Chapter 33: Bitter Past

42 2 0
                                    

Kiera  
     
   
   
Matapos magpainting, matutulog na sana ako nang makatanggap ng tawag mula kay Ghenea.  
  
   
  
[Kiera, ok lang ba kung umalis ka ngayon sa apartment?]  
   
    
    
Ba't ganun yung tanong niya? May masama bang mangyayari sa akin ngayong gabi dito?

"Uh... Ghenea. Bakit? Anong meron?"   
  
    
   
[Someone will fetch you there para makapunta dito sa resort na tinutuluyan ko.]   
   
   
   
Resort?! As in yung may dagat at mga cottages?! Oh my God! Hindi pa ako nakakakita ng tunay na dagat kahit college na ako.

"Seryoso? Pwede akong pumunta d'yan?"   
   
    
[Yah. Ako lang kasi ang kasama ni Fierce dito. Nandito rin si Estelle kanina with her boyfriend. Pero umuwi rin sila dahil kinailangan eh.]  
   
    
    
"Sige, sige. Maghahanda lang ako ng mga gamit. Oo nga pala, paano ako makakapunta d'yan kung di ko alam ang lugar?"   
   
    
   
[Hindi ka ba nakikinig sa akin kanina? Someone will fetch you para makapunta sa resort. Psh.]     
      
      
     
"Hahaha. Sorry, sorry. Naexcite lang ako."    
     
     
      
[It's ok. Basta, dadaanan ka nila Zera mamaya. Don't worry for anything. Hindi ka nila maliligtaan.]   
   
   
   
"Salamat, Ghenea. Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na pupunta akong resort dis oras na ng gabi?"  
   
   
  
[Masanay ka na sa amin. Sadyang ganto kami kung magkayayaan. Laging biglaan. Hindi kasi kami sanay na nagpaplano sa gala. Malaki kasi ang percent na hindi matuloy ito.]   
   
   
    
Pagkalabas ko ng kwarto, kita ko pa dito sa hallway na gising pa si Constantine. Abala ito sa harap ng kanyang laptop habang prente ang upo sa kaisa-isang maliit na sofa sa living room.

Pagkababa ko ng hagdan, nakita kong nagtaka ito nang makita ang dala kong back pack.

"Aalis ka?" tanong niya.

Isinakbit ko sa balikat yung malaking back pack bago magsalita.

"Yup. May nag-invite lang sa akin ngayong oras. I will stay in a resort. For sure, parang bakasyon na rin ito ngayong term break."

Tumango ang kausap ko at naging abala na ulit sa laptop.

Hindi rin nagtagal, may narinig akong bumusinang sasakyan kaya lumabas ako ng apartment.

"Kiera! Let's go!" masiglang sabi ni Zera sa akin.

Nakangiti akong pumasok sa sasakyan at hindi naglaon ay umalis na rin ito sa harap ng apartment.

Habang nasa byahe, tahimik lang si Zera na nakatitig sa bintana. Magsusuot sana ako ng earphones para makinig ng music pero hindi ito natuloy nang magsalita siya.

"Alam ba ni Constantine kung saan tayo pupunta?"

Umiling ako. "Hindi eh. Basta ang sabi ko lang, may nag-invite sa akin na pumuntang resort."

"Oh, I see."

"Saang resort nga pala tayo pupunta?"

"A resort that was owned by Fierce's family. Nasa Batangas ito and hindi naman ganung katagal ang byahe papunta d'on."

"Wow. Ang swerte naman nila. May-ari sila ng resort."

"Yup. Anyways, lahat naman ng mga family namin ay may-ari ng iba't-ibang business."

Sabagay, mayaman silang lahat. Hindi na ako nagtaka sa sinabi ni Zera.

"Excited ka na ba? Mukhang mag-eenjoy ka ng sobra sa resort. Matagal na kasi kaming nagbabakasyon d'on kaya hindi na siya ganung kathrillinh kapag sa amin."

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon