi pa ba kayo nakakapagsimula sa plano?" tanong ni Fierce.

"Hindi pa. Kita mo namang wala ng ginawa yung leader natin kundi kulitin ako."

"Wews! Nagtatanong ako kanina pero sinungitan mo lang ako."

"Guys, that's enough. Tutulong ako, don't worry." awat sa amin ni Fierce habang nakangiti.

Tumabi si Fierce kay Sine at silang dalawa lang ang nag-uusap tungkol sa Year End party. Hindi kasi ako makasingit sa usapan nila dahil parang ayaw talaga nilang isali ako.

"Maganda yung idea na sinabi mo Sine. Although mas magugustuhan ito ng lahat kung may duet performance ulit kayo ni Kiera."

"Not bad. Gusto ko nga na siya yung kasama ko sa pagkanta."

"Why don't you try to quit on our band?" suggestion ni Fierce.

"Para magsama na kami ni Kiera as duet? Mahahalata ako dude."

"Oo nga 'no? Haha. Kailan ka ba aamin?"

Sumingit na ako sa usapan nila dahil naiinis na ako.

"Confess your feelings at the Year End party."

Nagkatinginan ang dalawa dahil sa sinabi ko.

"Or baka gusto mong paabutin pa ng Valentines Day 'yang sarili mong plano sa pag-amin?"

"Hindi ah. Syempre kailangan naman nasa tamang araw, lugar, oras at panahon bago ko sabihin ang lahat. Feeling ko nga baka sa White Day na lang ako aamin."

Tsk. Hindi uso sa Pilipinas ang White Day. Eto talagang si kalahating hapon oh.

"Kung maaari, huwag mong papaabutin ng pasko 'yang pag-amin mo. Baka kasi mamaya bothered ka sa buong Christmas break natin."

"Mas lalo ata akong mabobothered kung marereject ako bago magpasko."

"Hindi ka irereject 'non. Swear."

"Paano mo naman nasabi? Tch."

For the second time around, inawat ulit kami ni Fierce sa pagtatalo.

"Stay calm guys. Back to the main old topic na po tayo. Iwas na rin sa gulo."

After that chit-chat, niyaya ako ni Fierce bumaba sa cafeteria para bumili ng pagkain. Tumanggi na ako sa una para sumama sa kanya dahil abala ako sa binabasang libro. Pero alam niyo naman ang kakulitang taglay ng lalaking 'to kaya siya ang nanalo sa pagitan naming dalawa.

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon