Chapter 21: Punishment

34 1 0
                                    

Zera  
 
  
  
Magkasabay kami ni Fake Almighty na pumasok ng Supreme Student Council Room para makita si Shen.

"Shen!"

Agad akong lumapit kay Shen na ngayon ay tahimik na nakaupo sa isang upuan na katabi ng table ng SSC President.

"O, ba't ka nandito?"

Mga salitaan ng babaeng 'to akala mo naman suki rin siya sa SSC.

"Kakamustahin lang kita kung nag-enjoy ka ba sa Detention Room kanina."

Pinaningkitan niya ako ng mata dahil sa sinabi ko.

"Ilang minuto akong nakapangalumbaba sa harap ni Sir O. Ganun lang ba talaga ang ginagawa niyo ni Brent kapag ikinukulong sa Detention Room? Boring ha."

Yabang nito. Syempre hindi naman siya gigisahin d'on dahil unang beses niyang makapasok sa D.R.

"Palibhasa ayaw maniwala ni Sir O na may kasalanan ka kaya nakatunganga ka lang kanina."

Magsasalita pa sana si Shen nang umupo si Fake Almighty sa kanyang ginintuang upuan.

"I'm sorry to say that I still need to give you minor punishments, Ms. Walter."

Sumenyas si Shen na nagsasabing ipagpatuloy lang ni Regne ang kanyang sinasabi.

"I need to lend me your ears. Please listen carefully, Sherlyn."

"Sherlyn ang tawag kasi hindi sila close." bulong ko.

"Mabigat ang dapat na iparusa sa isang estudyante kapag naglabas siya ng mahalagang impormasyon ng kanyang kapwa mag-aaral. It is similar to a violation of human rights that must be applied equally to everyone."

Ugh. Hindi naman kami nainformed ni Shen na Law pala ang magiging lecture ni Fake Almighty. Sana pala dinala ko si Ghenea or si Fierce para may taga-digest ng topic na 'to.

"For example, kinuha ko ang cellphone number mo Zera nang hindi nagpapaalam sa'yo. E hindi mo pinapakalat ito dahil maraming makakaalam kung paano ka i-contact. Hindi mo ba sasabihin na nilabag ko ang karapatan mo sa salitang 'privacy'?"

At nakita pa ako ng animal na 'to. Pwede namang si Shen ang tanungin niya. Bakit ba lagi na lang ako ang napapansin nito?

"Zera."

"Ano?"

"Tinatanong kita."

"Syempre magagalit ako! Common sense nga, di ba? Bruh!"

"You heard your friend, Ms. Walter. Siya na rin ang nagsabi na lumabag ka talaga sa isang batas ng university na 'to."

Itinagilid ni Shen ang kanyang ulo at bored na tumingin sa akin.

"E ikaw Regne, paano kung kinuha ni Zera ang cellphone number mo? Masasabi mo rin bang nilabag niya ang human rights mo?"

Pati ba naman si Shen?!

Tumingin ako kay Regne dahil bigla siyang umubo. Duh! Alam ko na 'yang alibi niya. Siguro at sukang-suka na siya na iniimagine ang mga sinabi ni Shen. Tss.

"Sabagay, baka hindi ka rin tumanggi."

"What?/Ano?!"

Tungunu! Patawa si Shen ha! Hindi ko maimagine na mayroong interest si Fake Almighty para maging textmate ko.

"How about Mr. Heather? Ganun rin ang sasabihin mo sa kanya, di ba?"

At ako ulit ang pinansin ng magaling na Fake Almighty! Grabe ha!

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon