Chapter 23: Joining a Band

37 1 0
                                    

Ghenea 
  
  
  
Nagulat ako dahil habang inaayos ni Shen ang buhok ko, nasa loob pala ng Music Room si Fierce.

"Fierce! What the hell are you doing here?!"

Tila nagulat ko ata si Fierce dahil biglang lumaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Wala naman. Nagpapalipas dito ng oras bago lumaban."

"At dito ka pa talaga tumambay? Don't you see who's in here? We are all girls! Nag-aayos kami para sa event mamaya!"

Kung wala akong make-up ngayon, baka napa-face palm ako ng di oras dahil sa kanya.

"Sorry?"

"Psh."

"Gusto ko lang naman na makita ka."

What?

Tiningnan ko ulit si Fierce na ngayon ay halos mamula na ang tenga. Anong meron sa lalaking 'to at wala sa sarili?

"Well, masyado kang excited. Magkikita naman tayo mamaya ah? Bakit kailangan pang tumambay dito?"

Hindi na ako pinapakinggan ni Fierce dahil abala na pala siya sa iPad niya. Ok, here he goes with that attitude! Kapag nahihiya, gagawa agad ng alibi gamit ang iPad.

Akala mo naman busy, pero ang totoo n'an kanina pa siya tumitingin dito sa direksyon ko.

Ugh. Why is he acting that way? Ano naman ang tunay niyang dahilan para sabihing gusto niya akong makita?

My God. I can't predict this guy's smart mind.

"Ghenea, baka gusto mong ulitin ko yung braid dahil ang likot-likot mo?"

Inirapan ko lang si Shen nang magreklamo kanina.

"Taray nito. Kaya ka walang boyfriend eh."

"Ugh. I don't need a boyfriend. I could be happy by just spending my time alone with books."

"Huwag mag salita ng tapos." she kidded.

"Shen. Shut up."

Nakita ko rin siyang umirap sa akin.

"Kahit kailan naman, hindi ako nanalo sa'yo. I mean, lahat pala kami, hindi manalo-nalo sa'yo."

I sighed as Shen continues fixing my hair. Bakit ako nagbuntong-hininga? It's because this is the first time that I will sing infront of many people.

Joining a band was not definitely in my list of dreams. Sa una ay napilitan lang ako sumali dito for the sake of my friends.

And the other reason, it is not only just for them. Why? It's because to prove myself that I am not a scaredy-cat infront of the crowd!

Sine was provoking me before that's why I hate him as he keeps acting like a kindergarten.

Nakakainis kasi ang lalaking 'yon!

At isa pa yung pustahan na pinangunahan ni Zera. Ayokong pa naman matalo sa laban.

"It's already perfect! Sige. Hintayin mo na lang sila Zera na makabalik dito. Nasa kanila ang attire eh. Pinapakuha ko pa mula sa TCC Room."

"Pwede mo namang dalhin dito kanina ah? Bakit pinatago mo pa d'on? Malayo ang Music Room sa TCC Room, di ba?"

Hindi ako pinansin ni Shen dahil tumalikod na siya para maglakad papuntang pintuan.

Bago makalabas ng kwarto, nakita ko pa siyang seryoso na nagpaalam sa amin.

"Fierce, Ghenea, d'yan lang kayo. Hahanapin ko lang si Kiera. Chao!"

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon